Gabi ng makarating ako sa bahay, hindi kaagad ako umuwi kanina dahil sa nangyari. Kailangan ko kasing magpahangin muna para mabawasan yung sakit ng ulo ko dahil sa nalaman ko. Hindi parin kasi matanggap ng utak ko na magagawa yun nila mama sa akin.
Pagpasok ko sa loob ng bahay, napansin ko si kuya sa may salla na na nanunuod ng T.V. Napatingin naman ito sa akin at sobrang talim yung tingin niya na para bang may masama akong ginawa?
Pero hindi ko pinansin yung mga tingin niya sa akin. Diretso lang yung lakad ko papalapit sa kanya saka niyakap siya ng mahigpit.
Alam kung nagulat siya sa ginawa ko.
" O-okay ka lang Mandy, may problema ba? " nag-alalang tanong niya sa akin.
Lumayo naman ako sa kanya saka diretsong tiningnan siya sa mga mata.
" Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Kuya. Minahal ba ako nila mama at papa? Mahal ba talaga nila ako? "
Ang kaninang luhang pinipigilan, ngayon unti-unti ng nag-uunahan sa paglabas. Hindi ko talaga kasi matanggap yung mga nabasa ko kanina. Hindi naman sa galit ako kina mama. Pero bakit? Bakit nila yun ginawa sa akin.
" A-ano bang pinagsasabi mo dyan, Mandy. Of course! Mahal ka nila mama at papa. Minahal ka nila higit pa sa buhay nila. " sabi ni kuya sa akin.
" Pero bakit nga Kuya. Bakit nila nagawa yun sa akin? Pakiramdam ko tuloy, ibininta nila ang sarili nilang anak. " galit kung sabi sa kanya.
" W-what do you mean? " naguguluhang tanong niya sa akin.
Ibinigay ko yung folder sa kanya na kanina ko pa hawak. Nagtataka man, pero kinuha niya parin sa akin yung folder saka agad binasa yung mga nilalaman non. Tiningnan ko yung reaksyon ni kuya habang binabasa yung papel na hawak niya. Pero tulad ko, ganun rin ang reaksyon niya. Nagulat din siya sa mga binasa niya.
Inilagay niya yung folder sa mesa saka tumingin sa akin.
" Alam mo ba kung bakit nagawa yun nila mama, Kuya? " tanong ko sa kanya.
Napabuntong hininga si kuya, bago sinagot yung tanong ko sa kanya.
" Dahil yun sayo, Mandy. Dahil sayo kung bakit nakahiram ng ganun kalaking halaga sila Mama at gawin ang bagay na yun. " seryuso nitong sabi.
" D-dahil sa akin? " nagtataka kung tanong sa kanya.
" Natatandaan mo ba yung mga panahong malapit kanang mamatay ng dahil sa sakit mo? "
Tumango naman ako sa kanya. Paano ko yun makakalimutan, e halos ikamatay ko yung sakit ko. May asthma ako non, at yun din ang muntik ko ng ikinamatay. Ang kulit kasi e, kaya ayun hinika ang ate niyo.
" Natatakot kami nina Mama na mawala ka sa amin. Kaya napagdesisyunan nila Mama na humiram ng pera para sa panggagamot sayo. Mahal na mahal ka namin Mandy at ayaw ka naming mawala sa buhay namin. " seryuso nitong sabi sa akin.
" E, bakit nagawa nila Mama yun sa akin Kuya? " nagtataka ko paring tanong sa kanya.
" Ang totoo nyan, napagsunduan nila Mama na babayaran yung perang hiniram nila. Pero ang mga Suarez mismo ang nagsabi na kapag hindi nila nabayaran ang perang hiniram nila- "
" Ako yung kapalit? " pagtatapos ko sa sasabihin niya.
Tumango naman si Kuya sa akin. Mukhang wala na akong magagawa at kailangan tanggapin kung ano ang magiging kapalaran ko.
" Magpapahinga muna ako. " pagpapaalam ko sa kanya.
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Tumayo na ako at pumasok sa loob ng kwarto ko. Pagdating ko don, pabagsak akong humiga sa kama at nakatulalang nakatingin sa may kawalan.
Nakakainis naman kayo Mama, Papa. Nawala nga lang kayo, nang-iwan pa kayo ng problema. Hindi ba pwedeng bago kayo nawala, inayos niyo muna?
Alam ko namang ginawa niyo yun para sa akin, kaya nagpapasalamat parin ako sa inyo, Ma, Pa. Dahil ginawa niyo ang lahat, mabuhay lang ako. Pero Ma, saan naman kami kukuha ng ganung kalaking halagang pera ni kuya. Isang million nga wala kami, limang million pa kaya? Malaki kaya yun, ang sakit niyo talaga sa ulo.
* Someone POV *
Naglalakad ako sa malapit sa may park ng maramdaman kung may sumusunod sa akin. Hindi lang isa kundi, dalawa sila. Gabi na at wala na masyadong tao dito, kaya malaya kung patayin ang taong kanina pa sumusunod sa akin. Mas mabuti na yung unahan mo sila, kaysa sa ikaw yung uunahan nila. Lumusot ako sa madilim na eskinita ng mapagtanto kung dead end na pala yun.
Napabuntong hininga nalang ako at hinintay ang dalawang taong kanina pa sumusunod sa akin.
" Anong kailangan niyo sa akin? " tanong ko sa kanila ng maramdaman ko yung pagdating nila.
Hindi ko sila makita dahil sobrang dilim dito at ganun rin sila sa akin. Pero alam ko, pareho namin alam kung nasan kami dahil nararamdamam namin ang presensya ng bawat isa sa amin. Alam ko namang hindi sila magpapadala ng mga pipitsuging tauhan para tugisin lang ako. Dahil ang mga nasa harapan ko ngayon ay mga assassin.
" Sumama ka sa amin! " sabi ng isa sa kanila.
" Pano kung ayaw ko? " matapang ko namang sagot sa kanila.
" Wala na kaming magagawa kundi idaan sa dahas para sumama ka lang sa amin. " sabi nong isa sa kanila. Kasabay nong pagtapon niya ng shuriken sa akin.
Tumalon ako gamit yung pader papunta sa likuran nilang dalawa. Kasabay non ang pagkuha ko ng baril sa may likod ko kasabay ang pagbaril sa taong tumapon sa akin ng shuriken. Kahit hindi ko nakikita, alam kung natamaan ko siya. Hindi sa katawan lang, kundi direkta sa puso niya.
" One down. " nakangisi kung sabi.
" s**t! " rinig kung mura sa natira.
Napaalerto ako ng tumakbo siya papunta sa deriksyon ko. Nakiramdam lang ako sa gagawin niya.
Agad akong napaiwas ng inilihis niya yung espada niya papunta sa direksyon ko. Alam kung malapit lang siya sa akin at nasa harapan ko lang siya. Kaya sinipa ko siya sa tyan niya na ikinadaing niya. Napunta ako sa likuran niya, at bago pa siya makabawi sa sakit. Tinutok ko yung baril sa ulo niya.
" Say bye bye to the world. " malamig kung sabi kasabay non ang pagputok ko ng baril sa ulo niya.
Ibinalik ko yung baril sa likuran ko at lumabas na sa eskinita na parang wala lang nangyari. Rinig ko namang may mga pulis na paparating doon. Hindi na talaga magbabago na laging huli ang mga pulis pagdating sa trahedya.
Napatigil ako sa paglalakad ng may kotseng tumigil sa harapan ko. Napatingin naman ako ng bumukas ang bintana ng kotse.
" Kamusta. " nakangiting sabi nong driver.
Napangiti naman ako saka sumakay sa kotse niya. Pinaandar niya naman ito pagkaupo ko sa loob.
" Anong meron don. " tanong niya sa akin ng madaanan namin yung eskinita na pinaguguluhan ng mga pulis.
" May dalawang hayop lang ang namatay. " bagot kung sabi sabi sa kanya.
Napangiti nalang siya sa sinabi ko. Alam ko namang nakuha niya ang ibig kung sabihin. Mga ilang minuto naming pagbabyahe, nagtataka ako dahil huminto kami sa tapat ng restaurant.
" Anong gagawin natin dito? " nagtataka kung tanong sa kanya.
" May importante tayong pag-uusapan. Yun ay kung papayag ka sa sasabihin ko. " sabi nito bago lumabas ng sasakyan.
Nagkibit balikat lang ako saka sumunod sa kanya papasok sa loob ng restuarant.