♤Xyra's POV
?
"Uy bess pakilala mo naman ako jan kay Steven!" Pangungulit ni Chloe.
Aba, kanina pa sya ah, porket kasama ko lagi yung mga unggoy nayun kinukulit na ako lagi.
"Ayoko nga, kung gusto mo pakilala mo sarili mo" sabi ko.
Hindi ko naman close ang Steven nayun eh.
"Bess naman eh!" nagpout sya. Hehe ang cute nya, parang bata.
Sya ang bunso samin. Si Clere ang Matanda saamen, sumunod si Tina then ako.
"Bess nakakatampo na talaga!" sabi ni Clere na nasa harap ko.
Nandito kami ngayon sa Cafeteria, tuwing lunch lang kami magkakasama eh.
Nasa square table kami, sa kaliwa ko si Tina, sa kanan si Chloe at sa harap ko si Clere.
"Bakit naman Bess?" tanung ko kay Clere.
"Eh kasi hindi na tayo masyado nakakapagbanding, lagi kana lang kasing wala" malungkot na sabi ni Clere.
Oo nga naman, lagi kasing nakukuha ng Yuhan nayun ang oras ko.
"Cleire, hindi naman kasalan ni Xyra yun noh" sabi ni Tina.
"Pasensya na kayo mga Bess ha, di bale bukas magbabanding tayo!" nakangiti kong sabi.
"Talaga?!"-si Cleire.
Tumango ako, kaya ayun ang saya nila. Hmmm namiss ko ang mga bessy ko.
Pagkatapos namin maglunch ay naghiwahiwalay na kami.
Si Cleire, may practice sa Valleyball, si Tina may practice din sa Dance at si Cloe magreresearch sya para sa report nya.
At ako nandito lang sa leisure room nagpapahinga, sana wag muna akong kulitin ni Yuhan ngayon.
Pero maya maya lang biglang nagvibrate ang Phone ko.
Tinignana ko kung sinu yung nagtext.
1 message received
From: Mokong
[Xyra, puntahan mo ako dito sa Lab, di ako makalabas]
Buti nga sakanya, bahala sya lumabas sya kung kaya nya.
Hindi ko sya nireplyan, pinatong ko ang ulo ko sa table. Gusto kong matulog, mamaya pa kasi ang klase ko.
Pero nagvibrate ulit ang Phone ko. From Mokong ulit, binasa ko ito.
[Pag dika pumunta dito in 2 minutes, tatawagan ko yung Principal]
Ahhhhhhhhhhhh??? kainis talaga sya. Tumayo nalang ako at lumabas na dito sa leisure room.
Papunta na ako ngayon sa Laboratory. Ang tanga nya kasi, papasok ba naman doon na hindi alam na sira yung pinto.
Nandito na ako sa tapat ng pinto ng Lab, binuksan ko na ito para makalabas na yung Tanga sa loob, pero pagbukas ko, walang tao sa loob.
Niloloko ba ako ng baliw na yun?
Pumasok pa ako sa loob para hanapin sya, pero nalibot kona ang buong Lab, wala namang tao.
Bwisit talaga ng lalaking yun! Lalabas na sana ako pero bagla akong napasigaw at pumatong ako sa lamesa.
Ang dami kasing Ipis sa bandang pinto, hindi sya pangkaraniwan lang, parang pinakawalan na ipis.
Napaiyak na ako dito sa sobrang takot, pinakaayaw ko ang ipis, bukod sa angbaho eh nakakatakot talaga.
Biglang nagflashback sa isip ko yung nangyari sakin nung Grade 2 pa ako.
May batang lalaki noon na binigyan ako ng regalo, sabi nya chocolate daw pero nung buksan ko, ipis pala.
At nagsipanhik ang mga ipis sa braso ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko, sumigaw lang ako at umiyak.
Napansin kong unti-unti ng nawawala yung mga ipis kaya dahan dahan na akong bumaba sa table.
"Ahahahaha! Akala ko ba matapang ka, eh bakit kahit ipis kinakatakutan mo!?"
Nakita ko si Yuhan sa tapat ng pinto na tawa ng tawa.
Ganyan na ba talaga sya kasama? Imbis na maawa sya pinagtawanan pa ako.
Pero sa bagay, wala naman syang ginawang natuwa pa ako at alam ko rin na kagagawan nya ang lahat nito.
Gusto ko syang sampalin at pagsabihan ng masasama.
Pero imbis na gawin ko yun, pinahid ko nalang ang luha sa mata ko at nilagpasan ko sya.
Umalis na ako doon sa Lab,, ang sama ng pakiramdam ko kailangan ko ang mga bessy ko.
Busy sa practice sila Cleire at Tina kaya sa Library ako pumunta, nandun kasi si Cloe na nagreresearch.
>Yuhan's POVXyra's POV<
"Oh bess, anyari sayo? Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanung ni Cloe nung umupo ako dito sa harap ng table nya.
"Wala, ayus lang ako bess" pagsisinungaling ko, ayokong sabihin sakanya or sakanila ang mga ginagawa sakin ni Yuhan.
Ayoko kasing mag-alala sila sakin.
"Eh bat umiiyak ka?"- sya.
"May natagpuan lang akong Ipis sa leisure room"- ako.
"Ipis? Takot ka din pala sa ipis, parepareho kayo nila Tina at Cleire." natatawa nyang sabi.
Mas mabuti nalang to, kahit masama ang pakiramdam ko, mas sasama pa ito pag nag-alala pa sya sakin.
Tinulungan ko sya sa Report nya para libangin ang sarili ko.
Pero hindi ibigsabihin na hindi ko pinagalitan ang mokong na yun ay magpapatalo na ako.
Hindi kasama sa Condition nya ang magpatalo narin ako.
Wala lang kasi akong lakas kanina, parang nawalan kasi ako bigla ng lakas dahil dun sa mga inayupak na Ipis na yun.
Pero may Araw din, gagantihan ko sya.
After a few minutes nagpaalam na ako kay Cloe, oras na kasi ng klase ko.
Habang naglelecture ang teacher panay naman ang pang-iinis nitong mokong na to sa tabi ko.
Pero hindi ko sya pinapansin, nagte take note ako sa mga sinasabi ng teacher.
Pero bigla ba naman nyang inagaw yung notes ko, sa sobrang inis ko hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Anu bang problema mo!!?" Sigaw ko sakanya sabay tayo.
Lahat ng classmates ko nakatingin sakin, saka ko lang napansin nasa klase pala kami.
"Miss Xyra, Anu yan?!" tanung ni Sir Min.
"Ah sorry po sir." sabi ko at umupo na ako muli.
"Ok lets go back to our topic!" sabi ni sir.
Tinignan ko si Yuhan pero nakapoker face lang sya na nakatingin din sakin.
Sa totoo lang gwapo itong mokong na to kaya lang sobrang nakakainis, tsk.
......To be Continue....