* Hell POV *
Isang linggo kong pinag-isipan yung sinabi sa akin ng kaibigan ko. At hindi ko alam kung papayag ba ako sa alok niya. Hindi kasi madili yung inoffer niya.
Okay naman siya dahil alam kung matutulongan ako non. Kaya nga lang, ang hirap ng pinagagawa niya.
" Ang lalim yata ng iniisip mo? " sabi sa akin ni B.A na katabi ko.
" Iniisip ko parin kasi yung pinag-usapan namin ni Knight. " sabi ko sa kanya.
" Kung ako sayo Hell pumayag kana. Tutal kailangan mo ngayon ng pera diba? " sabi nito sa akin.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga no, kung tatanggapin ko yung inaalok niya sa akin, siguradong masosolve na ang problema ko. Pero inaalala ko yung kapatid ko, baka hindi siya pumayag sa gagawin ko.
Pareho kaming napaalerto ni B.A. ng may limang tao ang sumusunod sa mag-asawang binabantayan namin. Inutosan kasi kami ng kaibigan namin na bantayan ang mag-asawang to. Dahil alam niyang kahit anong oras may mangyayaring masama sa mga ito.
" Humanda kana susugod tayo. " sabi ko sa kanya na ikinatango niya lang.
Inihanda ko yung mga baril ko at isang baril na hawak ko ay kinasa ko na, saka tumayo sa pinagtataguan namin. Ganun rin si B.A. na may mga dalang kunai at shuriken, idagdag mo pa yung espadang nakalagay sa likuran niya.
Sa lahat ng mga armas, dyan magaling sa paghawak si B.A. Kahit ano mang uri ng mga sandata. Ako naman, magaling ako ibat-ibang uri ng baril mapashot gun man yan o calibre. Kaya naming gumamit ng kahit ano mang klaseng sandata. Pero mas magaling kami sa mga nakasanayan na naming gamitin.
Dahan-dahan kaming umalis sa kinaruruunan namin ni B.A. sa katunayan nga pareho kami ng suot. Ang nag-iba lang ay yung kulay. Lahat ng suot ko ay red, at sa kanya naman ay black.
" Lets go! Para matapos na to. " sabi niya sa akin.
Sinuot na namin yung mask namin na kita lang yung mata namin. Kaya nga lang mas nakakakot kapag kay B.A ka tumingin. Sigurado kasing mapapatayo yung mga balahibo mo dahil sa mga mata niya na reddish. Pero kahit ganun ang ganda niya parin. Kaya nga nainlove sa kanya si Knight e.
Inilagay ko sa likuran ko yung isang baril na hawak ko. At yung dalawa naman ay sa may hita ko. Si B.A naman inilagay niya yung dagger sa tagiliran niya na kanina niya pa pinaglalaruan. Saka kami lumapit doon sa limang lalake na kanina pa naghihintay na lumabas yung mag-asawa sa bahay nila. Pero bago pa mangyari ang binabalak nila. Kami muna ang tatapos sa kanila.
" Kawawa naman ang mag-awasang yan kung papatayin niyo lang na walang kalaban-laban. " malamig na sabi B.A na ikinalingon nila sa amin.
Nang makita nila kami, pare-pareho yung mga reaksyon nila. Gulat na gulat ng makita nila kami.
" Bakit kaya hindi kami yung kalabanin niyo? " nakangising sabi ko sa kanila.
Pagkasabi ko non, isa-isa naman silang sumugod sa amin. Lima laban sa dalawa, sino kaya ang mananalo sa amin?
Sinipa ko yung isang lalakeng lumapit sa akin bago niya pa ako matamaan sa dala niyang kunai. Kasunod yung pagsuntok ko sa isang lalake na nasa likuran kuna.
Parang hindi naman yata kami mapapawisan nito, ang hihina e. Hindi pa nga namin nabibigay ang lakas namin, tumba na agad? Paano nalang kaya kung magseryuso kami. Baka hindi umabot ng isang minuto patay na sila. Ito ba yung sinasabi nilang magagaling na tauhan nila,bmga walang binatbat nga sa amin to.
Agad akong napailag ng may naramdaman akong papalapit na bagay sa akin.
" Ang hot mo naman masyado. Nagmamadali kaba sa kamatayan mo? " nakangisi kung sabi sa kanya.
Mas lalo akong natuwa ng makita ko yung takot sa mukha niya.
Duwag!
" Edi padaliin natin. " nakangisi ko paring sabi sa kanya.
Kasabay non ang pagkuha ko ng baril sa likod ko at binaril yung walanghiyang taong nagtapon sa akin ng shuriken.
" One down. " nakangiti kung sabi ng sapul yung bala sa ulo ng taong binaril ko.
" Pinapadali mo naman yung laban, nag-uumpisa palang ako eh. " reklamo sa akin ni B.A.
" Shut-up! May pasok pa ako bukas. Kaya kailangan tapusin na ang mga tarantadong toh. " inis ko namang sabi sa kanya.
" Sabi mo eh. " pagsang-ayon niya naman sa akin.
" Pucha! " biglang sambit ko.
Ang satsat kasi ng babaeng to, yan tuloy kami ang naunahan.
Pareho kaming napaiwas ng barilin ng mga tarantadong to. Mabuti nalang mabilis kaming umilag at kumilos. Kung hindi tadtad siguro kami ng mga bala ngayon.
Nagtago ako sa may puno para hindi ako matamaan ng bala. Mukhang mahihirapan ako dito ha. Isa laban sa dalawa at parehong may mga baril pa. Kailangan ko na sigurong magseryuso ngayon.
Ibinalik ko sa likod ang baril na hawak ko, dahil ubos narin ang bala sa pagpapalitan ng mga putok namin. At kinuha yung isa kung baril sa may hita. Napatingin ako sa kanan na nagpapalit na ngayon ng bala at sa kaliwa ko naman na sa palagay ko mauubusan na rin ng bala. Kaya kinuha ko ang pagkakataon para pabagsakin ang nasa kanan ko.
Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kinaruruunan niya at siya naman, natataranta sa paglagay ng bala ng makita niya ako papalapit sa kanya. Nang matapos niya ng ilagay ang bala, agad niya namang itinutok sa akin yung baril na hawak niya. Pero sorry siya, huli na ang lahat.
" Boo! " panggugulat ko sa kanya na nasa harapan niya ako.
Nagulat naman siya sa akin.
Kinuha ko na yung pagkakataon para mapatumba siya. Agad kung pinaikot yung kamay niya na may hawak ng baril papunta sa likuran niya. Idiniin kung mabuti ang pagbali ng kamay niya para mabitawan niya yung baril na hawak niya. Nang matagumpay ako na nabitawan niya yung baril. Babarilin ko na sana siya ng makalimutan kung may isa pa palang tukmol.
Napadaing nalang ako ng matamaan ako ng bala sa balikat. Tumingin ako sa deriksyon niya. Mas lalo namang uminit ang ulo ko ng ngumisi pa siya sa akin. Kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa kinarurounan niya, habang umiiwas sa mga balang pinapaputok niya sa akin. Agad kung binunot ang isa ko pang baril sa may hita ko ng malapit na ako sa kanya. Pero bago ko siyang tadtadin ng mga magaganda kung bala. Sinipa ko yung kaliwang kamay niya na may hawak na baril, kaya tumilapon ang baril sa kung saang lupalop mang yun. Ngumisi ako sa kanya ng makita ko yung gulat at takot sa mga mukha niya.
" Say goodbye to the world. " sabi ko at tinadtad siya ng bala.
Hindi ako tumigil hanggat hindi maubos ang mga bala ko, at hanggat hindi siya makitang naliligo sa sarili niyang mga dugo. Saka lang ako huminto ng maubos lahat ng mga bala sa baril. Halos hindi na makilala ang itsura niya, dahil sa mga butas na gawa ng bala ko. Kahit sino masusuka, kapag makita yung ayos niya ngayon.
Nang masatisfy na ako sa ginawa ko sa kanya. Lumingon ako sa lalakeng binalian ko ng kamay, nasa ngayon naliligo na sa kanyang sariling pawis. Idagdag mo pang namumutla na yung mukha niya.
" Ang swerte mo naubos ang bala ko sa kasama mo. Kaya magpasalamat ka sa kanya. " sabi ko.
Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ko. Pumapasok sa ganitong sitwasyon takot naman palang mamatay. Kung pumapatay ka, dapat nakahanda ka ring mamatay.
" I count of three. Dapat wala kana sa harapan ko. Kung hindi, yung kasama ko ang papatay sayo. " seryusong sabi ko sa kanya.
Hindi pa nga ako nagsisimulang bumilang ng tumakbo na siya. Napatawa nalang ako ng ilang ulit siyang dumapa, dahil sa pagiging taranta niya sa pagtakbo. Pero hindi pa man siya nakakalayo sa amin ng napahiga na siya sa semento.
" Oops! Nakalimutan ko. May baril pa pala ako. " nakangiti kung sabi, habang hawak ko yung baril na nakatago sa boots kung suot.
Napatingin naman ako kay B.A na kanina pa tapos sa dalawang kalaban niya. Kaya kanina pa siya nakatingin sa akin.
" Grabe ka naman, hindi ka man lang naawa sa kanya. " sabi nito.
" Ikaw ba may awa? " sarcastic na sabi ko sa kanya.
Mas grabe nga yung ginawa niya kaysa sa akin. Kung titingnan mas nakakasuka nga yung ginawa niya, sa akin tadtad lang ng bala. Eh, sa kanya? Labas lahat ng mga lamang loob sa katawan. Hiwa-hiwalay din yung mga parts ng katawan nito. So! Sinong walang awa sa amin?