Kinuha ko yung maleta na nakatago sa ilalim ng kama saka ko ito binuksan. Tumambad sa akin ang ibat-ibang klase ng baril, pistol, calibre 45, sniper, silencer, at kung ano-ano pang klaseng na mga baril. At ito ang dahilan kung kailangan kung pumunta dito. Siguro nagkataon lang na dumaan ako dito ngayon dahil kasi nga may binabalak sila. Kinuha ko yung dalawang silencer at kumuha narin ako ng bala kung sakaling maubusan ako. At isa pa, baka magulantang ang mga kapitbahay namin kapag narinig nila yung mga putok ng baril kaya mas mabuti na yung safe. Nilagay ko sa likuran ko ang dalawang baril at saka lumabas na ng kwarto. Agad ko siyang hinanap sa buong sulok ng second floor maging sa kwarto niya, pero wala siya doon. Napatigil lang ako sa paghahanap ng makarinig ako ng ingay na nanggagali

