I woke up early today. I need to make sure I'm all done when Gella comes out so I could talk to her. Di ako masyadong nakatulog kagabi dahil naiisip ko pa rin ang kalukuhang nagawa ko kagabi.
Handa na ako at alam kong anytime ay lalabas si Gella upang pumasok sa opisina nito.Friday pa ngayon and it's not a holiday kaya alam kong may pasok pa ito.Besides, she just got hired.No one would make absence pag ganun unless may emergency talaga. Di ako mapalagay hangga't di masagot lahat ng katanungan ko dito.
Kakalabas lang ni gella ng apartment and I'll give her a headstart. Saka ko pinaandar ang sasakyan at maya-maya pa ay sinundan na ito.Alam kong napansin nito ang paparating kong sasakyan dahil bahagya itong tumabi sa paglalakad. I then opened my side window and asked her to hop in.Bahagya pa itong nagulat ng makita nito na ako ang nagmamaneho at lulan ng kotse. My God,she looks so decent sa outfit nya ngayon.My eyes can't take them off of her. Kusa kung sinupil ang sarili at agad nag-ayos ng upo. I then again made myself look tough in front of this woman.Bakit ba ramdam kong lagi akong nawawala sa sarili pag kaharap ito.Para yata akong teenager sa inaakto ko.I reminded myself once again na si Gella lang ito.I am not usually like this,ngayon lang at pag kaharap lang sya. I am Chase Valle,mga babae ang nagkakandarapa sa akin dati pa.At mapagbigay akong tao dati pa,nag-iba lang iyon ng makilala ko si Mira na akala ko ay forever ko na. I totally changed 360° for her. Kaya na supresa ako sa inakto ng sarili ko pag kaharap ko si Gella.
Bahagya pa itong nagpalingon-lingon upang siguruhin na siya ang kinausap ko at sinabihang sumakay sa kotse. Napaka inosente kunwari nito.Sino pa nga ba ang kausap ko eh kami lang dalawa sa gawi na ito. Para itong nabigla sa pa-pilosopo kong pagkasagot dito.
"Mag-ji-jeep nalng ako" sagot nito sa akin.
"Come on Gella,your work place is just along the way to where I'm going...Please..."
Alam ko,I sound so desperate ng sabihin ko ito ng may pagsusumamo. But totoo...gusto ko talaga na sabay kami today. I have plenty of questions in my mind for her. At saka,I want to take her safely sa work nya. Isipin ko pa lang na katabi ko ito dito sa kotse ay nagpapasaya na sa puso ko. Kaya ng akma na itong maglakad papunta sa back seat ng kotse ay agad akong lumabas upang igiya ito sa upuan sa harap. Ayoko namang magmukhang driver nito sa totoo lang.Lihim akong napapangiti sa isipin na napasakay ko ito at ilang dangkal lang ang layo nito sa akin.
We had a little conversation.I know from her na 8 a.m ang pasok nya. Checking my wristwatch ay maaga pa.Kaya gusto kong sulitin ang oras na kasabay ko sya. Mabagal lang ang takbo ko.Dahil di naman kalayoan ang workplace nito at ang Pablito's na pupuntahan ko.I'm sure,we'll get there earlier than her expected time. Di na ako nakatiis kaya tinanong ko sa kanya kung bakit hindi sya nagrereply sa text messages ko. She explained her phone ran dead bat last night. Gusto kong isipin na sana ay ganun nga.
Nang banggitin nya kung inoobserbahan ko ba sya o nakikita ko sya from my place,di agad ako naka imik. Napaisip ako ng isasagot dito.May pagkaprangka din pala ito. I told her I got curious about her. To who she is and what kind of woman I think she is. Lalo na pagkatapos kong ma witnessed sa Pablito's ang inakto nilang dalawa ni Brad. Nanglaki ang mata niya at naguguluhan syang bumaling sa akin.At inaamin kong nasaktan ako sa nakikita ko sa kanya. I told her about her betrayal to Chelsea. At di nakalagpas sa akin ang gulat sa mga mata nya. She was indeed so good in acting. I focused my eyes on the road.I don't wanna be tricked by those innocent eyes of hers. Bigla kong natapakan ang brake ng kalaunan ay halos pasigaw nitong sabi na bababa sya.We were almost at her office.But she insisted. Wala na akong nagawa at saka itinabi ang kotse sa kalsada. Pagkahinto ay binalingan ako nito at alam kong mangiyak ngiyak ito dahil kita ko ang pamumula ng mga mata nito.
"Before you accused me of something ,please make sure na totoo ang lahat ng iyon.At sana bago ka manghusga ng kapwa ay kilalanin mo muna ang tao ng di ka makasakit ng damdamin ng iba." diretsahan nitong sabi sa akin.Nabigla ako sa tinuran nito.At para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan niya. Di ko sya nagawang pigilan dahil ako rin man ay naguguluhan sa kinahinatnan ng pag-uusap namin. Nasundan ko lang sya ng tingin habang mabilis nitong tinawid ang kabilang dulo ng kalsada.Parang gusto ko syang habulin at humingi ng sorry dito.Ng akmang lalabas na ako ng sasakyan at sundan ito ay isang malakas na busina ng kasunod na sasakyan ang narinig ko.Di ko napansin,huminto pala ako sa no stopping na area.And I momentarily caused a little traffic.Muli kong pinatakbo ang kotse at ng lingunin ko si Gella sa nilakaran nito kanina ay di ko na ito mahagilap pa.
Na guilty ako.Have I misjudged her? Lalo tuloy akong naguguluhan sa lahat ng pangyayari. At lalo akong naguluhan sa nararamdaman ko para rito.