📒Chapter #4-The Owner

1144 Words
♤Tina's POVXyra's POV< "Bumalik ka ditooo!!" Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako dito sa Playground. Grabe ang baliw na yun. Matapos nya akong pahiyain sa school, kikidnapin nya ako! Hmm, makakabawi din ako sayo. Teka! Anung lugar tong napuntahan ko? Unfamiliar eh. Wait! Di kaya naliligaw ako? OMG! nako paano ito. Naalala ko sila Tina, baka hinahanap na nila ako. Kasalanan ng mokong nayun ang lahat eh. Paano na ako nito, paano ako uuwi. Tawagan ko nga si Mama. Wait! Ang cellphone ko! Yung mga gamit ko! Yaaaaaaa!!!! Naiwan ko dun sa kotse ng mokong na yun.???? Napaupo ako dito sa mga damuhan sa playground. Kamalas naman. Anu kaya ang pwedi kong gawin? Tumayo nalang ako at pumunta sa gilid ng kalsada. Papara nalang ako ng taxi pauwi samen. Pagdating ko dito may biglang huminto na Van sa tapat ko at nagsilabasan ang mga tao dito. God!! Mga kaibigan ko! Nabuhayan ako. "Xyra!!" Sigaw ni Tina at niyakap ako, sumunod narin yung dalawa. "Anung bang nangyari sayo? Bat napunta ka dito?"- si Cleire. "Sorry kung pinag-alala ko kayo. Yung mokong kasi eh"- ako. "Teka, sinung mokong?"- Tina. "Dun din nag-aaral sa Monticlano University, diko alam ang name nya"-ako. "Anung ginawa nya sayo?"-Cloe. "Buti nga nakatakas ako eh, ewan ko kung saan nya ako dadalhin"-ako. "Sige na tama nayan, atlis nahanap kana namin. Tayo na" yaya na samin ni Cleire. Hinatid nila ako hanggang sa bahay namin. Ayoko rin sana silang patuluyin, nakakahiya kasi yung bahay namin pero makukulit sila eh. "Swerte mo ate, bigtime ang mga friends mo!" sabi ni Carlotte na nakahiga sa kama. Magkasama kaming natutulog dito sa kwarto, duna sa kabila si Mama at Aldryle. "Swerte ako kasi mababait sila, hindi dahil bigtime sila" sabi ko. Totoo naman eh, hindi yung yaman nila ang gusto ko noh, yung ugali nila. ~KINABUKASAN pagdating ko ng school dumeretso na ako sa room namin baka andun si mokong. Kailangan ko makuha ang mga gamit ko sakanya at gagantihan ko pa sya. Pero pagpasok ko wala sya, tanging mga classmates ko lang ang nandito. "Guys! Nandito na si Miss Yellow!" sabi nung isang bruha kong classmate. Tapos nagsitawanan sila. Nabulgar nga dito sa school yung nangyari sakin kahapon, nakakahiya tuloy. Hindi muna ako tumuloy pumasok, wala pa naman yung teacher, isa pa wala akong dalang gamit, nasa mokong na yun lahat eh. Nagpunta ako ng garden baka makita ko si mokong pero wala eh. Aalis na sana ako pero bigla kong nakita yung isa sa mga kaibigan ni mokong na makapal ang kilay. Lumapit ako dito. "Hey, nasan si Mokong?" tanung ko. Kumunot ang noo nya nung makita ako saka ngumiti rin. "Ikaw yung kahapon na-" "Oo ako nga, nasan yung baliw mong kaibigan?" mataray kong tanung pero nagpout sya. Ano to pabebe? "Hmm si Yuhan ba hinahanap mo?" Yuhan? So Yuhan pala ang pangalan nung baliw na yun! "Oo, nasan sya!" Ako. "Ahh, sorry hindi pa sya tumatanggap ng Autograph ngayon kasi-" "Tumahimik ka! Hindi Autograph ang kailangan ko sakanya!" sigaw ko. Kainis! "Hindi nga ba?" taas kilay nyang sabi. Sa sobrang inis ko siniko ko yung sikmura nya kaya napaupo sya sa lupa. "Aray ko! Anu ba?" daing nya. "Sasabihin mo ba kung nasan sya or tatadyakan pa kita jan." "Ahh Oo na, nasa leisure room" Duwag naman pala tong isang to. Iniwan ko na sya na nakaupo sa lupa at hinanap ang leisure room. Humanda sakin ang Yuhan nayun. Pagdating ko sa leisure room, hindi ko makita si Yuhan. Niloloko ba ako ng isang yun? Patalikod na ako pero nasalubong ko sya. Nagulat ako, ganun din sya. "Nakita rin kita!" Sabay naming sabi. Ayun, nagtapunan lang kami ng masamang tingin. "Matapos mong sirain ang damit ko at sakalin ako kahapon, may lakas loob ka pang magpakita sakin?" Nakangisi nyang sabi. "At matapos mo naman akong pahiyain kahapon, may lakas loob ka pang magpaka inosente?" nakacross arm kong sabi. Pinaningkitan nya ako ng mata. "Akin na gamit ko" mahinahon kong sabi. Tumawa sya ng bahagya at tinaas nya yung bag ko. "Ahh, ito ba ang hanap mo? Ohh!" Inaabot nya sakin yung bag ko. Kukunin kona sana pero binitawan nya kaya nahulog. Nabuhos pa yung laman, hindi kasi nakaclose ang zipper. "s**t!" mura ko at pinulot yung mga gamit ko. "Hmm, Xyralyn Alcantara" Natigilan ako sa pagpulot ng mga gamit ko nung banggitin nya ang full name ko. "Anu?" Tanung ko ng nakatingala sakanya. "Scholar ka pala dito?" Pinulot ko muna lahat ng gamit ko at tumayo na ako. "Anu naman pakialam mo?"-ako "Tsk, ang yabang mo rin noh. Alam mo bang kaya kitang patalsikin sa school nato to sa isang salita ko lang?" Aba, naman kala mo kung sinu sya kung makapagsalita. "Haha, wow ha, bakit sayo ba ang school nato?" Lumapit sya sakin, sa tainga ko. "Hindi, hindi akin pero sa family ko" sabi nya at umalis na. Ano daw? Sa family nya? Hmm! "Hoy! Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo unggoy ka!" Sigaw ko sakanya habang patuloy lang sya sa paglalakad. Biglang lumapit sakin sila Cloe at Tina. "Girl, anu yung ginawa mo? Bakit mo sinabihan si Yuhan ng ganun?" tanung ni Cloe. "At bakit naman, bwisit kasi ang lalaking yun eh" Hinatak nila ako sa Hide out. "Girl, bakit mo sya tinrato ng ganun?" guilting sabi ni Tina. Bat ba sila ganito? "Hindi mo ba sya kilala? Sya si Dong Yuhan Monticlano the owner of this school."-Cloe. "Ha?" nganga kong sabi. Kung ganun totoo yung sinabi ng mokong na yun? .......To be Continue.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD