" Lumayo-layo muna tayo dito sa building Jaysen, hayaan muna natin ang mga oturidad ang umayos nito. Saka lang tayong magtanogn kapag nasa ayos na ang lahat. " sabi naman sa akin ni Marvin. Kaya sumunod naman ako sa kanya papalayo sa building na to. At habang naglalakad kami, napatingin naman ako sa mga employees ko na kapansin-pansin sa mga mukha nila yung takot at panginginig dahil sa nagayri. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng galit sa mga taong gusto akong patayin, maraming mga taong nadadamay sa kasikiman nila. " Kuya Marvin! " Pareho kaming napahinto ni Marvin ng may tumawag sa kanya, at doon nagulat ako ng makita ko si Aaron at Amae dito. Kaya agad naman kaming lumapit sa kanila. " Bakit kayo nandito? Paano kayo napunta dito? " sunod-sunod na tanong ni Marvin sa kanila na

