📒Chapter #3-Chocolate Cake

1165 Words
â™ĪXyra's P.O.V ? After namin mag group hug ay dinala nila ako sa taas. "Halika, magbihis muna tayo" sabi ni Cloe habang hawak nya ang braso ko paakyat. Sumunod naman si Cleire at Tina. Pagbukas namin sa isang pinto iniluwa nito ang napakagandang mga bed. Oo mga bed, apat kasi ang bed na nandito na parepareho ng kulay, may malaking mirror pa sa harapan at may mga painting pa sa bawat ulunan ng mga kama. ïŋž I think dito sila natutulog. Pero nagtataka rin ako kung bakit apat ang kama, eh tatlo lang naman sila eh. Di kaya may isa pang diko pa nakikilala. Nacurious tuloy ako. At dahil sabi nila hindi ako dapat mahiya, kaya tinanung ko nalang. "Tatlo lang ba kayo dito?" tanung ko. "Oo" sagot ni Tina. "Eh bakit apat yung kama nyo" "Anu ka ba Xyra, anung kama namin, kama natin noh" sabi ni Cleire na nasa harapan ng mirror. Nakaupo kasi kami ni Tina dito sa pangalawang kama. Ha? Imposible naman yata na para sakin yung isa, ngayon araw pa kaya nila ako nakilala, tapos ready na ang lahat? Biglang lumungkot yung mukha ni Tina. "Actually, sa bestfriend namin yan na iniwan na kami" sabi ni Tina. "Saan na sya?" Ewan nacurious talaga ako eh. "Nasa langit na sya" sagot ni Cleire. So namatayan pala sila. "Sorry kung natanung ko pa" mukang naoffend ko kasi sila. "Anung ka ba, ayus lang. Matagal narin naman yun eh at isa pa everything na may gusto kang malaman wag kang mahiyang magtanong." si Tina. "Saka nalang muna yang chikahan nyo. Xyra isuot mo ito" Sabi ni Cloe ng makalapit sya samin. Inabot nya sakin ang isang dress na kulay blue. "Teka lang, hindi ako nagsusuot ng Dress noh" "Xyra, masanay kana kasi, wag ka mag-alala kami bahala sayo" sabi ni Cleire at pinapasok nya ako sa cr. Pagkatapos namin magbihis ay bumaba na kami, sumakay kami ng elevetor at lumabas na dito sa Condominium. Sumakay kami sa isang malaking van na kulay gray. "Saan tayo pupunta?" Tanung ko. "Sa Mall magsha shopping" sabi ni Cloe na sa cellphone nakatingin. "Ha? Ah Eh sana sinabi nyo agad ng hindi na ako sumama" "Ha, bakit naman?"-Cloe. "Kasi..eh..ah..wala akong dalang pera ah" pero ang totoo 30 pesos lang pera ko at wala naman talaga akong pera sa bahay. "Girl, anu ka ba treat ka namin noh, whatever you want" sabi ni Claire na nasa tabi ko. "Isa pa, bawal ang tumanggi!" Sabi naman ni Tina na nasa passenger seat. So anu pa bang magagawa ko. Sulitin nalang ang pagkakataon. Huminto na ang van sa isang malaking department srore. Bumaba na kami sa van at pumasok dito. "Sa boutique muna tayo!" suggest ni Cleire. Kaya dun kami. Pagpasok namin dito, namangha talaga ako sa ganda ng mga damit dito. May kinuha akong dress na kulay green, like ko kasi to. Hindi pa ako komportable sa suot ko ngayon kasi hindi pa ako sanay pero I like dress. Pero nung makita ko ang price nitong hawak ko binalik ko agad. Grabe ang mahal kasi, (P8,550.00). "Gusto mo yun?" tanung ni Tina. "Ahh hindi tinignan ko lang" pagsisinungaling ko. Nakakahiya naman kung magpalibre ako ng ganun kamahal. "Wag kana kasing mahiya....Miss pakibalot nga tong dress na green!" sabi nya sa Sales Lady. Ng matapos kami mamili ay sa Cosmetics naman kami pumunta. Actually wala akong like sa mga Cosmetics, kahit wala yan maganda rin naman ako eh...charrr honest lang po.hihihi "Xyra, pwedi muba akong samahan doon sa mga foods?" tanung ni Tina. "Okey lang." sagot ko at nagpaalam kami doon sa dalawa. Pagdating namin dito, ay parang bigla akong nagutom. Mukang ang sasarap kasi ng mga foods dito. Pero naagaw ang pansin ko sa chocolate cake. Favorite flavor ko yan eh at kahit sinu pa ang manlibre sakin nito ay diko tatanggihan. "Xyra dito ka lang muna, may kukunin pa ako sandali doon kay Cloe. Kung may gusto ka jan kunin mo na ako bahala." "Oh sige" sabi ko at umalis na sya. Lumapit ako dun sa mga cake. Nag-iisa lang pala yung chocolate cake. Ipapabalot ko na sana pero naunahan ako bigla. "Miss yung chocolate cake nga!" Napatingin ako doon sa nagsalita. Si Mokong? na naman? Sinusundan ba ako ng gagong to? "Huy akin yan!" sabi ko nung makuha na nya yung cake. Napatingin sya sakin ng parang nagulat pero ngumiti sya. "Sorry ka nalang, ako nauna eh" sabi nya at sinimulan ng kainin yung cake. Kainis?? umaasa pa naman akong matikman yun eh. "Eh kanina ko pa nakikita yan eh pero umepal ka!" "Well It's your fault, bat dimo pa kasi kinuha agad." Nakangisi nyang sabi habang nakakakalahati na sya sa cake. Tinapunan ko sya ng masamang tingin pero nginitian lang nya ako ng nakakaasar. Asar pala ang kailangan nya ahh. Di ako papatalo sa gago na to. Aalis na ako dito pero bago yun tinabig ko muna ang siko nya kaya natapon yung cake sa damit nyang puti. "Ouch! Anu ba!" Sigaw nya. Nilingon ko sya at- "Well It's your fault haharang ka kasi sa daan" nakangisi kong sabi at aalis na pero hinila nya ako sa braso. "Alam mo ba kung gaano kamahal tong damit ko na sinira mo?" galit na sya. Parang natapunan lang ng cake sira na agad? Pinandilatan pa nya ako ng mata. Akala nya yata matatakot ako sakanya. "Wala akong pakialam jan!" "Ano!" diniinan pa nya ang paghawak sa braso ko. Masakit yan ah. "Aray ko! Bitawan mo nga ako!"-ako. "Bayaran mo muna tong damit ko!"-sya. "At bakit ko gagawin yun?"-ako. "Ah ganun pala ha!" sabi nya at kinaladkad na ako palayo doon. "Hoy saan mo ako dadalhin? Bitawan mo nga ako?" agal ko pero di nya ako pinansin at patuloy lang ako hinihila hanggang sa makalabas na kami dito sa Mall. Naku pano kung hanapin ako ni Tina. Hindi ko pa naman nakuha ang # nila. Pinasok ako ni mokong sa sasakyan nya at agad naman pinatakbo nung driver nya. Kinikidnap ba ako ng baliw na to? "Hoy! Kidnappers ka noh?" tanung ko pero tumawa sya ng malakas. "Kidnappers? Para saan? At anu naman makukuha ko sayo, yung yellow panty mo na pinakita mo sa lahat ng tao sa gym? Wahaha!" Oo nga pala, naalala ko yung nangyari sakin kanina bago ko pa makilala sila Tina. Nakakahiya! Wait! Sinadya pala yung pagbutas sa jagging fans ko! Tumingin ako kay mokong na tawa parin ng tawa. Wala akong ibang kaaway sa school maliban sakanya at wala ng iba pang makakagawa nun maliban sakanya. Bigla nag-init ulo ko at diko napigilan ang sarili ko, Sinakal ko sya. "Oy anu bang ginagawa mo!" sabi nya habang pinipigilan ang kamay ko sa leeg nya. Di sya makagalaw nakapatong kasi ako sakanya habang sinasakal. Pero biglang huminto yung sasakyan, napansin yata kami ng driver. Sinamantala ko ang pagtigil ng sasakyan, binitawan ko si mokong at lumabas ako sa sasakyan then kumaripas ng takbo. "Hoy! Bumalik ka ditooooo!!" narinig ko pang sigaw nya. .......To be Continue.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD