Uungol nang malakas ang lumilipad na higanteng pigura. At yumanig ulit ang paligid sa ginawa nito. Sa laki nito ay nawalan na talaga ng pag-asa pa na mabuhay ang mga tao. Dalawa lang din naman ang pagpipilian ng mga tao; ang humimlay na magpakailanman o mabuhay sa masalimuot na mundo. Walo ang pakapk ng higanteng pigura, apat sa kanan at apat din sa kaliwa. May dalawang matutulis na sungay ito sa ulo, at apat na malalaking pangil na nakalabas sa bibig nito. Purong kulay itim ang balat nito. Ngunit may mga bitak ang balat nito’t nagkukulay na kumukulong lava ng bulkan. Ang paghinga rin nito ay makikitaan ng maliliit na lumiliyab na kulay pula at dilaw na apoy. Mukha itong diyablo na parang dragon. At sa bawat ingay na ginagawa nito ay tila nagdiriwang ang mga Night Terror, nagsasaya sa pag

