Napagpasyahan naming next weekend na lang sunduin sina Mama sa probinsiya. Napag-usapan namin ni Jerry na mag-bonding muna kaming dalawa kasi alam naming hindi kami masyadong makakapaglambingan kapag kasama na namin sina Mama. "Dumating na 'yung mga inorder mo, hon," tukoy niya sa mga in-add to cart ko noong magkatabi kaming nakahiga sa kama nung nakaraan. Naliligo ako nang lumapit si Jerry sa pintuan habang nakabukas ang pinto ng banyo. "Okay, wait patapos na ako," sabi ko. Paglabas ko ng banyo ay nasa kama lahat ng inorder ko habang si Jerry ay nakaupo sa gilid ng kama. "Ang dami naman nito," sabi ni Jerry. "Sa ating dalawa 'yan, wait, magbibihis lang ako." "Binilhan mo rin ako ng napakarami?" tanong niya habang nagsusuot ako ng panties. "Madami na ba 'yan?" tanong ko pero halos

