Chapter7

1220 Words
* Andrew POV * " Pasok! " sabi ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto. " Sir, nandito na po si Ms. Mandy. " sabi nong katulong namin. " Pakisabi baba na ako. " Pagkasarado niya ng pinto sinara ko na yung laptop saka pumunta sa closet at nagbihis ng damit. Wala kasi akong suot kanina, isa pa bagong ligo lang ako. Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kung magbihis. Nasa hagdan palang ako rinig kuna yung tawanan nila Mama. " Pagkatapos, anong ginawa mo doon sa lalake? " rinig kung tanong sa kanya ni Mama. " Pinabayaan ko nalang po. Kawawa naman kasi kapag pinatulan ko pa, baka mapahiya. " nakangisi namang sabi ni Mandy sa kanya. " Hay naku! Kung ako yun, aawayin ko talaga yun. Hindi ko papalampasin yung pangbabastos niya no. " mukhang inis na sabi ng kapatid ko. Tumikhim ako para malaman nila na kanina pa ako nandito. Sabay naman silang napatingin aking tatlo. " Hi! Kuya. " nakangiting bati ng kapatid ko. " Good morning anak. " bati sa akin ni Mama. Nginitian ko lang siya. " Walang good morning sa taong masungit, kaya bad morning sayo, Andrew. " nakangising sabi sa akin ni Mandy. Sinamaan ko lang siya ng tingin na ikinatawa niya lang. Napatingin nalang ako kay Annika na kanina pa nakatingin sa akin. " Flying kiss nalang sayo mahal ko. " sabi niya. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Kaya mahal na mahal ko ang babaeng to. Dahil lagi niya akong napapangiti dahil sa mga kaluhukan niya. " Napacheesy niyo. " hirit naman ni Mandy. Binalatan lang siya ni Annika na mas lalo ko pang ikinangiti. Minsan talaga napapaisip ako, matagal ko ng nakakasama si Mandy, kumpara sa fiance ko na si Annika. Pero kahit ni minsan, hindi ko makuhang makagusto sa kanya. Kahit siya ay walang ding naramdaman sa akin. Siguro dahil talagang nakatadha lang talaga kami sa isat-isa na kaibigan lang yung turingan namin. Kaya wala kaming nararamdaman sa isat-isa. Actually, more than friends kaming nitong si Mandy. Parang kapatid ko na din to, at parang anak na rin siya ni Mama dahil sobrang magkasundo silang dalaw. Lumapit ako sa kanila at saka umupo sa tabi ni Annika. Kasabay non ang paghalik ko sa pisngi niya. " Nga pala, Andrew. Akala ko kakausapin ako ng Tita mo? " tanong sa akin ni Mandy. " Oo! Pero hindi dito. " sabi ko naman sa kanya. " Pero bago yan, kumain muna kayo. " nakangiting sabi ni Mama. Tumayo naman kaming lahat at sabay-sabay ng pumunta sa kusina. Mahirap talaga kapag ikaw lang ang lalake. Naaaout of place ka sa kanila. Sila lang yung nag-uusap eh. * Mandy POV * Matapos naming kumain umalis na kami ni Andrew. Nagpaiwan yung dalawang babae kasi may gagawin pa silang project. Kaya kami nalang dalawa ni Andrew ang lumakad. " Kamusta na kayo? " tanong ko sa kanya. " Tulad parin ng dati. Sumasabak lang sa gulo kapag kinakailangan. Pero nakakapanghinayang dahil hindi ka namin kasama sa school. " seryuso nitong sabi. Habang nasa daan ang tingin, baka kasi mabangga kasi kami. " Parang hindi na kayo nasanay sa akin. Noon nga, halos hindi na ako pumapasok sa school, ngayon pa kaya na lumipat na ako. " natatawa kung sabi. " Iba naman kasi ang sitwasyon noon eh. Kahit na pumapasok ka sa ibat-ibang school na hindi namin alam kung bakit mo yun pinagagawa? Nagagawa mo paring pumasok sa school natin, kahit na paminsan-minsan lang. Hindi tulad ngayon na hindi kana namin nakikita. " seryuso parin nitong sabi. Napatawa nalang ako sa sinabi niya na ikinatingin niya sa akin saglit. Hindi ko alam na malaki pala ang epekto ko sa kanila. Mga tunay ko nga namang kaibigan o. " Huwag kang mag-alala Andrew. May oras din na magkakasama tayong lahat. " nakangiti kung sabi sa kanya. Huminto kami sa isang coffee shop. Hindi na kailangan pang sumama ni Andrew dahil alam kung marami din yung gagawin. Kaya ako nalang mag-isa ang pumasok sa loob ng coffee shop. Pagkapasok ko sa loob, agad naman akong sinalubong ng waitress. " Good morning ma'am. " bati niya sa akin. " Uhm, meron bang nagpareserve dito na Mrs. Suarez? " tanong ko sa kanya. Yun kasi ang sinabi sa akin ni Andrew kanina bago ako bumaba ng kotse niya. Tanungin ko lang daw kung may Suarez na nagpareserve sa store nila. Dito kasi kami magmemeet ngayon. " Yes Ma'am! Kayo po ba si Mady Madison? " tanong nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya at ginaya niya naman ako papunta doon sa babaeng tinutukoy ko. Habang papalapit sa pangdalawahang upuan, natanaw ko na agad na may isang babaeng nakaupo doon na nakatalikod sa akin. " Excuse me Ma'am. " pag-aagawa ko ng pansin sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. Nagulat ako ng makita ko ang mukha niya. Ang ganda-ganda niya, pang mayaman talaga ang kutis niya. Tumayo siya kaya napaatras ako. " Hi! Are you Mandy Jade Madison? " tanon nito sa akin na ikinatango ko lang. Ang ganda niya kasi. " Take a sit. Ms. Madison. " sabi nito. " Mandy nalang po. " sabi ko sa kanya ng makaupo ako sa harapan niya. Tumango lang siya sa akin saka ngumiti. " Alam mo bang matagal na kitang hinahanap? Mabuti nalang at kaibigan ka ni Andrew. Kung hindi, baka matagalan pa ako sa paghahanap. " nakangiti parin nitong sabi. Napakunot naman ang noo ko sa narinig. Ako hinahanap nito, bakit? Ano ang kailangan niya sa akin? " Bakit niyo po ako hinahanap, may atraso ba ako sa inyo? " kinakabahan kung tanong sa kanya. " No! Wala kang atraso sa akin. " nakangiti parin nitong sabi. " Bakit nga po? " sabi ko pa. " Kaya kita gustong makita dahil gusto kitang makausap tungkol sa mga magulang mo. " Mas lalo akong naguguluhan sa sinabi niya. Tungkol kina mama? Ano naman ang kinalaman nila sa babaeng toh? " Here, read these. Para malaman mo ang dahilan kung bakit kita gustong makausap. " bigla itong sumeryuso. Kinuha ko yung folder na inabot niya sa akin at saka binasa ang mga laman non. Hindi pa man ako nakakalahati sa pagbabasa nanginginig na ang kamay ko dahil sa mga nalaman ko. Shit! Imposibleng magawa yun nila mama sa akin. Mahal nila ako kaya alam kung hindi nila magagawa ang ganung bagay sa akin. Kilala ko sila mama, alam kung hindi sila gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan. " T-thats not true. " nanginginig kung sabi sa kanya. Mapakla naman siyang ngumiti sa akin. " Alam ko ang nararamdaman mo, Ms. Madison. Pero sa ayaw mo man o sa hindi yun ang masusunod. Dahil nakapirma na dyan ang mga magulang mo at hindi na magbabago yun. Pero kung ayaw mo naman, okay lang naman din sa akin. Pero kailangan mo paring bayaran yung perang hiniram ng mga magulang mo sa amin. " sabi nito. " Paano kung hindi namin mabayaran yung pera? " tanong ko sa kanya. " Wala kanang magagawa kundi sundin ang nakasulat dyan. " seryuso nitong sabi. Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bakit ba kailangan pa ng ganito? Akala ko maayos na yung buhay ko dahil wala ng problema. Pero ano tong nangyayari ngayon? Bakit nangyari pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD