Pumasok ako ng kuwarto at nasa sahig din ang mga unan. Magulo ang bedsheet at comforter. Sumilip ako sa banyo at nandoon nga si Jerry. Nakapikit habang nakahigang nagbababad sa bathtub na suot pa rin ang pantalon pero nakahubad. Nakahinga ako ng maluwag nung malamang walang masamang nangyari kay Jerry. Pero ang gulo ng condo, s**t. Hindi ko alam kung napansin niya akong dumating kasi nakapikit siya nung makita ko. Bumalik ako sa may kama at naupo. Ayokong mag-shower nang nandoon siya. Wala na akong magagawa, tumayo ako at nagtanggal ng mga suot. Nagdiretso ako sa banyo at pumunta sa may shower at nag-shower na nga. Alam kong alam ni Jerry na nandito ako sa loob ng banyo, alam kong gising siya pero hindi siya kumikibo. Nagpatuloy lang ako sa pag-sho-shower hanggang sa makatapos. Lumabas n

