Bumalik na kami sa office at maya-maya lang ay nagpaalam na ako na makikipag-meeting. Iniwan ko na si Jerry sa office mag-isa. Sabi naman niya, okay lang daw siya doon. Si Charie lang ang may alam na may anak kami ni Hajie. Walang ideya ang ibang mga kasama ko sa meeting na nagkaroon kami ng anak ni Hajie. Nandito na naman ang ibang matatandang businessman na nangulit sa akin. Mga nagtangkang pormahan ako pagkamatay ni Hajie. Sorry sila, may Jerry na ako. "Mabuti naman napagdesisyunan mo ng hawakan ang kompanya. Napakalaking pressure kay Charie ng nangyari pagkawala ni Hajie though suwerte si Charie sa tiwalang ibinigay niyo," sabi ng isang investor. "Yeah, dahil alam akong mas may alam si Charie tungkol sa company kaysa sa akin kaya hinayaan ko lang siya. I'm very thankful na hindi niy

