Nakarating na kami kung saan nagtratrabaho si Kuya, at kapansin-pansin na lahat ng taong nasa loob ng building ay nagsi sipaktabuhan na palabas. Nakaalerto narin yung mga NBI pagkarating namin dito. Nasabi ko naba sa inyo kung saan nagtratrabaho si Kuya? Sa kumpanya nila Jaysen! Kaya malamang sa malamang nasa loob din ng building si Jaysen maliban kay Kuya. Kaya dalawang tao ang inaalala ko ngayon at kailangan kung iligtas. " Ate, ano po ang nangyayari, bakit nandito tayo? " tanong sa akin ni Arron. Hindi ko naman siya sinagot, sa halip inilayo ko sila doon sa may building, dahil sakaling may mangyari man. hindi sila madadamay. " Dito lang kayo, bantayan mong mabuting yang kapatid mo. " sabi ko dito. " Pero ate- " " Just stay here, Arron. Huwag kayong aalis hanggat hindi ako dumadat

