PAINTING THE TOWN RED
Ang kapanganakan ni Red sa pamilya Balatbat ay magkahalong malas at swerte. Malas dahil pinanganak sya kung kailan nawalan ng trabaho at naging baldado ang kanyang ama. Swerte dahil sa pambihirang kagandahang lalaking taglay ni Red na angat na angat agad kahit iilang araw pa lamang syang pinapanganak. Sa isang centrefold magazine na naka-display sa bahay nila at ginawang poster kinuha ang pangalan ni Red. Pag-aari ng nanay nya ang magazine noong dalaga pa ito, nagpapakita ng isang lalaking modelo ng pantalon ang centrefold nito. May nakasulat na Red sa poster pero sa kalumaan ay hindi malaman kung ang modelo o ang produkto ba ang tinutukoy na Red sa larawan.
“Nagmana sya sa lahi ng nanay ko. Magaganda ang mga kapatid noon eh, lahing kastila.” Mayabang na pagmamalaki ni Lando sa mga kaibigan. Di hamak na napakalayo ng itsura ng sanggol sa kanya, bansot na kulot si Lando samantalang mahaba ang mga biyas ng sanggol at unat na unat ang malago nitong buhok. Kung may kapareho man sila ay sa kulay na kayumanggi, ganon pa man ay mas mapusyaw pa rin ang kulay ni Red sa itim na itim na balat ni Lando. Sinabi na lamang nitong nangitim na lamang sya sa kakapalaot sa gitna ng dagat para manguha ng hipon at alimango. Mabuti na lamang at sobrang layo rin ng itsura ng batang si Red sa kanyang ina, kung hindi ka-aya aya ang itsura ni Lando, mas kakaiba ang itsura ni Lagring, maitim na payat na payat ito, maliit din, pero ang prominenteng itsura ng babae ay ang makakanto nitong panga, malapad na noo, sobrang liit na ilong, at kirat na mata. Gaya ng karamihan sa bayan ng Bataan nagkapangasawahan na lamang ang dalawa dala ng pagkakataon at panganga-ilangan. Kailangan ni Lagring ng asawa para tigilan na ang pang-aapi sa kanya ng kanyang ama at kakasabi nitong hindi sya makakakuha ng asawa dahil sa kanyang taglay na kapangitan. Kailangan ni Lando si Lagring dahil sa taglay nitong agresibo at tapang sa pagharap sa buhay.
Sa tuwing pumapalaot si Lando sa dagat, si Lagring naman ay mag-e-extra sa restaurant sa Olonggapo bilang waitress. Isang panahong nagkaroon ng maikling paghinto ng barkong galing sa ibang bansa nakakilala ni Lagring ang isang American Indian kasama ang grupo nitong nag-inuman sa restaurant na pinagta-trabahuhan nya. Sa gitna ng kasiyahan ay pinasara ng grupo ang restaurant at saka hiniling na makisaya ang mga waitress sa kanilang grupo. Agad namang sinamantala ng may-ari ang sitwasyon at magdamagang pina-ubaya ang buong lugar sa mga dayuhang bisita.
Umaga na umuwi si Lagring, dala ang makapal na dolyares sa bulsa at isang gabing hindi nya makakalimutan sa piling ng dayuhang ni hindi nya naitanong ang pangalan. Makalipas ang isang buwan ay nagdalang tao ito at nanganak kung kailan na-aksidente sa bangkang sinasakyan ang asawa at naipit ang kanang kamay nito habang inaayos ang nasirang motor. Naputol nang tuluyan ang kanang braso ni Lando samantalang permanente nang namanhid ang kaliwang kamay nito.
Napilitang lumipat sa Olongapo ang pamilya kung saan madaling makahanap ng trabaho si Lagring, hindi na muli syang bumalik sa dating restaurant na pinagtatrabahuhan sa takot na may maka-alam ng kanyang munting lihim. Nasundan pa si Red, sa edad na labing tatlo ay mulat sa hirap ang gwapong bata, hindi makatapos tapos ng elementary, at may lima pa syang kapatid na ubod ng layo ang itsura sa kanya.
Halatang paboritong paborito si Red ng kanyang amang tuluyan nang hindi nagtrabaho. Pero sa tuwing darating ang ina galing sa trabaho ay agad aalis si Red dahil alam nyang mauuwi na naman sa away ang mga magulang. Agad syang uuwi sa bahay ng kanyang lola sa Bataan, nanay ito ng kanyang ina, at doon magpapalipas ng ilang araw. Uuwi lamang si Red kapag sinundo na ito ng kanyang ama.
“Saan tayo pupunta?”
“Dyan lang, wag ka nang magtanong...”
Sumunod naman ang nagtatakang si Red sa ama, pustura ito at nakabihis, binilhan pa sya ng damit nito at pinag-ayos din bago pa sila umalis sa bahay ng kanyang lola.
Sa isang parlor sila tumigil. Tatlong bakla ang agad sumalubong sa kanila.
“Aba totoo nga ang tsismis, napaka-gwapo ng anak mo. Sigurado ka bang tatay mo sya iho?” Sabi ng isang bakla. Tumango lang ang nag-aalanganing si Red.
“Pasok anak, saglit lang tayo dito. Mga kaibigan ko ito, eh na-ikwento kita gusto ka raw makilala.” “Grabe ang tangkad mo, at hmmm ang ganda ng katawan ha, parang hindi labing tatlong taon.” Iniwasan ni Red ang pasimpleng haplos ng isa pang bakla sa itaas ng kanyang hita malapit sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Hindi naman sya tanga sa ganitong sitwasyon, parang nakakatunog na sya sa mga nangyayari.
“Pa, alis na tayo.” Aya ni Red matapos makainom ng tatlong bote ng beer
“Mamaya na, ano ka ba ang aga pa.” Sabi ni Lando
Bumuntong hininga na lamang si Red alam nyang pagdating sa libreng alak ay hindi maaawat ang ama. Hindi na namalayan ni Red ang oras, nagising na lamang syang madilim ang paligid at may kung anong mainit na nararamdaman sya sa kanyang maselang parte ng katawan. Agad balikwas ang bata. Napansin nyang wala syang saplot kahit anuman sa katawan. Umakyat ang init sa ulo ng bata.
“Teka...wag kang matakot.” Nabosesan ni Red ang pangatlong baklang kainuman nila kanina, hindi ito mukhang babae gaya nung dalawang baklang madaldal kanina, tahimik pa nga ito at mukhang mabait. Nagpanting ang tenga ni Red pakiramdam nya’y makakapatay sya ng tao, doon nya lang naramdaman ang pinaghalong pandidiri, sama ng loob, at hindi mapigilang galit. Tataliwas na sya paalis pero maagap na pinigilan si Red ng bakla.
“Ngayon ka pa ba papalag eh kanina lang ay sarap na sarap ka sa mga ginawa natin.” Sabi ng bakla. Bumaliktad ang sikmura ni Red sa sinabi ng kaharap. Hinagilap ni Red ang mga damit na suot kanina lamang. Abot abot naman ang pigil ng bakla kay Red. Tumakbo si Red sa lababo at saka tuluyang sumuka, hindi naman sya sinundan ng bakla. Napansin ni Red na wala na silang ibang kasama sa loob ng parlor.
Nang matapos ay nilapitan si Red ng bading para himasin ang likuran. Isang bigwas ang binigay nito sa baklang mas malaki at mataba kesa sa 13 anyos na bata. Sa halip na tigilan ay lumaban din ang bakla sa kanya, isang suntok ang tumama sa panga ni Red. Ubos lakas na lumaban ang binatilyo, nagpambuno sila sa loob ng parlor, maraming nabasag at nasirang gamit. Malakas at malaki ang bakla pero sa huli ay hindi nito kaya ang nag-aapoy na damdamin ng binata. Malalakas na suntok sa mukha ang inabot ng bakla.
“Ayyy! Tama na! Suko na ako! Lumayas ka dito! Layas!” Sigaw ng duguang bading. Iniwan ito ni Red na umiiyak sa isang sulok.
Galit na galit na umuwi sa bahay si Red, naabutan nya ang amang masayang nagbibilang ng pera
“O, andito ka na? Akala ko umaga ka pa uuwi.”
Hindi napigilan ni Red ang sarili, mas malaki syang di hamak sa matandang ama. Agad nyang dinampot ito at saka malakas na inihagis sa dingding. Kalabugan ang buong bahay. Nagising ang mga batang kapatid ni Red pati ang ina nito.
“Ano ang nangyayari?”
“Putang ina, hayop na ama ka! Ibinenta mo ako, abnormal ka. Tarantado ka!”
Isang suntok ang dumapo sa mukha ni Lando.
“Ayyy! Tama na.” Awat ng ina ni Red
Iyakan ang mga kapatid nito.
“Hayop na anak ka! Wala kang utang na loob, masama bang maghangad ng kahit konting pera?” Lalong pinamulahan ng mukha si Red, isang hablot nito sa ama ay humarang ang ina, pareho silang bumalikwas sa sahig.
“Demonyo kayo, mga putang ina nyo, impyernong bahay ito! Magsama sama kayo!” Ang dami nang kapitbahay na nabulabog.
“Tumawag kayo ng tanod, papatayin kami ni Red!” Sigaw ni Lando.
“Anak! Maawa ka sa tatay mo!” Sabi ni Lagring
“Maawa! Bakit sya? Naawa ba sya sa akin?”
“Lumayas ka dito demonyong bata ka! Wala kang utang na loob!” Sigaw ni Lando “Talagang aalis ako sa impyernong bahay na ito! Demonyo ka!”
“Red, anak. Wag...”
“Sige kampihan mo! Sige!”
“Lando...” Hindi malaman ni Lagring ang gagawin.
Lumabas ang nag-iiyakang mga maliliit na kapatid ni Lando.
“Kuya...”
“Pa...”
“Nay...”
Tiim bagang na tumalikod si Red para hindi Makita ang mga kapatid.
“Red, saan ka pupunta!?” sigaw na habol ni Lagring sa anak.
“Hayaan mo sya! Ako ang asikasuhin mo dito!” Sigaw ni Lando
Sa gitna ng pag-iisa, sa gitna ng sakit, ang kaibigan nyang si Rocco ang pinuntahan nya, matanda ito ng tatlong taon sa kanya, pero mas maliit ito kay Red.
“Saan ka pupunta?”
“Bahala na, sa Maynila siguro.”
“Sama ako, may pinsan ako dun. Akong bahala sa iyo.”
Bago tuluyang umalis papuntang Maynila ay dumaan pa sa Bataan si Red para dalawin ang kanyang lola. Hindi nito dinetalye ang mga nangyari pero pinaliwanag nyang kailangan nyang umalis muna at nag paalam na rin na hindi na muna sya makakadalaw sa matagal na panahon.
“Ito, minana ko pa yan sa lola ko, baka magamit mo.” Inabot ng lola ni Red ang isang luma at antigong singsing.
“Wag na po lola.”
“Sige na, matanda na ako, wala naman akong pwedeng pamanahan nyan kundi ikaw lang. Gamitin mo sa kung paanong paraan para makatulong sa iyo kung saan ka man makakarating.” Umiyak si Red nang iwan nya ang lola nya. Mas ito pa ang nagpalungkot sa kanya kesa ang pag-iwan sa kanyang pamilya. Pero alam nyang kung sa lola nya sya titira at aasa malamang na masusundan sya doon ng kanyang ama. Sa tuwing naaalala ni Red si Lando ay sumusuka sya sa galit. Hindi man nya maalala kung anong nangyari sa kanila ng bakla pero bumabaliktad ang sikmura nya sa tuwing maaalala ang ginawang pambababoy sa kanya ng kanyang ama, kesa sa ginawa ng bakla sa kanya.