CHAPTER - 04

2111 Words
Tittle: "Girl Relations Officer (GRO)"     Pagkababa ni Sheryl ay agad n'yang pinuntahan ang kwarto ng kanyang Mama.. Naabutan nya ang kanyang pinagkakatiwalaang magbantay sa Ginang..   "Oh Rose nasaan si Mama"?agad na tanong nya dito dahil nakita n'yang nasa labas ng kwarto eto..   "Nasa loob na te, medyo kakapalipat lang din po sa loob.."tugon naman ni Rose.   Pumasok si Sheryl sa loob ng kwarto nakita nyang himbing pa ang kanyang Mama..   "Baka bukas pa raw po magigising ang Mama n'yo, dala ng isinaksak na anistesya sa kanya at pampatulog.."paliwanag pa ni Rose..   "Ganun ba? kumusta naman daw sya? Anung sabi ng doctor..?" tanong ni Sheryl at nilapitan nya ang kanyang mama hinawakan nya ang dalawang kamay nito at maingat na pinipisil na wari ba'y binibigyan ng lakas..   "Ayos naman daw ho ang operasyon sabi ng doctor..mamaya pupunta yon dito ate Shie..kausapin mo nalang.."wika naman ni rose.   "Rose magpahinga ka muna, alam kung pagod ka rin gusto mo bang umuwi? pero balik karin ng 6:30 ng umaga may pasok kase akp sa eskwelahan.. Ayos lang ba ? Pasemsya kana ha.. Salamat ng marami.."wika ng dalaga..   "Oo sige ate.. Uwi muna ako sandali balik nalang ako mamaya" tugon naman ni Rose.   Inabutan ni Sheryl ng pang taxi si Rose at nagpaalam na eto, s'ya muna ang magbabantay sa ina,wala man ganu tulog ay binuksan nya ang kanyang bag at kinuha ang reviewer n'ya may pagsusulit parin kasi sila kaya kahit pagod at antok ay nag aral sya habang binabantayan ang ina..   Alas tres na ng madaling araw ng magising ang kanyang ina.. Nakayuko si Sheryl sa higaan habang hawak ang libro nitu nakaidlip s'ya.. Maingat na hinaplos ng kanyang mama ang buhok ng anak.. Naaawa s'ya rito halos walang pahinga ang dalaga simula ng madiagnose ang kanyang sakit.. Lahat ginawa nitu para sakanya.. Napaka swerte nya bilang ina at nagkaruon ng kagaya ni Sheryl na anak..   Nagising naman si Sheryl sa ginawang paghahaplos ng kanyang buhok at nakita nyang naging na ang kanyang mama..   "Ma gising na po kayo.. Kumusta po pakiramdam nyo?my masakit ba?tatawag po aq ng staff.."sunod-sunod na wika ng dalaga..   " Nak relax kalang..Ayos lang ako.. Pasensya kana at nagising kita.." tugon ng kanyang mama.."   "Ma anu kaba?dika dapat humingi pasensya noh.. Mahal na mahal ko po kayo.. At lahat gagawin ko para sa inyo" wika ni Sheryl sa ina.   "Salamat anak.. Kaarawan mo ngayon ah.. Happy birthday anak, halika nga yakapin mo si mama.." lambing naman nang Mama Sheryl, Tuminag naman si Sheryl at niyakap ang ina..   "Wala manlang akong magandang regalo sayo anak.. Pasensya na ule.."hinging paumanhin ng ginang.   "Anu kaba ma.. Eto oh kayakap kita, lumaban ka ,magkasama tayo ngayon.. Eto ang pinaka magandang regalo nyo para sa akin.." wika ni Sheryl sa Mama nya..Maluha-luhang wika ng dalaga sa mama nya..   Lahat gagawin nya para dito.. Mahal na mahal nya ang kanyang mama, eto lamang ang meron s'ya ngayon.. Kaya lahat ginagawa nya para dito..   "Oh ma tama na ang drama natin, di makakabuti sa inyo yun.. Kelangan mag pagaling kayong mabuti ha.."wika naman pa ng dalaga..   "Oo anak.."tugon ng ginang..   " Ma pahinga ka muna ule,,dto lang ako..mamaya po  Ma si Rose muna ule ang magbabantay ha kase may pasok pa ako sa eskwelahan, after class po punta ule ako dito.."paliwanag nya sakanyang mama..   "Sige anak.." tipid na sagot nang Ginang.   Ilang sandali pa ay nakatulog na ang mama nya, si Sheryl naman sy pinagpatuloy ang pagbabasa, ng makaramdam ng antok umudlip ule eto..bagu yon ay inayos nya ang orasan ng kanyang cellphone ng alas singko ng umaga..   Pagsapit ng alas singko ng umaga ay agad namang tumunog ang kanyang cellphone.. Gumising sya at naghilamos sa loob ng c.r ng kwartong iyon.. Gumayak sya para lumabas ng hospital bumili ng kape at magiging almusal ng kanyang Mama..   Iniwan nya sagli ang kabyang mama na ng oras na yun ay himbing parin ang tulog...Bumili sya ng brewed coffe at sandwich para sa kanya at congge naman sa kanyang Mama .. Pagkatapos nya bmili ay agad din syang bumalik sa kanyang mama dahil alam nyang walang nagbabany dito.. Pagpasok nya ng kwarto ay naabutan nyang gising na ang kanyang Mama..   "Morning Ma.." bati ng dalaga dito..   "Morning anak.." nakangiti namang tugon nang Ginang.   "Binilhan ko po kayo ng almusal, sabay na tayo mag almusal.."aya ng dalaga dito..   "Wala pa ba si Rose?baka mahuli ka sa klase mo..?"   "Maya-maya po darating na din yun.."tugon ng dalaga..   Habang kumakain ng kanyang almusal ay sinusubuan naman nya ang kanyang mama ng binili nyang congge para dito..   "Nak malapit kana magtapos ah.."sabi ng kanyang mama..   "Opo Ma,,kaya nga po nag aaral din ako kagabi kase may pagsusulit parin kami.. At sana kasama ako sa mga magtatapos ng may karangalan.."mahabang sabi ni Sheryl..   "Naku anak alam ko naman na mangyayari yon matalino kang bata..kung andito lang Papa mo t'yak magiging proud yun sayo.."lumungkot naman ang mukha ng kanyang Mama ng mabanggit ang kanyang papa..   "Ma kahit nasan man si Papa ngayon kapag nalaman nya na eto na tayo dalawa magiging proud talaga yun, kaya wag kanang malungkot..bawal ang sad face okey.."wika ng dalaga na ngumiti pa ng napakalapad sa harap na kanyang Mama..   Ngunit kahit s;ya man ay naging malungkot ng banggitin ng kanyang mama yon, mula ng iwan sila ng papa nya marami nadin silang pinagdaanang mag ina..   Pagkatapos nilang mag almusal ay iniligpit ni sheryl ang kanyang mga gamit.. Maya-maya pay may kumatok sa pinto, ng buksan ni Sheryl yun ay nakita nyang si Rose ang dumating..   "Morning te.. Andito naku pwede ka nang umiskapo.."biro ni Rose..   "Salamat.. Ikaw na muna bahala ke Mama, kapag may kailangan ka at ang mga gamot kumuha ka nalang muna sa botika, kapag may bagung news sa doctor babalitaan moko.. Tawagan mo ako o kahit text at ako nalang tatawag sayo.."mahabang bilin ni Sheryl ke Rose...   "Okey sige te.."tugon naman ng isa..   "Ma alis na muna ako.. Pahinga kalang ha try ko po dumaan mamaya dito ule after class bago ako pumasok ng work..."bilin naman ng dalaga sa ina..   "Sige anak, mag-iingat ka lang palagi.."bilin naman ng Mama nya..   Hinagkan ni Sheryl sa noo ang kanyang Mama at nagpaalam na eto, dadaan pa sya sa apartment para maligu, at magpalit ng damit pang eskwelahan.. Sumakay s'ya ng taxi patungong sa inuupahan nilang apartment ng kanyang ina.. Pagdating sa bahay ay agad na naligu si Sheryl.. Gumayak at nagpalit ng uniform nya..   Samantala sa mansyon ng mga Sebastian.. Maaga gumising si Don Miguel.. Inaatake nanamn s'ya kase ng sakit nya sa ulo, at medyo nahihirapan sya sa paghinga na para bang my pumipisil sakanyang puso.. Naligu muna s'ya at gumayak nadin para mag agahan..Pag dating n'ya sa dining area ay nakahain namn na ang agahan.. Naupo sya .. Lumapit sa kanya ang matanda nyang katiwala..   "Aling Sepa dumating ba ang alaga nyo..?"tanong ng Don sa matanda..   "Oho Don Miguel, eh may kasama ho ng dumating.. Madaling araw na din kaya malamang di pa rin babangon yun.."paliwang naman ng katiwala.   Pagkatapos mag almusal ni Don Miguel ay nagtungo sya sa library.. May kinuha syang isang maliit na box doon plano nyang ibigay kagabi sa anak iyon kaya lang di naman dumating,binuksan nya iyon..   Isang mamahaling relo na rolex at bagong edition iyon.. Gumawa nalang s'ya ng note para sa anak,.lumabas ng library at tinungo ang sala iniwan nya ang box sa side table ng sala malapit sa telepono ng saganun pagbaba ng kanyang anak ay makita ito, inipit din nya ang kanyang ginawang note..   Pagkapatong nya nun ay lumabas na sya ng malaking bahay..Naghihintay naman na sakanya ang kanyang driver na si Mang Dante..   "Sa opisina tayo Dante.."wika ng Don sa personal driver nya..   "Don Miguel, andyan ho sa back seat lahat ng papeles na pinagawa nyo kay Sheryl.."wika ni Mang Dante..   "Salamat Dante maasahan talaga ang batang iyon.. Kahit na hirap at puyat talagang binabalanse nya ang oras nya at katawan kung kagaya lang sana sya ng anak ko malamang hindi na ako nangangamba sa kompanya na pinaghirapan kung itayo sa mahabang panahon.."pagkukumpara naman ng Don sa kanyang anak ke Sheryl..   "Magbabago din ho ang anak nyo Don Miguel.."alo naman ni Mang Dante.   "Kelan pa Dante kapag ako ay pumanaw na..?"   "Kayo talaga Don Miguel, wag ho kayong nagsasalita ng ganyan..   Iiling-iling nalang si don Miguel at di na kumibo..,Habang nasa byahe.. Samantala nakarating naman na ng universidad si Sheryl.. Hinanap nya ang dalawa nyang kaibigan sa bench kung san sila madalas tumambay ngunit wala ang mga eto..Kaya tumuluy nalang sya sa klase..Pagpasok nya ay nakita nya ang dalawa na nkaupo na sa silya..   "Hi gurl..Oh late ka ah.."wika ni Andy..   "Oo nga sissy.."si Joan naman..nagbeso beso ang tatlo..   "Di pa wala pa si Prof..oh.."sabi naman ni sheryl na ang tinutukoy ay ang kanyang guro..   Naupo na si Sheryl sa silya, bahagya s'yang nagtampo dahil mukang nakalimutan ng dalawa nyang kaibigan ang kanyang kaarawan.. Pero nawala din agad ang kanyang pagdaramdam dahil katwiran nya kung sya nga ay muntik na nyang makaligtaan iyon eh..   Pagkatapos ng kanilang pagsusulit ay nagpaalam naman ang dalaga sa sa dawang kaibigan nya na lingid sa kanyang kaalaman ay talagang sinadya ng mga eto na wag s'yang batiin para sa sorpresa sakanya mamaya.. Plano ng dalawa na puntahan ang kaibigan sa trabaho nitu.. Dumaan muna si Sheryl sa apartment para magpalit ng damit nya at tumuluy sya sa ospital.. Para tingnan ang kanyang mama at alamin ang kalagayan nitu.. Saglit na binantayan ni Sheryl ang Mama nya bumili s'ya ng pagkain nila para sa hapunan..,   "Ma kain tayo.. Uy Rose halika na sabay-sabay na tayo kumain.."aya ni Sheryl dito..   "Sinusubuan ni Sheryl ang kanyang Mama ng matapos kumain ang kanyang Mama ay s'ya naman ang kumain..   "Te Sheryl hinay-hinay lang sa pagsubo.. Nag aapura ka nanamn nguyain mo mabuti ang kinakain mo.."wika ni Rose   "Oo nga namn anak"sang-ayon naman ng Mama nya.   "Kayo talaga may pasok ako sa trabaho kaya nag aapura ako.."ngingiti ngiting wika ni Sheryl...   Pagkatapos kumain Sheryl ay nag toothbrush s'ya at nagpaalam na sa dalawa para pumasok.. Kagaya ng dati marami nanaman syang ibinilin kay Rose at sa Mama nya.. Pagkatapos ay sumakay n sya ng taxi papuntang club ..   Samantala ang dalawa nyang kaibigan ay nasa tapat ng malaking building na sinabi ni sheryl kung san sya nagtatrabaho...   SEBASTIAN EMPIRE STATE COMPANY..   "Ang laki pala nitu friend leka magtanong tayo sa gwardya.."si Andy..   "Okey gurl.."si Joan   At nilapitan nila ang gwardya..   "Excuse me po, boss itatanong lang po namin kung saan ang cubicle ni Ms.Sheryl Marasigan.."tanong ni Andy   "Sheryl Marasigan..?"takang tanong naman ng gwardya..   "Ah guard anu ang kailangan ng dalawang binibining eto?"agaw tanong ni Don Miguel sa gwardya na na rinig naman ang pangalan ni Sheryl.. Inisip ng matanda na malamang kaibigan eto ni Sheryl.. At mukang hinahanap pa ng dalawaa ang dalaga..   "Don Miguel.. Ehh hinahanap daw po nila si Sheryl Marasigan, parang wala----"dina natuloy ng gwardya ang sasabihin nitu..Dahil inagaw na ni Don Miguel ang iba pang sasabihin ng gwardya..   "Halikayo mga iha..,kaibigan ba kayo ni Sheryl?"tanong ng matanda..   "Oho" Magkasabay na sumagot ang dalawang magkaibigan..   "Ako ang boss nya, ngayon kase wala si Sheryl dito may pinagawa ako sa kanya.."sabi naman ng Don.   "So-sorpresahin po sana namin s'ya dahil kaarawan nya ngayon.. Baka ho nagtatampo kase d namin binati eh plano ho naming puntahan talaga sya ngayon.."paliwanag ni Joan sa matanda..   "Ganun ba mga iha..Kung gusto nyo puntahan natin sa ospital malamang nandun yun baka binabantayan ang kanyang mama.."wika naman ng matanda,,   "Hindi po kase namin alam kung saang hospital naconfine ang mama nya.."si  Andy..   "Ganito nalang mga iha.. Ipapahatid ko kayo sa driver ko ha, at t'yak matutuwa ang kaibigan nyo pag nakita kayo.."wika ng Don..   Samantalang sa night club na pinapasukan ni Sandra ay wala pa ganung tao..Pumasok s'ya ng dressing room, at ng makapag gayak na s'ya mag-o-opening number s'ya para maaga sya makauwi,at de-deretso namang Hospital pagkatapos..Nakapagpalit na s'ya ng damit, ng may kumatok sa pintuan,.   "Tuloy .."wika ni Sandra..   "Sandra andyan si Miguel mo, hinahanap ka..Mukang ang aga ng customer mo ah.."wika nang nagngangalang Mamu..   "Bakit kaya nasa isip ni Sandra..Baka may mga palpak sa ginawa ko kagabi ah..oh baka kulng ang mga papeles.."si Sandra..   Pinuntahan ni Sandra ang matanda sa kwartong inukupa nitu..   "Don Miguel ang aga nyo ho..may problema ho ba?palpak ba ang ginawa ko?"sunod-sunod na tanong ng dalaga sa matanda..   "Ah iha, wag ka nalang munang sumayaw ngayong gabi, magpaalam ka't may pupuntahan tayo..Sa loob ko nalang ng sasakyan ipapaliwanag.."wika ng matandang don..   "Ganun ho ba sige ho at magpapaalam muna ako kay Mamu.."tugon naman ng dalaga..   Pagkatapos magpaalam ay agad na nagpalit nang damit si Sandra, at binalikang muli ang matanda..   To be continue....        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD