Ilang araw na ang nakalipas simula nong nangyaring aksidente sa building ni Jaysen, naging maayos naman ang lahat at naglagay narin siya dagdag na security sa lahat ng company niya. Hindi man namin nahuli si Dave, pero nalaman namin kung sino ang nag-utos sa kanya na patayin si Jaysen. Walang iba kundi si Lim, ang matanding kalaban niya pagdating sa business world na siya rin ang taong humahabol sa akin para dakpin at patayin ako. " Hey! Are you alright? " tanong sa akin ni Jaysen ng mapansin niyang kanina pa ako nakatingin sa kanya. Ngumiti lang ako dito at niyakap siya ng mahigpit. Nong una hindi ko pa alam kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko sa lalakeng to, pero kapag laging nalalagay sa panganib ang buhay niya, para bang hindi ko kayanin kapag nawala siya. Para akong mababal

