“So. . . ibig n’yo po ba sabihin, kadugo ko ang lalaking nasa ipinintang larawan sa labas na si Ezekiel?” hindi pa rin makapaniwala na itatanong ni Zeke matapos ikwento ng isang Council Member kung paano nagsimula ang lahat ng kaguluhan sa mundo ng mga tao sa pangunguna ng mga NIght Terror. Tila tulala na hihintayin ni Zeke na may sumagot sa kanyang tanong. Pinoproseso pa rin ng utak niya ang lahat ng bagong impormasyon na kanyang nalaman. Para sa kanya, sobrang bilis lahat ng pangyayari. Hindi niya lubos maisip na hahantong siya sa ganito kaseryosong kaganapan. Simula nang magpakita sa kanyang panaginip ang mga alaga ng Night Terror, ang mga chimera, ay akala lamang niya na masamang panaginip lamang ito na paulit-ulit na nangyayari sa kanya. Isang bangungot na konektado sa isa’t isa. At

