Chapter 11

1276 Words
* Mandy POV * Weekend ngayon kaya ito ako mag-isang naglalaba Gusto sana itong ipalaundry na lang Kuya, pero hindi ako pumayag dahil kaya ko naman. Hindi sa wala akong tiwala sa pagpaluandry. Baka kasi hindi maayos yung paglalaba nila at baka may mga mantsa pang maiwan at hindi matanggal yung baho, kaya sayang lang din yung ibabayad. Mas mabuti pang iipon ko nalang yun dagdag rin yun sa ipangbabayad ko no. Sa kalagitnaan ng paglalaba, iniisip ko parin yung trabahong ibinigay sa akin Dave. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba yun? Dahil kapag tinanggap ko yun at ginawa ang trabahong yun, may pamilyang mawawalan ng minamahal sa buhay. At kapag hindi ko naman yun tinggap? Ako naman yung magiging kawawa, idagdag mo pang makukulong si kuya kapag hindi kami makakabayad! Nakakainis talaga! Bakit ba kasi nangyayari sa akin to?! Tanghali na ng matapos akong maglaba kaya kumain na ako. Medyo marami nga ang nakain ko dahil kanina pa ako agahan hindi kumakain. Kapag kasi nakapagsimula na akong magtrabaho hindi na ako makaramdam ng gutom. Makakain lang ako kapag tapos na lahat ng trabaho ko. Kaya tuwing tanghalian asahan muna na marami ang makakain ko. Matapos kung kumain at hugasan yung pinagkain ko. Pumasok ako sa kwarto at natulog, sumakit kasi yung katawan ko idagdag mo pang marami akong ginawa nong mga nakaraang araw. Napagising ako ng tumunog yung phone ko malapit sa bed side table ko. Tiningnan ko yung wall clock at nanlaki yung mata ko ng makitang malapit na palang mag-alasingko ng hapon. Nagmamadali naman akong bumangon at sinagot yung tawag. " Hello! Who's this? " tanong ko sa kabilang linya. Unknown number kasi yung nakalagay sa screen ng phone . Kaya malamang sa malamang, hindi ko kilala yung tumatawag sa akin. " This is Mrs. Salvador. Can I talk to Ms. Madison? " Patay! Lagot talaga ako nito, ilang araw pa nga lang ako nagtratrabaho doon. Tanggal na agad? " Y-Yes, Ma'am! Sorry po. Nakatulog po kasi ako. " kinakabahan kung sabi sa kanya. " It's okay! But you need to arrive today, because we have so many customers here. " mahinahon nitong sabi. " Okay Ma'am! 5 minutes, nandyan na po ako. Thank you na din po. " sabi ko sa kanya. " Good! " sabi nito at binaba yung tawag. Nagmamadali naman akong pumasok sa may banyo saka nagligo. Mabuti nalang mabait yung amo namin, kung hindi baka matagal niya na akong sinasante. Matapos kung magbihis at mag-ayos ng sarili. Patakbo naman akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para maiwan ng note kay Kuya. Pagkatapos non, umalis na ako ng bahay. Alam naman ni Kuya na nagtratrabaho ako, kailangan kasi naming magtulongan para maipunan namin yung perang hiniram nila mama. At para na rin hindi ako mapunta sa kanila. Nang makarating ako sa MnM, dumeritso ako sa may kusina at doon nakita ko si Madam na busy sa pagluluto. Lumapit naman ako sa kanya. " Ma'am, sorry talaga kung late ako. " sabi ko sa kanya, kaya napatingin naman siya sa akin. " It's okay! But make sure na hindi na ito mauulit. " sabi nito sa akin. " Makakaasa kayo, Ma'am. " sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito at tumango. Ako naman, nagsimula ng magtrabaho, serve dito, serve doon at kumukuha din ng mga order nila. Nakakaireta nga yung mga customer na ang tagal pumili ng mga order nila. Pero in the end, iisa lang pala ang oorderin nila. Ang sarap nga nila sapakin kung hindi lang sila customer. Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang rami ng kumakain dito. Ang sarap kasi ng mga luto, lalo na kung si Madam ang magluluto ng mga order nila. Sulit ang pera mo kahit na ang mahal ng mga paninda nila. Pareho kaming napatingin sa labas ng makarinig kami ng ingay mula dito. Ganun nalang ang pagkakunot ng noo ko na parang may nagaganap ng rambulan sa labas. Nakita ko namang pinipigilan sila ng mga guards. Pero hindi nagpapigil ang mga ito. " Oh! My! Ghad! Baka makapasok sila sa loob at madamay tayo. " takot na sabi ng isa mga customer namin. Napatingin naman ako sa iba pa naming customer, mukhang takot rin sila sa nangyayari mula sa labas. Bakit pa kasi dito pa nilang naisipang mag-away. Pwede namang sa ibang lugar diba? Dahil nga curious ako sa nangyayari mula sa labas. Lumabas ako kahit na pinipigilan ako ng mga guards na bawal lumabas, dahil baka madamay lang ako sa gulo nila. Sa palagay ko, mukhang mga grupo ito ng mga kabataan na sadyang naghahanap lang talaga ng gulo. May ibang pumipigil sa kanila pero pinagsusuntok lang din nila. Kaya wala ng may magtangkang lumapit pa sa kanila dahil na rin sa takot. Napatingin ako sa lalakeng may pulang buhok ng may kinuha siya sa tagiliran niya. At alam ko na kung ano yun. Bago pa siya makagawa ng kasalanan at pagsisihan niya sa huli. Mabilis aking lumapit sa kanya at pinigilan ang kamay niyang may hawak na maliit na kutsilyo. Gulat naman siyang napatingin sa akin maging yung mga tao ay napasinghap sa nakita nila. " Bawal sa mga batang gumagamit ng delikadong bagay. " sabi ko at mabilisang kinuha sa kamay niya yung hawak niya. Saka umalis sa harapan niya. Okay lang na magrambulan sila, pero ang gumamit ng delikadong bagay? Ibang usapan na yun. " Pakialamera ka! " rinig kung sabi nito. Bago niya pa ako masuntok mula sa likuran. Napaiwas naman ako, dahilan para mapasubsob siya sa lupa. Agad naman siyang tumayo at sinugod ulit ako. Suntok doon, sipa dito, pero kahit anong gawin niya, hindi niya ako kayang tamaan. Hindi siya ganun kahusay para matamaan ako sa mga suntok niya. Naramdaman kung may papasugod sa akin mula sa likuran ko. Kaya sinipa ko siya mula sa likod. Hanggang silang lahat na ang sumugod sa akin. Mukhang ako yata ang naging kalaban nila ngayon? Nagkampihan ba naman ang kaninang magkaaway na grupo, para sugurin ako. Anim laban sa isa? Let see kung sino ang matatalo sa atin. Sipa at suntok lang ang ginawa ko sa kanila. Minsan nga umiiwas lang ako. Hindi naman kasi pwedeng gamitan ko sila ng lakas no. Mga kabataan pa naman to, baka mapatay pa sila ng wala sa oras. Tumigil lang ako ng makita ko sa kanilang mga mukha na hindi na nila kayang lumaban pa. Kita mo din na nahihirapan na sila. " Ang hihina niyo para kalabanin ako. Yan lang ba ang kaya niyong ibigay sa akin? Nasaan na yung mga tapang niyo. " seryusong sabi ko sa kanila. " Sino ka ba? Bakit nangingialam ka sa amin. " galit na sigaw ni red hair. " Loko ka pala e. Paano ako hindi mangingialam sa inyo e dito kayo gumagawa ng gulo sa harap ng restaurant. Hindi niyo ba alam na mababawasan kami ng customer dahil sa inyo! Kaya sa susunod na gumawa kayo ng gulo, huwag dito! " galit kung sigaw sa kanya. Pero mukhang hindi yata magpapatalo si Red hair. Tama bang tumayo uli at sumugod sa akin. Pero bago pa siya makalapit sa akin, may pumalo na sa likod niya dahilan para mawalan siya ng malay. Napatingin naman ako sa taong gumawa non. Ganun nalang ang panglalaki ng mata ko ng makita ko ang seryusong mukha ni Madam. " M-Ma'am? " kinakabahan ko namang sabi. Seryuso naman siyang napatingin sa akin. " In my office. Now! " sabi nito at tumalikod tsaka naglakad papasok sa loob ng restaurant. Patay na naman ako nito. Pangalawang kasalanan ko na ngayong araw. Bakit ba kasi dito sila nag rambulan?! Nadamay tuloy ako sa gulo nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD