* Mandy POV * Napabuntong hininga nalang ako habang napapatingin sa langit. Sigurado akong alam na narin ni Kuya yung ginawa ko, kaya malamang galit na galit ito sa akin ngayon. Wala pa rin naman akong balak na magpakita sa kanya dahil gusto ko munang ipalisan tong nararamdaman ko. Masakit, pero kailangan kung tanggapin dahil yun naman ang dapat diba? Kasalanan ko rin naman kasi ang nangyari. Kaya ano pa ba ang magagawa ko kung galit sa akin yung tao, at hindi ko naman masisisi ang bagay na yun. Dahil sino namang tao ang hindi magagalit kapag pinagtangkaan ang buhay niya diba. Muli na naman akong napabuntong hininga at napainom nalang ng alak para kahit kunti, mawala ang sakit. Napatingin ako sa may phone ko na katabi ko lang ng tumunog ito. Si Andrew. Kinuha ko ito at agad namang si

