Nakarating ako sa kwarto ko at doon humagulgol ng iyak, ayaw kung umiyak sa harapan niya dahil ayaw kung makita niya na mahina ako na naapektuhan ako sa nangyayari. Kahit na ang totoo, sobrang sakit sa dibdib. Napakasakit dahil yung taong mahal mo galit sayo. Tanggap ko naman e na hindi tama yung ginawa ko na kahit ako nagulat din ng malaman kung siya pala yun. Pero ang mali lang minahal ko yung taong pinagtangkaan ko ng buhay, yung taong hindi ko alam na mahahalin ko pala. Kailangan ba talagang masaktan kapag nagmamahal ka? Hindi pa pwedeng maging masaya nalang kami?! Kung alam ko lang na mahuhulog pala ako sa kanya edi sana hindi ko nalang tinuloy yung kasal. Sana noon pa, nakipaghiwalay na ako sa kanya para hindj ko sana maranasan yung sakit. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko, bakit ba

