Ikatlong araw ko na dito sa school at hindi parin ako nakauniform. Mamaya ko pa kasi yun kukunin, kaya ang suot ko ngayon na damit. Isang T-shirt na white na tamang-tama lang yung laki sa akin, fitted jeans na black. At isang pares ng black sneakers.
" Mandy may assignment kana? " napatingin ako sa katabi kung si Jo-hea.
Siya yung una kung nakilala nong unang araw ko dito. Sino ba naman kasi ang hindi makakilala sa kanya e ang daldal niya.
Tumango naman ako bilang sagot saka binigay ko yung assignment ko sa kanya. Alam ko naman kasi ang gusto niyang iparating. At alam ko din kung ano ang routine ng mga estudyante kapag may assignment. Magkokopyahan!
Iisang tao lang yung pinacopy mo pero maya-maya kakalat na yung assignment na sinagutan mo. Hanggang sa iisang sagot nalang kayo. Tumigil lang sila sa kakacopy ng dumating na yung prof namin.
Nag pray muna kami bago magsimula. Pagkatapos non, nagsalita na yung prof namin ng kung ano-ano na hindi ko naman maintindihan. Kunwari nakikinig lang ako sa kanya kahit na gusto ko ng lumabas ng room.
Pagkatapos non nagsalita na siya tungkol sa assignment namin. At isa-isa naming ipinasa sa kanya. Nagdiscuss na rin siya tungkol sa assignment namin.
Pagkatapos ng klase nagkakaayan naman yung mga bago kung kaibigan na mamasyal kami sa park. Dahil wala naman akong gagawin sa bahay sumama nalang ako sa kanila.
" Picture tayo. " nakangiting sabi ni Jo-hie.
Sumang-ayon naman kaming apat sa gusto niya. Kung ano-ano ngang post ang ginagawa namin. Parang kaming mga tanga na tawa lang na tawa. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao sa pinagagawa namin.
" Ang pangit ko dyan. " natatawang sabi ni Mae.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa hawak kung phone ng magring yun. Napangiti naman ako ng makita ko sa screen kung sino yung caller.
" Hello! This is Mandy Jade Madison. What can I do for you, Ma'am. " nakangiti kung sabi sa kabilang linya.
Agad ko namang nailayo yung phone sa tenga ko ng sumigaw yung tumawag sa akin. Saka ko lang ibanalik muli sa tenga ko ang phone na wala na akong marinig na sigaw.
" Napaos kana ba dyan? " nang-aasar kung tanong sa kanya.
Sa halip na pansinin yung tanong ko. Nagdrama pa ang bruha.
" Miss na kita Jade, magpakita kana sa akin. " pagdradrama ni Annika.
" Akala ko ba kayo ang dadalaw sa akin. Bakit parang ako pa yata ang magpapakita sa inyo? " sabi ko.
Natahimik naman siya sa sinabi ko.
" Hindi pa kasi pwede eh. " sabi nito.
" At bakit naman? "
" Ang dami kasi naming dapat gawin dito sa school. At isa pa, dumating yung Mama ng pinsan ni Andrew. "
" Kaya pala, edi sa susunod nalang kayo pumunta dito. Kapag hindi na kayo busy. " nakangiti kung sabi sa kanya
Nag-agree naman siya sa sinabi ko. Siya na yung unang nagpa-alam sa akin dahil may kailangan pa daw siyang gagawin. Baka pagalitam daw siya ng prof nila kapag hindi niya yung magawa ng maayos.
Ibinaba ko na yung phone ko saka ibinalik ang tingin ko sa apat na hindi parin nagsasawang magpicture.
" Sino yun? " tanong sa akin ni Analyn.
" Bestfriend ko. " nakangiti kung sabi sa kanya.
" Pwede ba namin sila makilala? " masayang tanong sa akin ni Janen.
" Oo naman. Pero hindi pa ngayon, busy pa kasi sila. " sabi ko sa kanya.
Matapos naming tumambay sa plaza, napagdesisyunan na naming umuwi. Hapon na kasi baka hinahanap na kami sa amin.
Sa loob ng tatlong araw na pagpasok ko sa school. Silang apat yung kasundo ko at lagi kung kasama. Kung nasaan ang isa, doon ang lahat ang saya nga nilang kasama. Pero hindi ibig sabihin na ipagpapalit ko ang mga bestfriend ko sa kanila. Sobrang importante nong tatlo sa akin no.
*****
Ang dali ng araw, nong isang araw lang ako lumipat ng school. Tapos ngayon sabado na,wala naman akong ibang gawin dito sa bahay. Kaya ang ginawa ko nalang ay maglaba. Ilang araw din kasi kaming hindi nakapaglaba ni kuya dahil pareho kaming busy. Siya busy sa trabaho, ako naman busy sa galaan. Dahil mabait ako ngayon, maglalaba ako.
" Aalis na ako Jade. Ayusin mo yang paglalaba sa mga damit ko ha. " nakangising sabi ng magaling kung kuya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinatawa niya lang. Kung makapag-utos naman nito akala mo ang liit lang ng labahin ko. Sobrang rami kaya, mas marami yung sa kanya dahil papalit-palit ng damit. Kunting dumi lang papalitaan agad kaya sobrang arte niya.
" Opo! Sir Marvin. I will make sure na wala kang makikitang kahit kunting dumi sa damit mo. " sarcastic kung sabi sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin saka ginulo yung buhok ko.
" Huwag kang mag-alala bunso. May pasalubong kanaman sa akin mamaya eh. " nakangiti nitong sabi sa akin.
Inalis ko yung kamay niya sa noo ko, saka nakangiting tumingin sa kanya.
" Sabi mo yan ha wala ng bawian. " paninigurado ko.
" Opo. "
Nagpaalam na ito sa akin dahil malelate na siya sa trabaho niya. Ako naman pinagpatuloy ko yung paglalaba ko. Inuna ko muna yung puting damit bago yung mga decolor. Ang sakit nga ng likuran ko e. Ako pa yung nagkukusot, ako pa yung magbabanlaw. Gusto sana ni kuya na kukuha nalang kami ng labandera. Pero hindi naman ako pumayag dahil gastos lang. Kaya ko naman maglaba eh. Kaya ako nalang.
Hapon na ng matapos ako sa paglalaba. Nakakapagod dahil dahil yung mga kurtina at bedsheet namin ay nilabhan ko na rin. Kaya sobrang sakit ng katawan ko. Naglinis na rin ako ng bahay kaya matapos kung gawin ang dapat kung gawin. Humiga lang ako saglit sa may kama ko, hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
* Marvin POV *
Gabi na ng nakauwi na ako sa bahay. Nabili ko na rin yung gusto ng kapatid ko. Stuff toy lang naman ito na spongebob na sobrang paborito ng kapatid ko. Kaya paniguradong matutuwa yun kapag nalaman niya kung ano ang pasalubong ko sa kanya.
Pagdating ko sa bahay nagtaka ako dahil sobrang dilim ng bahay namin. Kaya pagpasok ko sa loob, ini-on ko ang switch ng ilaw namin. Pero hindi ko naman nakita ang anino ng kapatid ko.
" Umalis ba yun ng bahay, bakit hindi man lang magtext sa akin o tumawag? "
Pumunta ako sa kwarto niya habang dala-dala ko yung pasalubong ko sa kanya. Baka sakaling nandon siya. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya, sumulubong sa akin ang mahimbing na pagtulog ng kapatid ko. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Inilagay ko yung pasalubong ko sa tabi niya saka hinihimas yung buhok niya.
" Sobrang napagod ka siguro sa paglalaba mo at sa paglilinis ng bahay kaya hindi mo namalayan na gabi na pala. "
Sobrang mahal ko ang kapatid ko. Kaya alam ko rin kung ano ang mga kalukuhan na pinagagawa niya. Kahit yung pagpasok siya sa ibat-ibang school, alam ko rin. Pero hindi ko siya pinapakialaman dahil don siya masaya. Kami nalang dalawa ang makakapamilya, ayaw ko na rin maulit pa yung nangyari noon na malapit na siyang mawala sa amin. Kaya gagawin ko ang lahat sumaya lang ang kapatid ko.