Chapter 10

1283 Words
* Jaysen POV * " Sir sorry po. Hindi ko naman po sinasadya na mataponan kayo. " pagmamakaawa sa akin ng empleyado. " Get out! " galit kung sabi sa kanya. " Pero, Sir- " " I said GET OUT! At ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo. Naiintindihan mo?! " galit kung sigaw sa kanya. Kita ko naman yung pamumutla sa mukha niya. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang itchura niya. Alam na nila kung paano ako magalit. Kaya dapat ginagawa nila ng maayos ang trabaho nila. " Sir, maawa na po kayo. Huwag niyo po akong sisantihin. Kailangan ko po ang trabahong to, kailangan po ako ng pamilya ko. " pagmamakaawa nito sa akin. Hindi ko siya pinansin, sa halip tinawagan ko yung secretary ko. " Yes Sir? " " Call the bodyguard to get this f-cking moron in my office. " sabi ko at binaba yung telepono. Tumalikod ako sa desk ko habang hinihintay na umalis yung tangang empleyado ko. Narinig ko namang bumukas yung pinto ng opisina at yung pagmamakaawa ng empleyado na huwag siyang paalisin dito sa kompanya. Ng wala ng maingay sa opisinasaka lang ako humarap sa desk at hinilot yung sinsitibo ko ng maramdaman ko ang pananakit nito. Marami akong ginagawa ngayon at kasalanan niyang dumagdag pa siya sa problema ko. Isa pa sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung sinong babaeng magpapanggap bilang asawa ko. Dahil hanggang ngayon hindi parin nagtetext sa akin ang pinsan ko kung ano na ang balita sa babaeng sinasabi niya sa akin. Speaking of that guy sa wakas tumawag na rin siya. Agad ko namang sinagot yung tawag niya. " Anong balita? " agad kung tanong sa kanya. " Nagmamadali kaba? Ikaw na nga yung tinutulongan,.ikaw pa yung galit? " inis nitong sabi sa akin. Natahimik naman ako sa sinabi niya at kinalma yung sarili ko. " So! Kamusta na, napapayag mo ba siya? " tanong ko sa kanya. " Yeah! She accept the offer. " sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya. " Good! So, kailan ko siya mamemeet? " " Siya mismo ang magsasabi kung kailan kayo magkikita at hindi ako. " galit nitong sabi at binabaan ako. Bastos talaga ang lalakeng yun. Napasandal ako sa upuan saka ipinikit ang mga mata. Mabuti naman naayos niya na. Kung hindi, hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng matinong babae. Sana naman magaling umacting yung kaibigan niya. Yung mapapaniwala talaga si Mommy na totoo kaming mag-asawa. Para hindi kami mabuking. * Hell POV * Matapos kung mag-out sa tinatrabahuan ko. Tinext ko si Knight na gusto kung makausap at makilala yung lalakeng sinasabi niya sa akin. Sabi ko rin sa kanya na sa penthouse niya kami magkikita. Meron naman akong susi sa penthouse niya. Tinanggap kuna kasi yung alok niya sa akin, dahil mukhang yun nalang ang tanging solusyon para masolve ang problema ko. Pagkarating ko sa penthouse niya, dumireto ako sa kusina niya at agad na nagluto doon. Nagutom kasi ako, kaya nagluto nalang ako ng kanin tsaka adobong baboy. Hindi naman magagalit sa akin ang lalakeng yun, dahil sanay na yun sa akin na pumupunta dito. At yung jowa niya, alam niya rin na pumupunta ako dito. Hindi ko naman kasi aagawin ang syota niya no. Dahil magkaibigan lang kami ni Knight. Matapos kung magluto at kumain, hinugasan ko naman yung pinagkainan ko. At nanuod ng T.V, habang hinihintay ang mga yun. Palipat-lipat lang ako ng channel, dahil wala akong makitang magandang palabas. Kung meron, sobrang O.A naman ang mga umaacting. Napatingin ako ng bumukas yung pinto ng penthouse. Una kung nakitang pumasok si Knight. Pero ang umagaw talaga ng atensyon ko ay yung lalakeng nasa likuran niya. Nagulat pa ako ng makita ko ang pagmumukha ng walang modo na yun. " Kanina kapa? " tanong sa akin niya sa akin. Pero sa halip na sagutin ko siya, sinamaan ko ng tingin yung taong nasa likuran niya na gulat din ng makita ako. " Bakit kasama mo yan? " inis kung tanong sa kanya. " What? Magkakilala ba kayo? " nagtatakang tanong nito sa akin. " Hindi! Pero bakit mo siya kasama? " inis ko paring sabi sa kanya. " Dahil siya yung sinasabi ko sayo. " inis na rin nitong sabi. " S-sya? " gulat kung sabi. Tumango naman siya sa akin. Napatingin naman ako sa lalakeng nasa likuran niya. Mas uminit yung ulo ko ng nakangising nakatingin sa akin ang bastos na yun. " Nagbago na ang isip ko. " sabi ko sabay kuha ng bag ko, at umalis sa penthouse niya. Narinig ko pa yung pagtawag niya sa akin. Pero dire-diretso lang ang lakad ko at hindi lumingon sa kanila. Kahit na mamaus pa siya kakatawag sa akin wala akong pakialam! Kung alam ko lang na yung bastos na lalake pala ang tinutukoy niya, edi sana hindi nalang ako pumayag. Hahanap nalang ako ng ibang trabaho na malaki yung sahod. Kaysa tanggapin yung alok ng monster niyang kaibigan. At sakto namang paglabas ko ng penthouse niya ay may tumawag sa akin. Pero unknown number lang? " Hello? " " Long time no see Mandy aka. Hell. " sabi naman nito na siyang ikinanuot ng noo ko. " Whose this? " " Its me, David. " sabi naman nito. " I heard na nangangailangan ka daw ng pera ngayon? " dagdag pa nito. " E, ano naman ang pakialam mo? " inis kung sabi dito. Wala ako sa mood ngayone, dumagdag pa siya! At hindi rin ako masaya na tumawag siya ngayon. Hudas din kasi ang isang to e. " Easy. Kaya ako tumawag sayo dahil gusto kitang tulongan. May ipapatrabaho lang kami sayo. 100k ang ibabayad sayo kapag nagawa mo yun. " Napatigil naman ako sa sinabi niya at napaisip. 100k? Hindi parin yun sapat, pero malaking bagay na rin yun para pangbayad utang namin. " Anong klaseng trabaho? " tanong ko na alam kung ikinangisi niya. " Yan ang pag-uusapan natin. " sabi nito at pinatay na yung tawag. Maya-maya lang, nagtext ito ng address na kung saan kami magkikita. * Jaysen POV * " Nagkita na ba kayo ng kaibigan ko? " tanong sa akin ng pinsan kung si Andrew. " Siya yung sinasabi ko sayong muntik ko ng masagasaan. " sabi ko naman sa kanya. Gulat naman siyang napatingin sa akin, pero agad ding nawala yung pagkagulat sa mukha niya. Akala ko magagalit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kaibigan niya. Pero nagtaka ako ng bigla siyang ngumisi sa akin. " Hindi na ako magtataka kung bakit ganun nalang ang inis non sayo. " sabi nito. " Ano ba ang buo niyang pangalan? " tanong ko sa kanya. " Bakit interesado ka? " nakangisi nitong sabi sa akin. Binato ko nalang siya ng unan na nasa tabi ko, na ikinatawa niya lang. Hindi ko papatulan ang babaeng yun, baka pahamak lang yung dala niya sa buhay ko. " Saan kana hahanap ngayon ng magpapanggap bilang asawa mo? " tanong niya sa akin " I don't know. " sabi ko sa kanya. Hindi ko naman talaga alam kung saan ako hahanap ngayon. Akala ko masosolve na ang problema ko sa paghahanap ng asawa, hindi pa pala. Bakit yun pa kasing babae na yun ang naging kaibigan ni Andrew. Pwede namang ibang babae ha, edi sana wala na akong problema ngayon. " Paano kung hindi ka makakahanap ng mapapangasawa mo? " tanong ni Andrew sa akin. " Edi idaan sa dahas yung kaibigan mo. " nakangisi kung sabi sa kanya. " Siguraduhin mo lang na hindi siya masasaktan. " sabi nito. Kung kailangan idaan sa dahas yung kaibigan niya, gagawin ko ang lahat. Makuha lang ang gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD