Chapter 8

1879 Words
Pagkarating ng bahay ay dire-diretso ang mga hakbang hanggang makapasok sa loob.Dumiretso na rin muna ako ng kusina para uminom muna ng tubig.I need to calm myself.Pagkaraan ko sa sala ay naabutan ko si Mom na may sinusulat sa record ng mga tenants nya.Nagmano ako sa kanya at saka humalik sa pisngi. Nang mahagip ng aking mga mata at napansin ang isang notebook na naka-open.It was the contact details from all of her tenants.Lalagpasan ko lang sana ito ng biglang naalala ko na silipin ang number ni Gella. I took out my phone and secretly saved Gella's number. Pagkatapos ay ibinalik ang phone sa loob ng bulsa ko. Napatingala at napakamot ako ng batok dahil sa inakto ko ngayon lang.I was just mad at her and I still am,...yet I am here,saving her number.For what??? Napahawak sa batok at napatingala ako ng nakapikit ang mga mata.At kahit sa simpleng pagpikit lang ng mata ay ang mukha ni Gella pa rin ang malinaw na nakikita ko.I can't believe myself.I just came from a break up! And I shouldn't be feeling this towards Gella.I just saw her with Chelsea's boyfriend.And seeing that scene kanina ay malamang engaged na ang babaeng iyon sa mga oras na ito.Nagpupuyos ako sa galit because of what I have witnessed and the thought of Gella being engaged.Lalo pa at sa boyfriend ng kaibigan nito.I still can't believe what I saw. My mind is telling me to get mad,completely mad at her.But iba naman yata ang gustong gawin ng puso ko. Pagkatapos mag dinner ay babalik na sana ako sa kwarto ng tinawag ako ni mama at may pinakiusap sya sa akin.Then,she handed me a box of chocolate chip cookies. She wants and asks me to give it to Gella as a welcome token daw. "Mom,gusto ko po sana magpahinga ng maaga tonight" alibi ko. As of this time ay ayoko munang makita at lalo nang ayaw kong makaharap si Gella. I am still coping with my anger.Oo,galit ako sa kanya dahil traydor sya,pero mas lalong galit ako sa sarili ko dahil alam ko na isip ko lang ang galit dito.At hindi ang puso ko. "Chase, ikaw na," insist nito."I'm about to leave now,your tita is already waiting for me outside. Kahapon ko pa ito dapat ibinigay sa kanya pero nakalimutan ko.Kaya pls.Chase,iho,habang naaalala ko pa" mahabang litanya nito sa akin.Di ko napansin pero nakabihis na pala ito at aalis kasama si Tita Ana. Wala naman akong nagawa kundi ang kunin ito at sabay na kaming lumabas ng bahay. Siya patungo sa sasakyan ni tita habang ako ay sa mini garden na dati ko pa naging tambayan. Alam kong di pa dumarating si Gella dahil wala pang nakabukas na ilaw sa kwarto nito. Hindi ko maintindihan ang nararamdam ko ngayon.Di ako mapalagay habang hinihintay ang pagdating ni Gella. Pagkatapos ng nasaksihan kanina ay parang nag-iba ang tingin ko dito.I can't help it though.Di ko naman kasalanang matuklasan ang pagiging ahas at traydor nya sa kaibigan nitong si Chelsea. Napaayos ako ng upo ng mapansin kong papalapit na pala si Gella sa kinaroroonan ko.Parating na pala ito. Habang tinitignan sya papalapit ay naramdaman ko ang excitement sa puso ko.Gusto kong sawayin ang sarili dahil hindi ito ang dapat kong maramdaman after all I've witnessed earlier. Nang tumapat ito sa gawi ko ay awtomatiko akong napatayo.Napansin kong napakasaya ng aura nya tonight.Sino nga ba naman ang hindi. Naalala kong may interview ito kanina.At pasaring ko itong kinausap tungkol doon. "I bet you passed the interview and got the job.. sabi ko.At sinagot naman nito.Sino nga ba ang hindi matatanggap kung si Brad ba naman ang backer diba. Secret lovers di' ba. Parang biglang bumalik ang poot na naramdaman ko dito dahil ibang sigla ang pagkasabi niya noon. I congratulated her at parang nabigla pa ito ng ipahiwatig ko na she has more reason to celebrate maliban sa pagka hire nito. Napansin ko ang bahagya nyang pagkagulat sa pagkasabi ko nun.Napakagaling talaga umakting nito. Akala mo walang ginagawang katrayduran sa likod ng maamo njiong mukha.. She thanked me for congratulating her at bahagyang namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng bigla kong maalala ang ipinabigay ni Mama rito.I handed her the box of cookies. Alam kong nagdadalawang isip sya na tanggapin ito.Baka naisip nito na galing ito sa akin kaya agad kong sinabi na galing iyon kay Mama and told her that mom usually gave welcome tokens to new tenants..Pansin kong atubili nya itong tinanggap.At ng abutin na niya ito ay napatingin ako sa mga kamay niya at napansin kong wala iyong suot na engagement ring.Napakunot noo ako at bahagyang napailing.Itinago ba ni Gella ang singsing?..huh!iba ka rin Gel.Tanging himutok ng loob ko.She really is unbelievable..Ng mapansin nito ang inakto ko ay nakita ko ang lito sa mga mata nito.Just by looking at those eyes,parang kay dali nitong paamuin ang nagngangalit kong kalooban. Ngunit di ako dapat magpadala sa naramdaman ko.This woman is a traitor.I have to keep reminding myself about that. Kaya naisipan kong magpaalam na sana dito ng muli itong magpasalamat sa cookies at sa ride earlier this afternoon. Para namang bagong binatang kumabog ang puso ko ng sinabayan niyon ng matamis na ngiti ang pagkasabi niyon. At nabigla rin ako sa sarili kong sagot na sisingilin ko siya in one of these days. Pinauna ko na ito at nag goodnight din dito.Hinatid ko ito ng tingin hanggang sa tuluyang makaakyat sa floor nito. Saka na rin ako tuluyang pumasok ng bahay na pailing -iling pa rin. I admit I hated what I saw and knew about Gella,but I also hated myself for acting differently than I was supposed to. Iba talaga ang idinidekta ng puso ko sa kaysa sinasabi ng isip ko. At kusa namang sumusunod ang actions ko sa idinekta ng damdamin ko. I don't know but this woman has done a massive chaos in my system. Pagkadating ng kwarto ay tumunog ang cellphone ko.Nang e check kung sino ang tumawag ay nakita kong si Kuya Ariston iyon.Kumislap ang mga mata ko dahil namiss ko rin makipag-usap dito.Aris is not just an older brother to me,he is also my bestfriend.At tamang-tama ang tawag nito sa akin. Di ko pa nabanggit dito ang hiwalayan namin ni Mira.At sigurado akong mabibigla ito dahil naging close na rin silang dalawa ni Mira.Lagi pa akong binibiro nito na mauuna pa daw akong mag-asawa kaysa kanya dahil nakikita na niya na kami raw ni Mira ang magkakatuluyan.Pero hindi na yon mangyayari ngayon...di na matutuloy pa ang pag popropose ko dito dahil tinapos na namin kanina lang din ang lahat.Nanghihinayang man ako sa relasyon namin ni Mira ay wala naman akong bitterness para dito.She deserve to be happy with whoever she choses to be with. "Hey bro,what's up" saad ni Aris sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag niya. "Not quite good actually if I were to be honest." tapat kong sabi dito. "oi, parang mahaba-habang inuman yata yan ah...Kelangan ng masinsinang usapan" "Yon sana dapat ,if only you're here" pabiro ko ring sagot dito. " Eh di totohanin natin yan.I'll be home in few days..." "wag kang magbiro Aris, ( kahit matanda ito sa akin ay tanging Aris lang ang tawag ko dito...di naman malayo ang agwat namin,isang taon lang kaya parang barkada na rin lang ang turingan namin) "I' m serious bro,isa pa namimiss ko na rin ang Pinas At syempre kayo lalo na ang luto ni Mama" nasa New Zealand kasi ito at minsanan lang kung umuwi.And I was surprise sa sinabi nito ngayon lang na uuwi ito. Masaya naman ako sa balita ni Aris.Mas okay na rin na narito sya dahil alam kong miss na din ito ni Mama. At na miss ko rin ang mga jokes nito.Aris has always been the light in the room.Pag kasi kasama mo ito,walang boredom kang ma fe-feel dahil lagi itong positive at laging nagbibiro sa halos lahat ng bagay.I admired his sense of humor talaga. "We'll expect you here bro.Ano sasabihin ko ba kay mama or you will surprise her?" "Sorpresa na...alam mo naman yon.Pag nalaman nun na uuwi ako baka magpahanda pa ng banda." sabi nito na sinabayan pa ng tawa.Tama naman ito.Noon ngang umuwi din ako from Singapore ay surprise lang din,dahil ayoko na maghanda pa ito. ""well then,if that's the case...masusunod bro.Saka ko nalang din sasabihin sayo ang latest na ganap ng buhay ko pagkadating mo dito.Let's talk it over bottles and bottles of beer. Ingat ka palagi.See you soon." After talking with Aris,lumabas ako ng terrace. Gusto ko talaga pag ganitong oras,nakakarelax ang paligid. Maganda rin ang panahon at ang sarap tumambay dito sa terrace habang nagmumuni-muni.Di naman sinasadyang napabaling ang tingin ko sa room ni Gella.At dahil medyo nakaawang ang bintana nito ay nakita ko itong nakaupo sa kama at tila ba malungkot habang nakahawak sa phone.Hindi ko alam kung sino ang ka text nito pero kahit may di kalayoan Itong kinatatayuan ko ay alam kong nalulungkot ang mga mata nya. Ba't parang nasasaktan ako looking at her sad eyes? Or maybe she got sad because she's guilty of what she and Brad did towards Chelsea.Yeah,baka si Chelsea nga ang ka text nya ng mga oras na ito.Pero bakit nga ba kahit unacceptable nman ang ginawa ni Gella ay naawa ako dito?.Na parang gusto ko syang amuin at yakapin ng mga oras na ito. I feel the need to comfort her.I don't want to see her look that sad. Mas lalo pa akong nasaktan ng makitang isinubsob nito ang mukha sa yakap yakap na unan. Was she really in that very difficult situation that she have to use Brad to get where she is?to get the job even if that means betraying and hurting Chelsea? Whatever her reasons maybe for doing such things,was I not supposed to be mad? But why do I feel the need to protect her,be there for her at this moment? Wala sa loob na kinuha ko ang cellphone and texted her. Bahala na,but I need to know why all of a sudden I saw her so happy being with Brad and then seeing her so sad right now...Things just don't seem likely. Oh,Gella ...ano bang ginawa mo sa akin.Dapat galit ako...galit na galit.But why do my heart have this different feelings for you? I sent her a message.Nanginginig pa ang mga kamay ko at halos di rin makapaniwala na tinext ko nga sya.Eh wala syang idea that I have her number. But bahala na. Halos sabunutan ko naman ang sarili ko sa inakto ko. And I can't take those texts back. And she'll know it was me because I indicated my name sa last texts na pinadala ko.And I'm sure she'll wonder how I know what she's doing. Several minutes passed but I got no response from her even though she's still awake.I know 'coz I can see her shadow from here. Did she got mad??? She just closed the windows and pull off the curtains.Yeah,she's awake and certainly intended not to reply me. That's it. Nagsisisi ako for my impulsive act. I shouldn't have done that. Nababalisa at di ako mapakali sa ginawa ko. Pero bahala na si Batman.Bukas ,sisiguraduhin kong magkakaroon ng kasagutan lahat ng mga katanungan ko ngayon.Itutulog ko nalang muna lahat ng frustrations ko ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD