CHAPTER - 3

1770 Words
Tittle:"Guest Relations Officer (GRO)"   Pagdating ni Sheryl nang Hillton Hotel ay agad sya nagtungo sa reception area upang itanung kung saang floor ang room 143..   "Hi good evening, gusto ko lang itanong kung saang floor ang room 143"..tanung ni Sheryl sa receptionist..   "Ah ma'am Sheryl Marasigan, kayo po ba ang hinihintay na Guest ni Don Miguel.."tanung naman ng receptionist..   "Yes I am.."   "Nasa third floor po ang room 143, paglabas nyo po ng elevator going to right side ma'am..at makikita nyo na po ang room 143..paliwanag ng receptionist kay Sheryl..   "Okey.. Thanks.."   Sinunod naman ni Sheryl ang sinabi ng receptionist.. Paglabas n'ya ng elevator ay agad nyang hinanap ang kwarto kung saan naghihintay ang Don.. Nang makita nya ang sadya nyang kwarto ay di nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman, t'yak na papagurin nanaman sya ng matanda..dag- dag isipin pa nya ang kanyang mama na nasa ospital.. Nang nasa harap na s'ya ng pintuan ay nagdadalawang isip pa sya na tumuloy, dahil alam nyang mahabang oras din ang gugugulin nya para sa matanda, gusto man nya ipagpaliban eto natatakot naman s'yang may masabi ang matanda sakanya..   "Hayy.. Bahala na.. Sana matapos ng maaga agad to.."bulong ni Sheryl sa sarili.. Nag doorbell s'ya sa pintuan ng nasa harap na sya.. Nakatatlong beses na s'yang nag doorbell ay wala paring nagbukas ng pintuan..Kaya minabuti n'yang pihitin ang seradura ng pinto. Nakabukas iyon.. Malamang iniwan ng matanda na naka bukas iyon.. Yun ang nasa isip ni Sheryl.. Kaya pumasok sya ng loob ng kwarto..   Nakasindi ang ilaw at deam light lang eto wala naman sa kwarto ang matanda.. Narinig nya na bumubuhos ang tubig sa banyo..   "Malamang naliligu si Don Miguel.."wika ni Sheryl..   Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang lagaslas ng tubig.. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ang Don na nakasuot ng bathrub.. Nagulat pa sya ng makita ng nakaupo si Sheryl sa maliit na sofa..   "Oh iha.. Sorry napatagal at paliligu ko.. Kanina ka pa ba..?"tanung ng Don sa dalaga..   "Hindi po ngaun ngaun lang.."tugon ng dalaga..   "Naka School uniform kapa ata iha.." bati naman nang Don sa suot nang dalaga.   "Opo..Diko na nagawa magpalit, dumiretso din po kase ako ng Ospital, para tingnan c Mama.."paliwanag namn ng dalaga..   "Oh s'ya.. Umpisa na ba tayo..?tanong naman ng matanda..   "Don Miguel maliligu din po muna ako,,medyo maalinsangan kase.. kahit sampung minuto lang.."sabi naman ng dalaga..   "Oh s'ya sige iha.. Order na rin muna ako.. What do you want?wine or just a juice.."tanung ng matanda sa dalaga..   "Juice nalang po sa akin.."   Sabay iniwan na ng dalaga ang matanda at pumasok ng banyo, kinuha nya ang dala nyang damit sa loob ng kanyang bag.. Agad na naligu si Sheryl.. Nag apura lang s'ya dahil alam nyang hinihintay na sya ng matanda sa labas.. Matapos ang higit 15 minutos na paliligu ay lumabas na s'ya sa banyo.. Nakasuot sya ng tshirt at maiksing short para comportable sya nakita naman nya ang Don na nakaupo sa sofa at hawak hawak nitu ang kanyang laptop.. Hinayaan nalang ni Sheryl ang kanyang buhok hindi na nya nagawa suklayin eto.. Nilapitan nya ang matanda..   "I'm ready Don Miguel.. Fresh na ako ngayon..."wika pa ng dalaga na nakangiti sa matanda..   "Oh iha.. Andyan lahat ng mga paper works mo for tonight.. Sana matapos mo eto ngayong gabi.."wika pa ng matanda..   "kaya nga po minabuti kung maligu muna dahil alam ko pong pahihirapan n'yo nanaman ako.."pagbibiro ng dalaga sa matanda..   "Kumusta ang Mama mo? Ang pag-aaral mo? Sa club..?"sunod-sunod na tanung ng Don sakanya..   "Maayos naman po si Mama malakas po s'ya, alam ko pong makakayanan nya ang operasyon nya ngayon, at ang pa-aaral ko naman patuloy ko pa din sinisikap na manatiling mataas ang aking mga marka.. Sa club naman po, dati pa din po Don Miguel.. Ala naman bago doon putikan pa din kami.."mahabang paliwanag ng dalaga..   "Kung bakit naman kasi ayaw mo pa tanggapin ang alok ko sayo, alam kung nahihirapan ka sa lahat iha.. Kaya nga andito ako para tulungan ka.,,saka iha putik man ang inaapakan mo ngayon ginto naman ang puso at kalooban mo, kung sana kagaya ka ng anak di sana hindi kita inaabala ng ganito."sabi naman ng matandang don..   "Ayoko naman ho kasing abusuhin kayo.. Ang dami nyo ng ginawa para sa akin Don Miguel,,hindi pa rin po ba kayo magkasundo ng anak nyo?.." tanong naman nang dalaga.   "Hayy iha bato na ata ang puso ng nag-iisa kong anak,,kaya pinipilit kita na tulungan mo din ako.."wika ng Don..   Isa si Don Miguel Sebastian sa kilalang tao sa bansa sa larangan ng negosyo.. Kilala s'yang tao gawa narin ng mauunlad nitung mga negosyo sa bansa.. Nakilala nya si Sheryl sa club na pinagtatarabahuhan nitu ng minsan nagtalo silang mag-ama ay doon naman s'ya napadpad sa club kung nasan si Sheryl.. Hindi nya akalain na ang isang babaeng kagaya ni Sheryl na nagtatrabaho sa isang putikan ay may ginintuang puso maraming beses nyang sinubukan ang dalaga, na alokin ng salapi ngunit nandigan ang dalaga na ayaw nyang dungisan ang kanyang pagkatao.. Lalo humanga ang matandang Don nang nalaman nyang pumapasok eto ng unibersidad.. Kaya inalalayan nya eto at itinuring na parang anak.. Para kumita si Sheryl ng extrang pera ay minsan dinadalhan nya eto ng trabaho galing ng opisina, dahil ang plano ng matanda kapag natapos eto sa pagpasok ay kukunin din nya eto para sakanyang kompanya.. Hinahasa mabuti ng matandang Don si Sheryl sa larangan ng negosyo, minsan sinasama nya din eto kapag my mga kamiting s'yang tao kapag pwede ang dalaga.. Lubusan nyang nakilala si sheryl marasigan at pinagkakatiwalaan kagaya ngayong gabi..   "Iha magpapaalam ako ng maaga sayo ayos lang ba na iwanan kita dito,,alam mo kase kaarawan ng anak ko gusto ko sanang batiin at puntahan ng personal.."pamamaalam ng Don sa dalaga..   "Naku okey lang po Don Miguel no problem.. Para makapagcosentrate din ako sa binigay nyong gawain.."tugon ng dalaga..   Tumayo si Don Miguel at my kinuha etong tarheta na kulay pula, inabot nya iyon iyon kay Sheryl...   "Anu ho eto..?"tanung ng dalaga..   "Buksan mo iha.."   Binuksan ni Sheryl ang tarheta at tumambad sa kanya ang isang kwentas na napakaganda ng kislap my pentant etong hugis dahon na kulay berde at ang dulo ng dahong iyon ay kinapitan naman ng isang dyamante o briliantitos..   "Napakaganda Don Miguel.."wika ng dalaga   "Para sayo yan para sa kaarawan mo bukas regalo ko sayo anak..."wika ng matanda...   Niyakap ni Sheryl ang matandang Don.. Dala ng sobrang kaseyahan ng dalaga, nakalimutan nya ang kaarawan nya pero ang matandang don ay hindi...   "Salamat po.. Don Miguel.."wika ng dalaga..   "Walang anuman iha.."isinuot ni Don Miguel kay Sheryl ang kwentas at hinalikan ng matandang Don ang noo ng dalaga..   "Happy birthday iha.. pag natapos mo na lahat ng pinapagawa ko, tawagan mo ang driver ko para sunduin ka at ihatid, ipaabot mo nalang din sa kanya sa akin yang mga papeles iha.. kailangan ko yan bukas.."paliwang ng matanda...   "oho sige ho.. Ingat po kayo ha.. Tawagan n'yo ako kapg nasa bahay na kayo.."pahabol na bilin ng dalaga sa matanda..   "Napakabait talaga ni Don Miguel,.."nasambit ni Sheryl habang hawak hawak nitu ang kwentas na bigay sa kanya...   Paglabas ng Don ay tinawagan nya muna si Rose at kinumusta ang lagay ng kanyang mama.. Pagkatapos ay saka nya tinuon ang sarili sa gawain..Nang makaramdam ng gutom ay tumawag eto sa crew ng hotel para hatiran s'ya ng pagkain.. Habang hinihintay ang pagkain ay tuloy parin ang kanyang pag e-encode na mga datus tungkol sa kompanya ng matandang Don..   Makalipas ang ilang minuto ay dumating nadin ang pagkain na inorder nya.. Senave n'ya muna ang mga files at hinarap naman ang pagkain.. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone..c rose ang tumatawag don.   "Hello Rose anong balita ke Mama..?" tanung ng dalaga sa taga bantay ng kanyang Mama..   "Ate Sheryl ok naman sya stable namn daw po lahat ng vital sign alas-dyes ng gabi ang operasyon nya te.. Pinaalam ko lang kaya ako tumawag.." tugon naman ni Rose.   "Okey Rose .. Salamat bantayan mo mabuti si Mama ah, pagkatapos ko dito deretso ako d'yan.."tugon naman ni Sheryl..   Pagkatapos nilang mag usap ay, tinapos na nya ang kanyang pagkain.. Gusto nyang agad-agad matapos ang trabaho nya ng sagayon mapuntahan nya ang kanyang Mama sa Ospital.. Minabuti nyang pansamantala iwaksi ang kanyang Mama para matapos agad ang pinapagawa sakanya ng matanda... Samantalang si Don Miguel naman ay umuwi ng mansyon.. Pagkagarahe ng sasakyan ng kanyang driver ay agad etong bumaba at pumasok ng kabahayan...   "Magandang gabi ho Don Miguel.."magalang na pagbati ng kanyang matandang katiwala sa bahay..   "Magandang gabi naman Manang Sepa umuwi ba ang alaga nyo?.. Ni hindi ko manlang naabutan , wala din ang sasakyan nya sa labas.."tanong ng matandang Don..   "Eh umalis ho ngayong hapon hanggang ngayon dipa bumabalik.."sagot naman ni Manang Sepa..   "Sige hintayin ko nalang, pakidalhan na nga lang ho ako ng kape sa library manang,,"utos naman ng matandang Don.   Makalipas ang halos tatlong oras na pag aantabay ni Don Miguel ay wala parin dumadatang na sasakyan ng anak nya.. Kaya nagpasya s'ya na matulog nalang at malamang kasama nanaman na mga kaibigan nya ang kanyang anak.. Bukas nalang nya ito kakausapin...   Samantalay si Sheryl matapos ang mahabang oras nitu sa ginagawa natapos din ang lahat kaya tinawagan nya ang driver ng matandang Don Miguel para sunduin sya at ipaabot narin ang mga papeles na kailangan ng matanda... Ng makarating sa hotel ang personal driver ng matanda ay tinawagan sya nitu at sinabing nasa baba na sya.. Dali-dali namang bumababa si Sheryl ng hotel.. Pasado alas onse na ng gabi, at malamang tapos nadin ang operasyon ng Mama nya kaya don sya magpapahatid sa driver sa ospital kung nasan ang matanda...   Ibinalik nya ang susi ng kwarto ng hotel sa receptionist, at nagpaalam din sya sa staff na magcheck-out na... Hindi nya iniisip ang bill ng hotel dahil alam nyang inaus na yon ng matanda .. Sinalubong naman s'ya ni Mang Dante sa lobby ng hotel..   "Hi Mang Dante! , Pasensya na ho kayo inabala ko kayo.."anang ng dalaga sa matandang driver   "Ayos lang Sheryl.. Trabao natin to eh.. Saan ba kita ihahatid ngayon?sa club ba?"tanong ng matanda na hindi naman lingid sakanya ang trabaho nitu..   "Hindi po Q. C  hospital po tayo Mang Dante.."tugon naman ng dalaga..   "Ospital ?bakit?" tanong naman nang driver.   "Andun kase ang mama ko Mang Dante.. Nga ho pala pakibigay po etong mga papeles ke Don Miguel kailangan nya kase bukas yan.."wika ng dalaga..   "Oo sige Sheryl.."sagot naman ng matanda..   Walang gaanong trapic kaya narating din agad nina Sheryl ang Hospital.. Nagpaalam na eto ki mang ddante.. At pumasok na sya sa loob ng ospital... Itutuloy...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD