Title:"Guest Relation Officer (GRO)"
Author: Ms. Alejos
Nagpalit si Sandra ng Kanyang kasuotan matapos ang kanyang number, isinuot na nya ang uniform ng night club na yon... Isang miniskirt at tube na kulay pula ang uniform ng bawat mga babae na isinusuot matapos ang mga eto magtanghal sa entablado..
"Sandra my gustong mag-table sayo, baka pwede mo pagbigyan birthday daw kase ng kaibigan nya.." bungad ng tinatawag nyang mamu...
"Mamu naman Alam nyo namang hindi ako tumatanggap ng parokyano eh.."
Sya namang pagdating ng may ari ng club..
"Sandra nanjan si Miguel, hinahanap ka, puntahan mo na nasa private room sya naghihintay..
"Mamu pakisabi sa client nyo pasensya na ha.. Alam mo namang ayoko talaga tumable.. Sige pupuntahan ko pa si Miguel.."
"Hindi tumatable, pero asikasong-asikaso ang matandang Yun."sagot naman ni mamu..
"Mamu iba si Miguel,hindi naman sya kagaya ng mga parokyano mong mga halang sa laman.."wika naman ni Sandra..
"Naku ako pa bibilugin mo ang ulo Sandra...,dalawa lang yan pweding may pera ang matandang yon o nasasarapan ka sa mga ginagawa nya sayo,alin ba don sandra?"
"Ang dumi ng utak mo Mamu, dyan kana nga.."
"Naku kung umasta ang babaeng eto napakalinis eh putik ang inaapakan nya.." bubulong-bulong na wika naman ni Mamu..
Umalis si Sandra at pinuntahan ang naghihintay na si Miguel sa isang pribadong kwarto..
"Naku Don Miguel pasensya kana medyo nahuli ako, kanina pa ho ba kayo?..tanong ng dalaga sa Don..
"Hindi naman iha, tamang-tama lang ang pagdating mo, halika maupo ka.."anyaya ng Don sa dalaga..
Naupo naman si Sandra sa tabi ng matandang Don..
"Mukang nangangayayat ka ata ah! sabay haplos sa pisnge ng dalaga..."
"Hindi naman po, mejo doble lang sa puyat, alam nyo naman hong pumapasok paku sa umaga Don Miguel.."
"Kaya nga hinahangaan kita dahil napakasipag mong bata.".wika naman ng Don..
"Salamat ho, kelangan kase eh.."
"Kung bakit naman kase ayaw mo pa tanggapin ang alok ko sayo, nang hindi kana nahihirapan pa dito.."si Don Miguel..
"Hayaan nyo po at pag-iisipan kung mabuti ang alok nyo.." tugon naman ng dalaga..
"Ito iha tanggapain mo.." sabay abot ng isang sobre sa dalaga..
Binuksan naman ng dalaga ang puting sobre na inabot sakanya..
" Para san ho ito?" Dahil nakita nya ang laman nun ay pera..
"Hndi yan libre iha, puntahan mo ako bukas sa Hilton Hotel sa Makati, room 143 mga alas-syete ng gabi, at wag u tanggihan dahil alam kung kelangan mo yan para sa operasyon nang Mama mo.." wika ng Don..
"Naku Don Miguel diko ho matatangap to, napakalaking halaga nitu.."sagot naman ng dalaga.
"Kagaya ng sinabi ko hindi yan libre, hihintayin kita bukas sa Hillton iha..Magpapaalam nadin ako.."sabi pa ng Don sa dalaga..
Naiwan si Sandra sa kwartong iyon tinitingnan ang pera habang nag-iisip eto.. Kailangan nya ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang Mama.. Kung kaya naman hindi nya na tinanggihan ang alok ng matandang Don, dahil alam nyang pagtatarabahohan din naman nya eto sa matanda, kagaya nga ng sinabi ng matanda na hihintayin sya nito bukas..
"Hayy!! Salamat naman at dininig ng taas ang panalangin ko.. Kausap ni Sandra ang kanyang sarili..
Nagmumunimuni si Sandra ng may kumatok sa pintuan, at nakita nya ang may-ari ng club..
"Sandra my isang costumer naghihintay sayo, magbibigay daw sya ng malaking tip para sayo pagbigyan mo lang na maka-table ang kaibigan nya.." wika ng boss nya..
"Bossing naman, ipasa mo nalang sa iba yan, ayoko talaga tumable, anjan si Anna ibigay mo.."sagot naman ni Sandra..
"Panu ko ibibigaya si Anna kanila Sandra, kung ikaw ang gusto ng mga parokyano ko?.." sagot pa ng boss nya..
"Naku boss kaya nyo na yan magpaliwanag, sige na may last number paku kelangan ko pa gumayak..." pamamaalam ni Sandra sa kanyang amo..
Samantalang humingi naman ng paumanhin ang Manager ng club sa grupo ni Migz, dahil sa patanggi ng dalaga sa mga eto at dinahilan nalang ng may ari na may solo number pa kase ang dalaga..
Maingat namang tinabi ni Sandra ang perang inabot sakanya ng Don, dahil alam nya kahit na matagal na sila magkakakilala sa club na yun ay may kasamahan silang mahilig mag enteres ng mga bagay na nakikita lalo na't mapapakinabangan to...Samantalang si Migz naman ng mga oras na yon ay nagngingitngit sa galit dahil sa pagtangi ng nagngangalang Sandra..
"Magkanu ba kase ang presyo talaga ng babaeng yon?! kaya ko magbigay kahit magkano? .."tanong ni Migz sa Manager..
"Pasensya kana boss ang totoo talaga nyan hindi talaga sya nagpapatable, performer lang sya dto.." paliwanag pa ng Manager..
"Talaga!! Ang taas naman nyan, eh pare-pareho lang naman silang mga babae dto!.."pangungutya pa ni Migz ke Sandra..
"Pasasaan ba't makukuha din natin yan pare, wag mo na isipin yon, hanap nalang tayo ng iba.."pang- aalo naman nga kaibigan ni Migz
"Sandra ba't tinanggihan mo yung costumer ? Sayang non ah, puro papa panaman yong mga yun,," wika ni Anna sakaya..
"Naku Anna okey naku ng ganito.. " sagot ni Sandra sa kasama..
Muling sumayaw si Sandra ng gabing iyon yon yong huli nyang number..Pagkatapos ay lumabas na sya nang club.. Pasado alas-dose na ng madaling araw kelangan pa nya puntahan ang ina sa ospital para ipaabot ang balitang ma-o-operahan na ito, dahil may hawak na syang pera.. Sakay ng taksi ay dumeretso sya sa Ospital.. Naabutan nyang natutulog ang ina at agad namang nagising ang kinuha nyang magbabantay dto..
"Ate Sheryl buti dumating ka!.. Eh kasi bukas naka-schedule na ang Mama mo para ma-operahan.. Hinahanap ka ng doctor kanina.."
"Ganun ba? Buti naman kung ganun.. Bukas pagkatapos ng klase ko pupunta ako dto anu man ang bagong balita tawagan mo ako agad.."bilin ni Sheryl dto at sabay abot ng halagang isang-libo, na panggastos ng dalawa sa ospital..
Nagpaalam si Sheryl sa nagbabantay sa kanyang mama, at iniwanan nalang nya ng isang halik sa noo ang butihing ina na himbing padin sa pagkakatulog..
Kailangan ma-operahan ang kanyang ina my breast cancer eto at nasa stage 2, kaya halos kayod kalabaw din ang ginagawa nya, dahil sa ospital at mga gamot pa nito dagdag pa ang operasyon.. Kaya napaka buti ng taas at ngbigay sakanya ng pera si Don Miguel..
Pagakadalaw nya sakanyang ina umuwi agad sya ng kanyang apartment kelangan nya matulog kahit konte, dahil pagasapit ng alas syete ng umaga papasok pa sya ng skwelan.. Nasa ikaapat nadin naman na sya na grado sa koliheyo.. Kaya konte nalang at matatapos na sya.. Pagdating sa bahay ay agad nakapagpahinga si Sheryl dala ng pagod..
Kinabukasan gumising sya para ihanda ang sarili sa pagpasok naman sa eskwelahan, habang nasa daan ay binuksan nya ang kanyang mga reviewer dahil alam nyang may pagsusulit sila ng araw na yon.. Ganito umiikot ang buhay ni Sheryl sa mga nagdaang taon, pero hindi sya napapagod nabubuhayan sya kapag nakikita nyang nagbubunga ang pagsasakripisyo nya at ngayon nga ay ilang buwan nalang at matatapos na din sya.. Pagdating ng eskwelahan ay agad syang sinalubong ng dalawang kaibigan..
"Hey girl !!..Hindi ka late ah..!!" kantyaw ni Joan kay Sheryl..
"Hehehe girl alam kung my exam tayo kaya kahit mejo puyat kelangan bumangon.."wika naman ni Sheryl..
"By the way my pasok kaba sa work mo mamaya? Gusto kase namin ni Joan makita ung call center company na pinapasukan mo.."sabad naman ni Andy..
"Ah gusto nyo makita..? Kase.. kase.. baka di ako pumasok eh dadalawin ko pa si Mama t'saka malamang ma-schedule na sya operahan now.. Nextime nalang mga sissy ha.." pagdadahilan ni Sheryl sa dalawang kaibigan..
"Oh.. Ganun ba?.. Okey sige girl!!.." wika nalang ni Andy..
Pumasok na ang tatlo sa kanilang klase.. Pagkatapos ng exam at klase ay agad naman nagpaalam si Sheryl sa dalawang kaibigan nya.. Para pumunta naman ng ospital.. Naiwan ang dalawang magkaibigan na nag-uusap..
"Kawawa naman yong kaibigan nating yon.,ni hindi manlang namamalayan na bukas kaarawan na nya palaging abala at sob-sob sa trabaho.."wika ni Joan..
"Basta bukas sorpresahin natin s'ya pupuntahan natin s'ya sa work nya, okey?! " sagot naman ni Andy..
Dumeretso ng Ospital si Sheryl.. Naabutan nya ang kanyang mama at ang Doctor sa loob ng kuarto..
"Doc good afternoon,, kumusta po ang mama ko..? "tanong ni Sheryl sa Doktor nang kanyang Mama...
"So far stable lahat skanya at maganda naman ang resulta nang mga test..and the good news is.. maisasalang na s'ya today for the operation, and Ms. Marasigan kindly settle the bill on the casher, pasensya kana alam mo naman ang patakaran ng ospital nato.." paliwanag pa nang Doktor...
"No problem Dok..Basta gawin n'yo lahat para sa Mama ko,.para maging maayos s'ya.." tugon ni Sheryl..
"Okey yon naman talaga ang trabaho namin .." at nagpaalam na ang Doktor sa kanila..
Hinarap naman ni Sheryl ang kanyang mama..
"Ma lakasan mo ang loob mo ha, wag kang bibitaw lumaban ka, para sa akin para sa pangarap natin.."
Pilit na pinipigalan ni Sheryl ang maiyak sa harap ng kanyang mama, ayaw nyang makita ng Mama nya na mahina sya para maging matapang din ito, ngunit di napigilan ng kanyang Mama ang maluha..
"Anak salamat sa lahat, sa mga ginawa mong pagsasakripisyo para sakin.. Lalaban ako para sayo anak.." at nagyakap ang mag- ina.. Hindi napigilan nang Mama ni sheryl ang kanyang mga luhang lumandas sa kanyang mga mata..
"Thanks Ma.. Yon lang ang kailangan ko ang patuloy kayong lumaban para skin, para sa'ting dalawa Ma, " maluha-luhang tugon ni Sheryl..
Nagpaalam si Sheryl sa Mama nya dahil pasado alas sais na ng hapon at may usapan sila ng matandang Don ng alas syiete..
"Ma may trabaho kase ako, pero babalik ako pagkatapos gusto ko kayo bantayan matapos ang operasyon,," wika ni Sheryl..
"Sige anak mag ingat ka.."
Umalis si Sheryl at dumaan muna sya sa chapel ng Ospital.. Taimtim na nagdasal para sa Mama nya, para sa kaligtasan nito..
Ayaw nyang umalis ngunit my usapan sila ng matanda at kelangan nyang sumunod.. Alam nyang ang malaking halaga ng pera ng matanda na binigay sakanya ay susulitin nitu ang gabi nya..
Pagkatapos magdasal ay lumisan na eto at nagtungo sa Makati, di na sya nagpalit ng uniform nya dahil ang katwiran nya'y doon nalang sya maliligo sa hotel..
To be continue...