Zodiac's POV: "Banana bear! Yolly please wake up!" Yugyog ko kay Yolly. "Sir, hanggang dito na lang po kayo. Bawal na hong pumasok sa loob." Sabi ng nurse at hinarangan ako. Nagpumilit pa akong makapasok pero hindi na nila ako pinayagan. Nanghihina na lang akong napaupo sa sahig at umiyak. Simula nang dumating si Yolly sa buhay ko, napakaiyakin ko na. Basta tungkol sa pamilya ko, lumalambot ang puso ko. Mahal na mahal ko sila. "Zodiac anak, anong nangyari?" Tanong ni mom na kararating lang. Nasa likod naman si dad na parang galing sa pagtakbo. Napalingon ako sa likod ni dad, kasama nila ang kambal. Hinila ko ang kambal at niyakap sila ng mahigpit. "Daddy please stop cwaying." Bulong ni Levi sa tenga ko. "Shh, hush daddy. Mommy will be mad." Pag-aalo naman sa akin ni Mission.

