Yolly's POV: "Zodiac, kids, kakain na! Baba na kayo rito!" Sigaw ko. Kakatapos ko lang magluto ng umagahan namin. Napapangiti na lang ako dahil isa itong dream come true. "Let's go kids!" Narinig ko ang sigaw ni Zodiac kaya sumilip ako sa may hagdan. Pababa ang mag-aama, bitbit ni Zodiac sa magkabilang braso niya ang kambal. "Mommy, are we really going to school?" Nakangusong tanong ni Levi nang makalapit na sila rito sa dining room. "Yes baby, bawal ang tamad. Kailangan mag-aral ng mabuti okay?" Pangaral ko kay Levi kaya napanguso na lang siya. Umupo na ako sa tabi ni Zodiac. Nasa tapat ko si Levi habang nasa tapat naman ni Zodiac si Mission, kailangan na nilang matuto kumain ng sa kanila. May mga katulong naman kaming nakaalalay sa likod ng kambal. "Ang sarap ah, ang galing

