Nababalot pa rin ang mukha ni Xenon ang nakamamatay na awra. Ang mga mata niya ay nagsasabing handang-handa na siyang pumatay ng kalaban habang nakatikom ang kanyang bibig, magkalapat ang mga labi. Walang mababakas na ekspresyon sa mukha niya maliban sa kanyang mga mata;matalim, malalim, at madilim. Kung titingnan nang mabuti ang kabuuan ni Xenon, tila hindi siya napagod o kahit nabawasan man lang ang lakas niya pagkatapos niyang inumin ang capsule. Ang capsule na ininom ni Xenon ay isa rin sa gawa ng adbans na teknolohiya ng Genesis. Kaya nitong ibalik ang buong lakas ng sino man ang uminom ng naturang capsule. Hindi lang ang lakas ng tao ang babalik, maging ang sugat at pasa sa katawan ng taong uminom ay mawawala sa madaling oras, ilang minuto lamang pagkatapos inumin ang capsule. Ito a

