Chapter 6

1293 Words
* Jaysen POV * " Oh! F*ck! " " Mouth Kier!" sigaw ng nanay ko daig pa ang maicrophone sa lakas ng boses niya. " Sorry Mom. But, hindi mo ako mapipilit sa gusto mo! Buhay ko toh kaya ako ang magpapasya para sa sarili ko. " galit kung sabi sa kanya. " I know son. Pero napag-usapan na namin ito ng Daddy mo. Whether you like it or not? You're getting married . " seryuso nitong sabi. Aalis na sana siya ng may sinabi ako na ikinatigil niya. " What if! I already have a wife? " sabi ko sa kanya. Gulat naman siyang napalingon sa akin, na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. " D-do you? " gulat nitong tanong sa akin. " Yes! Hindi ko lang sinasabi sa inyo dahil alam kung pipigain niyo siya sa kakatanong. At isa pa, hindi pa siyang handa na magpakita sa inyo. " sabi ko sa kanya. Ang kaninang gulat na mukha niya, ay napalitan ng isang ngisi. Dahilan para makaramdam ako ng kaba. " If it is true? I want to meet your wife. " seryuso nitong sabi at tuluyan ng umalis sa harapan ko. Sh*t! I'm in trouble. Hindi naman talagang totoong may asawa ako. Sinabi ko lang yun para tigilan niya na ako, at huwag ng pakialaman ang buhay ko. Padabog akong umalis sa bahay at sumakay sa kotse ko saka pinasibat papalayo sa bahay namin. Sumasakit ang ulo ko sa kalukohan ni Mommy. Dagdagan mo pa na gusto niyang makita yung sinasabi kung asawa KO? Na wala naman talaga. Saan naman ako kukuha ng babaeng magpanggap bilang asawa ko? Maybe I will talk to my cousin. Baka matutulongan niya ako sa problema ko. Kinuha ko young phone ko na nakalagay sa compartment, saka tinawagan ang pinsan ko. Ilang minuto pa ang pagring nito.saka lang niya sinagot. " Wha- " " Meet me. ASAP! " sabi ko, saka pinatay na yung tawag at binaba yung phone ko. Tinext ko sa kanya kung saan kami magkikita. Alam ko naman na sisiputin niya ako. Dahil kung hindi patay siya sa akin. Nang makarating na ako sa restaurant kung saan kami magkikita. Pinark ko na agad yung sasakyan at pinatay yung engine saka bumaba saka pumasok sa loob ng restaurant. " Goor morning, Sir. " bungad sa akin nong isang waitress pagkapasok ko sa loob ng restaurant. " Table for two. " sabi ko sa kanya na hindi pinansin yung pagpapacute niya sa akin. Ginaya niya naman ako sa pangdalawang mesa. Habang hinihintay ko ang pinsan ko, tumitingin-tingin muna ako sa menu, kahit na wala naman akong balak umorder. Binaba ko lang yung menu ng maramdaman kung may nakaupo sa harapan ko. Walang iba kundi ang pinsan ko na may mga pasa na naman sa mukha. " Kailan ka pa ba titigil sa kalukuhan mo? " seryuso kung tanong sa kanya. " Mind your own business Bro. Pinapunta mo ako dito dahil sinabi mo, hindi yung papakialaman mo yung ginagawa ko. " sabi din nito sa akin. Tinawag niya yung waitress saka umorder ng makakain niya. Oo siya lang! Dahil wala akong balak kumain. " Anong pag-uusapan natin? " tanong nito sa akin, habang hinihintay yung order niya. Minsan hindi ko maintindihan ang lalakeng to. Sobrang seryuso kapag nasa harap ng maraming tao. Pero kapag ito nasa kwarto niya, lalo na kapag kasama niya yung taong mahal niya. Umiiba ang ugali. Minsan nga hindi ko nga ito maintindihan eh. " I need your help. " sabi ko sa kanya. Gulat naman siyang napatingin sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang reaksyon niya. Well! Hindi naman talaga ako yung taong humihingi ng tulong. Nagpapatulong lang ako kapag kinakailangan. Umayos siya ng upo saka tiningnan ako ng diretso sa mata. " What kind of help? " tanong nito sa akin ng makabawi sa pagkagulat. Kinwento ko naman sa kanya yung nangyari kaninang umaga sa bahay. Pati yung pagpapakasal ko sa babaeng hindi ko naman kilala. At yung pagtatalo namin ni Mommy kanina sa bahay. " Maraming babae dyan ang patay na patay sayo. Hindi muna sila kailangan bayaran para magpanggap na asawa mo. " sabi nito. " I don't like them. Gusto ko yung babaeng matino. Yung walang gusto sa akin. Dahil kapag pinili ko yung taong may gusto sa akin. And the end, kapag tapos na ang contract, hahabulin at hahabulin parin nila ako. " sabi ko sa kanya. Ayaw ko kasi sa isang babae na hinahabol ako at dradramahin kapag natapos yung contract, dahil sa pagkagusto sa akin. Meron ding ibang babae na pera lang ang habol sayo. Gastos dito, gastos doon. Hindi naman sa wala akong pera, ayaw ko lang igastos ang pera ko na pinaghirapan ko sa ibang bagay na hindi naman importante. " So! Ano nga ang gusto mo sa isang babae? " inis " Gusto ko yung babaeng madaling kausap, matino hindi lang pera ang habol may pinag-aralan. Walang problemang dala, at ready sa lahat ng bagay. " sabi ko sa kanya. Napaisip naman siya sa sinabi ko. Alam kung matutulongan ako ng pinsan kung ito. Siya lang kasi ang malalapitam kung kaibigan dahil magkasundo kami lalo nat magkapareho kami ng ugali. " Hmm....may kilala akong kasing pareho ng sinasabi mo. Kaya nga lang paminsan-minsan, nawawala sa katinuan niya. Baka isipin mong baliw siya ha? Mabait yun, minsan seryuso siyang tao at isa pa, marami yung dalang problema. " nakangisi nitong sabi. " I want to meet her. " " Sigurado ka? Baka ikaw ang mag back-out kapag makilala mo siya. " sabi nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin na ikinatawa niya lang. Alam niyang wala akong pinag-aatrasan sa kahit ano mang bagay. * Janen POV * Kanina ko pa tinitingnan si Mandy. Napakaseryuso ng mukha niya at mukhang ang lalim yata ng iniisip niya. Alam niyo ba unang pasok niya pa lang dito..akala talaga namin mayaman siya dahil sa ayos at porma niya. The way siyang kumilos parang anak mayaman talaga, tapos ang kutis niya, anak mayaman din. Ang tangos ng ilong, tapos yung mukha niya sobrang ganda niya talaga. Marami ngang napapatingin sa kanya kapag kami ang makasama niya. Para talaga siyang artista. Yun pala, magkalevel lang pala kami, kuripot nga lang siya sa amin. Kulang nalang hindi kakain para hindi lang gumastos. " Hoy! Smile, smile naman dyan, Mandy. " nakangiti kung sabi sa kanya. Magkatabi lang kasi kami ng upuan. Ngumiti lang siya sa akin, saka sumeryuso ulit ang mukha. Ano ba talaga ang problema ng isang to? Siniko ko si Jo-hie na katabi ko lang, saka tinuro si Mandy na kanina pa tahimik. " Hey! Mandy, para kang matanda dyan, nakakunot ang noo. " pang-aasar sa kanya ni Jo-hie. " Para kang may isang dosenang anak dyan. " natatawang sabi ni Analy. Kaya napatawa narin kaming lahat. Hanggang sa pinagtutulongan na nilang asarin si Mandy. Pero ang seryuso niya parin na para bang hindi niya kami naririnig. " Para kang sinakluban ng langit at lupa dyan, Mandy. " dagdag naman ni Mae. Napatahimik naman kaming lahat ng napatingin sa amin si Mandy. Parang bigla akong nakaramdam ng kilabot sa katawan sa tingin niya. Wala man lang kaemo-emosyon ang mukha niya. " Shut-up all of you! And please, don't mind me. Dahil kapag ako nainis, hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko. " sabi nito. Lahat kami biglang natahimik sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi niya o nagbibiro lang siya. Dahil the way siyang magsalita parang may gagawin talaga siyang kakaiba. Parang gusto kung maiihi sa takot, dahil domuble yung kabang naramdaman ko kanina. At alam kung ganun din yung mga kaklase ko. Sino kaba talaga Mandy Madison. Bakit parang napakamisteryuso mo.? Dapat kaba naming katakutan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD