* Mandy POV *
Nagising ako ng tumunog yung alarm clock na nakapatong sa bedside table. Saka nag-unat ng kamay, pero pag-unat ko may natamaan ako malapit sa ulohan ko. Kaya kunot noo kung kinuha yun, at pagkakita ko kung ano yun, biglang lumaki yung mata ko dahil ang paboritong kung stuff toy na si spongebob ay nasa kamay ko na ngayon. Niyakap-yakap ko pa yun ng mahigpit bago ako umalis sa kama at dumiretso sa may banyo.
Pagkatapos ng daily routine ko sa umaga. Agad akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina at doon nakita ko si kuya na nagkakape. Agad akong lumapit sa kanya sabay yakap at hinalikan siya sa pisngi.
" Good morning kuya. " nakangiti kung sabi sa kanya.
Umupo ako malapit sa kanya at saka kumain na rin.
" Mukhang ang ganda ng gising mo ha. " sabi nito sa akin.
Inubos ko muna yung kinakain ko, bago siya sinagot.
" Syempre! Ang ganda ng pasalubong mo sa akin kagabi e. Kaya thank you kuya. " masaya kung sabi sa kanya.
Napangiti naman siya inasal ko. Matapos kung kumain nagpaalam na ako sa kanya na aalis. Hindi na ako sumabay sa kanya dahil mamaya pa yun papasok sa trabaho niya.
Lumakad ako papunta sa may kanto para doon maghintay ng masasakyan. Tumawid na ako sa kabilang kanto pero mabilis akong kumilos para maiwasan ko yung sasakyan na sobrang bilis ang pagpatakbo. Matatamaan niya sana ako kung hindi ako mabilis umiwas.
" s**t! " sabi ko nalang dahil sa sobrang gulat.
Napatingin ako doon sa sasakyan ng huminto yun sabay tingin sa may pinto ng bumukas yun at iniluwa ang isang lalakeng parang isang anghel. Parang anghel nga pero suplado naman yung mukha.
" Hindi kaba marunong tumabi?! "
Nagulat ako dahil sa lakas ng sigaw niya. Tapos sobrang sama ng tingin niya sa akin.
Abat! Siya pa yung may ganang magalit, siya yung may atraso sa akin ha! Lumapit ako sa kanya at sinamaan rin siya ng tingin.
" Hoy! Mr. Unang-una, wala kang karapatang sigawan ako. Dahil wala naman akong kasalanan sa nangyari. Pangalawa! Hindi ko naman kasalanan kung bakit ang BILIS ng pagmaneho mo. Kaya huwag kang umasta na ikaw pa yung nadehado. Kung tutuusin nga pwede kitang kasuhan sa ginawa mo. " pagsermon ko sa kanya.
" I dont care! Hindi mo ba alam na nagmamadali ako? Kung hindi ka lang sana bulag edi sana nakita mo yung papalapit na sasakyan. At ng hindi ka dumagdag sa problema ko. " sabi nito saka ako tinalikuran at bumalik sa sasakyan niya saka ito minaneho paalis.
Wala talagang modo ang lalakeng yun. Hindi man lang marunong mag sorry. At ako pa talaga ang sinisisi niya? Ako na nga yung muntik masagasaan sa nangyari siya pa yung galit? Bwesit talaga ang lalakeng yun.
* Jaysen POV *
Pinaharurot ko na yung sasakyan papunta sa company. Pagkapark ko ng sasakyan sa parking lot. Agad akong bumaba at pumasok sa loob ng building saka sumakay sa elevator. Agad naman akong lumabas pagkabukas ng elevator, kasabay non ang pagtingin sa akin ng mga empleyado ko.
" Good morning Sir. " sabay nilang bati sa akin.
Deristso lang ang lakad ko at hindi na sila pinansin. May mas importante akong pagtuunan ng pansin kaysa sa kanila.
Dumiretso ako sa may conference room dahil may meeting pa ako. Sobrang late na nga ako dahil sa pesteng babaeng yun.
Deritso lang ang pasok ko at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sa akin.
F*ck! Those f*cking eyes. Wala silang karapatang magtanong sa akin kung bakit ako nalate. Ako ang boss sa kompanyang ito kaya wala silang pakialam kung malate ako.
Tumayo naman silang lahat ng makarating ako sa bandang unahan at sabay-sabay silang nag good morning sa akin. Tumango lang ako sa kanila saka sinimulan na ang meeting.
As far as I know, naging maayos ang meeting at presentation nila. Dahil kung hindi sisante silang lahat.
" First time mo yatang nalate ngayon ha. " sabi nong kaibigan ko na kakapasok palang ng opisina ako.
" What do you want? " seryuso kung tanong sa kanya.
" Relax Pare! Gusto ko lang naman malamam kung bakit ka nalate kanina? " tanong nito sa akin.
Isinara ko yung laptop saka sumandal sa upuan. Nang maalala ko yung nangyari kanina, bigla na naman uminit ang ulo ko.
" That woman. " nanggigil kung sabi.
" Babae lang pala, bakit parang gigil na gigl ka yata dyan? " natatawa nitong sabi sa akin.
Sinamaam ko siya ng tingin kahit na alam kung wala siyang pakialam kung titingnan ko siya ng masama.
" Muntikan ko na siyang masagasaan kanina. And that was so close. " sabi ko sa kanya.
" What?! Kamusta yung babae, okay lang ba siya? Dinala mo ba siya sa hospital? " gulat nitong tanong sa akin.
" Unfortunately, no! And I dont care what happened to her. Kasalanan niya kung bakit ako nalate kanina. Kung hindi lang sana siya tanga, hindi yun mangyayari sa kanya. " sabi ko saka ininom yung alak na nasa harapan ko.
" Ang lakas na talaga ng tama mo. " pailing-iling nitong sabi sa akin.
I dont care about that woman. At wala rin akong oras para kamustahin ang babaeng yun. Kasalanan niya naman ang nangyari.
*****
* Mandy POV *
Nakakainis maghintay sa mga taong sobrang tagal dumating. Tirik na tirik na ang araw pero hanggang ngayon wala pa sila. Ang usapan namin 8:30 kami magkikita dito sa may plaza. Pero anong oras na? Malapit ng mag 9:00 ng umaga pero wala pa sila. Tinawagan ko namam sila, pero pare-pareho lang yung mga sagot nila na malapit na sila. Pero tang*na lang! hanggang ngayon wala pa sila!?
Mga pinoy nga naman o.
Lumapit ako sa may bench para makaupo ng biglang tumawag sa akin si Janen.
" Nasaan ka? Nandito na ako sa plaza. " sabi nito.
Thanks God! May dumating din.
" Nandito ako may mga bench, nakaupo. " sagot ko naman sa kanya.
Maya-maya dumating na din siya at sunod-sunod naman nagsidatingan yung tatlo. Kaya kami nagkita-kita ngayon kahit na walang pasok dahil kailangan naming pag-usapan yung binigay sa amin na task ng aming prof. Kami parin yung lima ang magkagrupo. Ako si Janen, Jo-hie, Analy at si Mae. Para hindi kami magkailangan na lima.
" Ano na ang gusto nating pag-aralam na establishment para masimulan na natin. " tanong ko sa kanila.
" Okay! Ganito nalang. Sa bawat isa sa natin kailangan nating magbigay ng pangalan ng establishment na gusto natin. Tapos saka natin pagpilian. " suggest ni Analy.
Kaya nagkanya-kanya naman kami bigay ng mga pangalan ng mga establishment. Ito yung name ng mga pwede naming pag-aralan.
Hotel de Casa- isa sa mga kilalang hotel dito sa aming lugar at marami na rin itong mga branches. Dahil sa mga magandang serbisyong binibigay nila sa mga customer nila.
Tea Coffee- kilala bilang napakasarap na kape dito sa amin. Kaya patok na patok ito. Kahit na may kamahalan yung mga tinda nila. Marami na rin itong mga branches.
MnM- isang restaurant na ang nagmamay-ari ay isang sikat at astig na artista. Lahat ng luto nila ay ang sasarap lalo nat ang may -ari ang nagluto para sayo.
Raiders- isang kompanya na lahat ng tindang sasakyan ay mga imported. Buwan-buwan lagi silang may labas na bagong sasakyan. Cars, motorcycle o kung ano-ano pa.
Wala kaming gusto sa kanilang apat. Dahil masyado ng malawak ang kanilang negosyo. Kaya baka mahirapan pa kami sa pagstudy. Kaya ang pinila nalang namin ang Sweet Taste.
Sweet Taste- bago palang itong tayo sa aming lugar. Pero patok na patok na ito sa masa. Mga cake na ibat-ibang klase, brownies, cookies. At kahit ano pang matatamis na mga pagkain. Maliit lang yung store nila. Pero patok naman ito sa masa lalo nat sa mga okasyon.
" Okay na tayo sa Sweet Taste ha. Wala ng bawian. " sabi ni Janen.
" Kailan natin simulan? " tanong ko sa kanila.
" Kailangan muna nating gumawa ng letter para sa Sweet taste. " sabi naman ni Mae.
" Kaya na yan ni Mandy. "
Gulat naman akong napatingin kay Jo-hie ng sabihin niya yun.
" Bakit ako? " nagtataka kung tanong sa kanila.
" Galing ka sa SLU. Kaya keri munang gumawa ng letter. Ang talino mo kaya. "
Sumang-ayon naman silang lahat sa sinabi nito. Kaya wala akong na akong magawa kundi ang pumayag nalang..kahit na ayaw ko naman pagpipilitan parin nila diba?
Matapos naming pag-usapan ang tungkol sa requirements namin. Napagdesisyunan naman naming gumala sa mall. Total maaga pa naman para umuwi. Kaya susulitin na namin ang araw na toh.