Zodiac's POV: Kababalik ko lang ngayon mula sa Russia para putulin ang ugnayan ko sa business ng mga Nataraj. Iyon ang kasunduan namin, pagkatapos noon ay nangako silang wala nang manggugulo sa amin at hindi na uusisain ng mga reporters ang pekeng kasal ni Yolly at Lacoste. Kinuha nila ako para mag-ayos ng financial affairs ng isa sa mga kumpanya nila, ang Shukranovich. Tinapos ko na ang ugnayan ko sa kanila dahil ayaw ko na madamay pa ang pamilya ko sa gulong kinasasangkutan nila ngayon. Nangako naman silang poprotektahan ang kapatid kong si Stella na kabilang ngayon sa kanilang organisasyon. May narinig naman akong mga yabag ng paa na pababa ng hagdan. I saw my twins na malungkot na naglalakad palapit sa akin. "Daddy, we can't sleep." Levi said while pouting. "Me too daddy, we mi

