* Jaysen POV * Natulog ako kagabi ng hindi siya katabi dahil agad siyang dumeritso sa mismong kwarto niya pagkarating namin sa bahay, kaya hindi na ako nag-abal pang kausapin siya dahil pareho rin namin kaming pagod. Wala naman talaga akong intensyon pa na tanungin ang pagkatao niya, kaya lang nacurious na ako sa mga nangyayari about sa kanya, lalo na yung nangyari kagabi dahil hind ko akalain na kilala niya pala yung tumulong sa amin. Kinabukasan agad akong bumangon sa higaan ko pagkagising ko para sana puntahan siya sa kwarto niya para narin magsorry sa nangyari kagabi. Kaya lang pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ay hindi ko siya nakita, maayos rin ang pagkakaayos ng higaan at walang gusot ng pagkakahiga. Nakaramdam narin ako ng kaba nong time na yun at agad siyang hinanap sa bawat sulok

