Tittle: "Girl Relations Officer (GRO)"
Pagkabihis n'ya ay agad din silang lumabas ng night club na yun.. Samantala pumayag man si Mamu na umalis si Sheryl ay lihim namang nagngingitngit eto sa inis..
"Ang babaeng yun porke alam na s'ya ang mabenta dito sa club at hinahanap,,agad-agad nalang nawawala.."wika ni Mamu sa sarili..
Sa loob ng sasakyan ay pinaliwanag naman ni Don Miguel ang lahat sa dalaga.. Kaya naintindihan naman ng dalaga ngayon kung bakit bigla nalang napasugod ang matanda sa club..
"Salamat ho Don Miguel sa pag-save nyo nanaman sa akin ngayon.. Diko ho alam kung anu ang magiging reaksyon ng mga kaibigan ko kapag nalaman nilang nagtatarabaho ako sa ganung lugar..."wika ng dalaga sa matanda..
"Walang anu man iha.. Kung bakit naman kasi ayaw mo pa umalis sa lugar na iyon.. Ayaw mo pa tanggapin ang alok ko sayo, humito ka nalang kaya sa pagta-trabaho mo dun sa club?.. Ilang buwan nalang at matatapos kana ng koleheyo.."sagot naman ng matanda..
"Hayaan nyo po't pag-iisipan kung mabuti ang lahat, t'saka hindi rin ho ako agad-agad makakaalis dun sa lugar na yun kahit putik sa tingin ng iba yun, malaki pa rin ang utang na loob ko sa lugar na yun.. Kaya kailangn ko rin kausapin sina bossing at Mamu.."paliwanag ng dalaga..
Samantalang sa Ospital ay natuntun naman ng dalawang magkaibigan ang kwarto ng Mama ni Sheryl.. Napagkaisahan nilang lagyan iyon ng dekorasyon para sa kaarawan ng kaibigan.. Tuwang-tuwa naman ang mama ni Sheryl sa dalawang kaibigan nitu, na talagang nag abala pa para sa araw na yun..
Bumili sila ng konteng pagsasalu-saluhan nila..at syempre ang cake na binigay din ng matandang don..
"Joan , Andy maraming salamat sa inyong dalawa ha.. Napaka swerte ng anak ko't may kaibigang kagaya nyo..."emosyonal na sabi ng ginang sa dalawang kaibigan ni Sheryl..
"Naku okey lang po.. Ganun po talaga.. Para na din kami magkakapatid na tatlo.."si Andy..
"Oo nga po Mamita.."dugtong naman ni Joan..
"Kaya lang baka gabihin ang anak ko.."sabi naman ng mama ni Sheryl.
"Naku hindi po kase nakausap namin ang boss nya.. May inutos lang daw s'ya kaya alam namin ni Andy na babalik agad yun dito..."si Joan..
"Ganuon ba..? eh bakit wala pa kaya s'ya..?"tanong naman ng Mama ni Sheryl..
Habang hinihintay ng tatlo ang pagdating ni Sheryl ay masayang nagkukwentuhan ang mga eto... Nakarating naman agad sina Sheryl at Don Miguel sa ospital..
"Paano iha dina kita sasamahan sa loob ha, medyo masama din kase ang pakiramdam ko.."wika ng matanda..
"Muka ho yatang napapadalas ang pagsama ng pakiramdam n'yo Don Miguel.. Nagpatingin na ho ba kayo?"tugon naman ng dalaga..
"Naku iha wala eto,,medyo dala lang nang pagod.. Sige na puntahan mo na ang Mama mo at mga kaibigan.. Kanina kapa nila hinihintay.."sagot naman ng matandang Don..
"Sige ho.. Ingat po kayo..Mang Dante drive safely po.."paalala ng dalaga sa dalawa..
Habang papasok ng ospital ay tinawagan ni Sheryl si Rose... Sinabi n'ya dito na nasa baba na s'ya ng ospital..at kung may kailangang gamot na bilhin ay hiningi nya.. Ngunit dinahilan nya lang yun ng sa ganun ay malaman ng mga eto na paparating na s'ya...
Samantala sa bahay ng mga Sebastian... Gabi ng nagising si Zena..
"Manang Sepa pahingi nga ako juice gawan n'yo na rin ako ng sandwich.."wika nito sa matandang katiwala.
"Oh Dina, narinig mo ang sinyorita, igawa mo ng juice at sandwich,, Pagod yan at gutom.."makahulugang wika ng matanda..
"Nasa sala ako hintayin ko nalang dun dalian mo Dina ha"..sabi pa ng dalaga..
"Oho sinyorita.."tugon naman ni Dina..
Papaupo na sa sofa si Zena ng makita ang isang tarheta malapit sa may lamp shade at nakapatong ito sa ibabaw ng side table.. Nilapitan nya iyon binasa ang nakalagay na note at binuksan.. Nakita n'ya ang mamahaling relo..
Pagkatapos n'yang sipatin ay ibinalik nya ule yon.. S'ya namang dating ng matandang Don..
"Hi iha gud evening.. Andito ka pala.."wika ng Don dito..
Nakita n'ya ang tarheta na bigay n'ya sa anak n'ya nandun pa rin sa pinaglagyan nya..
Nalungkot ang Don ng makita iyon, malamang hindi nagustuhan ng anak nya..
"Yes Papa.. Kumusta kayo..?"ganting tanong ni Zena..
"Maayos naman, sige iha at magpapahinga na ako.."pamamaalam ng Don sa dalaga..
"Sige ho.. Good night..."
binaybay ng matandang don ang daan papunta sa kanyang kwarto, matapos magpalit ng damit ay nahiga eto sa kanyang malapad na kama.. Nalulungkot s'ya sa sitwasyon nilang mag-ama ..
Matagal na din ang hindi siila nagkakausap nitu, simala ng mawala ang kanyang may bahay.. S'ya ang sinisisi ng anak sa pagkawala nitu..
Samantala sa ospital ay walang pagsidlan ang kasiyahan ni Sheryl, kahit na alam nyang andun ang mga kaibigan na sorpresa pa rin s'ya sa mga ginawa ng mga eto..
"Happy birthday sissy..."si Joan
"Akala mo nakalimutan namin ha.."si Andy naman,,
"Akala ko talaga kinalimutan nyo eh.."sabi naman ni Sheryl..
Masaya silang magkakaibigan kahit ang Mama ni Sheryl ay mababakas din ang kasiyahan para sa anak.. Pagkatapos nilang kantahan ang dalaga at kumain ay nagpaalam na din ang mga kaibigan nitu..Gabi na rin kase..
Kaya hinatid naman ni Sheryl ang mga eto sa labas ng ospital.. Pabalik na s'ya ng kwarto ng Mama nya tumunog ang kanyang cellphone... Ang kanyang boss yun sa club..
"Hello bossing.. Napatawag kayo.."wika ng dalaga
"Sandra aabot kapa naman sa last show diba, hinahanap ka ng mga parokyano mo, makakahabol ka ba sa last show..?tanung nitu..
Hindi agad nakasagot si Sheryl ng mga oras na yun matamang nag isip eto..hinihintay din kase ng matandang Don ang kasagutan nya para sa alok nitu..
"Hello... Hello Sandra andyan ka pa ba?.."sa kabilang linya
"Oho.. Bossing sige darating ako paki gayak yong sahod ko ah kailangan ko kase.."wika ng dalaga..
Nag pasyang pumasok ng club si Sheryl para sa last show ng gabi, naisip nyang et na din ang pagkakataon para makausap nya ang kanyang boss.. Inapura nya ang lakad papuntang kwarto ng kanyang Mama para makapagpaalam dito..
"Ma sasaglit po ako pumasok sa club ha.. Kelangan ko ho kaseng kausapin ang boss ko dun.. Magpapaalam naku Ma sa kanila.."wika ng dalaga sa kanyang Mama..
"Talaga anak.. Masaya ako para sayo.. Mag-iingat ka ha gabi na rin oh.."bilin ng Mama nya..
"Oho Ma.. Kayo din dito.. Si Rose na muna ang bahala sayo ule.."si Sheryl ule..
Kinuha nya ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang bihisan, at personal bag..Pagkatapos Hagkan ang Mama ay nag paalam na eto at lumabas nang ospital.. Agad din naman s'yang nakasakay papunta sa kanyang distenasyon.. Makalipas ang halos biente minutos ay nakarating na din sila.. agad sya nagbayad sa driver at pumasok na ng club..
Pagpasok nya napakarami ngang parokyanong naghihintay doon, kahit pa sabihing ordinaryong araw ngayon.. Di kagaya pag byernis o sabado na talaga naman napupuno iyon..
Nilibot ng kanyang mga mata ang buong paligid minasdan nya ang iba nyang kasamahan na halos nakikipag sabayan uminom ng ladys drink, ang iba naman ay halos magkapalit na ang mukha ng dahil sa pagkikiskisan ng mga labi, ang iba'y tumatawa ng nakakalokang tawa para makapang akit at makaagaw eksina ng mga lalaking wala pang ka table..
Si Anna na kanyang ka close may costumer din eto at nakita nyang nakakandong pa eto sa lalaking halos sampung piraso nalang ang buhok, samantalang ang iba ay nasa taas ng entablado patuloy ang pag giling ng katawan at animoy umaakit ng mga adonis na hayok sa laman..
Nang matapos nyang maikot ang kabuuan ng club.. Napabuntong hininga sya..
"Hhhhaaaayyy... Konte nalang, makakaahon na rin ako sa putikang ito, at ang putik na tingin nila sa akin ay sisikapin kung maging ginto naman sa paniningin nila.."bulong nya sa kanyang sarili..
Nagmumuni muni pa s'ya ng lapitan sya ni Mamu..
"Oh Sandra sige na gumayak kana at pagkatapos nyan ikaw na ang isasalang ,."wika nitu..
Tuminag naman si Sandra, agad s'yang pumasok sa dressing room.. Nagpalit s'ya ng isusuot nya, pinagmasdan din n'ya ang halos kapirasong tela na isinusuot nya sa twing magsasayaw sya.. Halos wala na s'yang tinago sa katawan nya kapag sinusuot nya un..dahil tinatakpan lang nuon ang kanyang kaselanan,,.
Naglagay s'ya ng light make up, hindi s'ya kagaya ng iba nyang kasamahan na halos gawin nang mascara ang make up.. Sabagay di naman nya kelangan gawin yun dahil sa tuwing lalabas sya ng entabladoy, nakasuot sya ng maskara..yun nalang ang natitira sa kanya ang kanyang pagkatao.. Ang buo nyang pagkatao..
Nang matapos s'yang gumayak ay nakita nyang pumasok na ang mga sumasayaw kanina hudyat yun na s'ya na ang tatawagin sa susunod..
"Goodluck Sandra.." wika ng mga kasamahan nya..
"Salamat."sagot naman nya..
Nang nasa likod na s'ya ng entablado ay sinenyasan nya ang mc ng club na handa na s'ya..
"GENTLEMEN...ANG PINAKAHIHINTAY NYONG LAHAT, NAPAKALAKAS NYO TALAGA SAKANYA DAHIL DUMATING SYA AT PINUNLAKAN KAYO...THE LADY IN RED MASK...MS.SANDRA!!"pagpapakilala ng mc sakanya..
Nang pumaimbabaw ang maharot at malamyos na tugtugin ay gumigiling naman s'ya sa pagsayaw papuntang center stage.. Di magkamayaw ang mga parokyano ng club na iyon, pumipito gamit ang bibig, palakpakan, kinakalampag ang mesa.. Pagbibigay ng mainit na pagtangap sa kanya.. Alam ni Sandra na ang ibang kasamahan nya ay galit at ayaw sakanya.. Dahil sa pride nya at pagmamalinis ayaw kase nya talaga tumable.. Kaya para sa kasamahan nya isa s'ya sa mga taong nagmamalinis na di maalis alis ang putik..
Isang poll dancing ang hinandog nya ng gabing iyon, matapos magpaikot ikot sa tubo na nasa harapan nya na akala mong isang lalaki na inaakit na sinasabayan ng tugtuging bumabagay naman sakanyang galaw.. Matapos ang halos sampung minuto nya sa entablado ay masayang nagpalakpakan ang mga nanunuod ang iba ay binigyan pa s'ya ng standing ovation...
Yumukod naman s'ya sa mga eto tanda ng pasasalamt at pumasok na sa dressing room.. Agad sya nagsuot ng damit.. Kakausapin nya kase ang boss nya at ang kanyang Mamu..
Nakasuot na s'ya ng jeans at t-shirt, tinanggal na din nya ang mga pintura sa kanyang muka.. Nagtungo s'ya sa counter ng club.. Nang makita s'ya ng kanyang boss ay napakalapad ng ngiti nitu sakanya... Pumapalakpak pa eto..
"Salamat Sandra.. The best ka talaga.."wika ng lalaki sabay abot ng sobre sakanya..
"Yan yung kabuuan ng sahod mo nitung nakaraang dalawang linggo Sandra.".dugtong pa nitu..
Inabot naman yun ni Sandra, wala si Mamu may inaasikaso ding costumer.. Kaya ang kinausap nalang nya ay ang kanyang boss..
"Boss eh di na ako magpapaliguyliguy pa.. Magpapaalam na ho kase ako sainyo.. Alam nyo di naman ho lingid sainyong kaalamn na malapit na rin ako makapagtapos sa pag-aaral at plano ko rin ho na kumuha na ng mas marangal na trabaho.. Malaki ang utang na loob ko sa inyo at sa club na eto kaya nag papaalam pa rin ako, para makahanap din kayo agad ng papalit sa akin.."wika ni Sandra..
Nagulat man ang kanyang boss ay, alam naman nya dahil sa simula palang sinabi na rin naman ng dalaga kapag nakahanap na s'ya ng trabaho ay magpapaalam na s'ya dito.. Nalungot man eto dahail isa si Sandra sa talaga namang inaabangan ng mga parokyano nya sa pagtanghal sa entablado..
"Ganun ba Sandra, kung aalis kana pwedi bang sa sabado magshow ka bilang pamamaalam na din para sa mga kasama at sa mga taong nag aabang sayo dito gabi-gabi.. Kahit yon na ang huli mong sayaw"bagsak ang balikat ng boss ng makipag usap eto dahil sya man ay talagang malulungkot kapag wala na si sandra sa club..
"Sige ho boss.. Magsasayaw ako para sa sat. big nightt show.. Salamat po sa lahat at sa pang unawa.."wika ng dalaga niyakap pa nya ang boss nya saka tuluyang nag paalam ng gabing iyon..
to be continue...