"Pwede tayo huminto muna at magpahinga ng kinse minuto dito,mga kasama.." maya-maya anunsiyo niya pagkaraan ng mahabang paglalakad nila. May isang oras pa bago nila marating ang ituktok ng bundok.
Agad naman naghanap ng mauupuan ang lahat para magpahinga.
"Damn,asan kaya siya? Bigla nawala?" untag ni Serna.
"Sino?"
"Yung magandang chicks," anito.
Nangunot ang nuo niya at sumulyap sa mga grupo ng mga doctors at nurses hindi niya alam kung sino sa mga ito ang tinutukoy ni Serna at isa pa alam niya kung ano ang ibig sabihin ng maganda. Well,hindi niya sinasabi na hindi magaganda ang mga ito kaso wala sa mga ito ang tingin niya na maganda para sa kanya.
"Hi,nasaan yung founder niyo?"
Agad napukaw ang atensyon niya sa sinabi ni Serna sa isang nurse.
"Uh,doon siya nagpunta pero huwag kayo mag-aalala,sabi niya samin sanay siya sa ganitong lugar," anang ng nurse na panay sulyap sa kanya.
Sinulyapan niya ang tinuro nito. Masukal ang bahagi na tinuro nito baka kailangan nito magbanyo kaya doon ito nagpunta.
"Ganun ba.."si Serna.
" Susundan ko,kahit na sanay siya sa mga ganitong lugar may posibilidad pa din na mapahamak siya.."saad niya.
"Hindi siya dapat basta-basta humihiwalay satin ng hindi nagsasasabi sa amin..kargo namin kayo kaya magsasasabi kayo kung saan kayo pupunta habang nandito tayo sa bundok," matiim niyang saad sa lahat na ngayon ay nakatingin sa kanya.
Tahimik lang na nagsitanguan ang mga ito.
"Samahan na kita,Boss.."
"Dito ka na,Serna,magraradyo ako kapag kailangan," aniya.
"O--kay..." no choices nitong tugon sa kabila na kagustuhan nitong sumama sa kanya.
Agad na tinungo niya ang tinuro ng isang nurse kung nagtungo ang sinasabing founder ng mga ito.
Pasaway talaga. Kaya hindi umuunlad ang pilipinas dahil may ugali talagang ang mga pinoy na maging padalos-dalos sa mga bagay-bagay.
Iiling-iling na tinahak niya ang masukal na bahagi ng gubat.
Alerto siya pinakiramdaman ang paligid habang hinahanap ang subject niya.
Natigilan siya ng makarinig siya ng lagaslas ng tubig.
Damn,may talon pala sa bahaging ito. Sigurado nandun ang babae.
Agad na tinunton niya ang pinagmumulan ng lagaslas na iyun at hinawi niya ang makapal na sanga at sa likod niyon ang isang talon. Agad siya namangha ng makita iyun.
Pero agad din naalala niya ang hinahanap niya kaya agad na sinuyod ng mga mata niya ang buong paligid.
At hindi siya nagkamali na makita roon ang pasaway na babae.
Nakatalikod ito sa kanya habang nakaluhod ito at nakalublob ang isang kamay nito sa tubig.
Bigla tumibok ng ubod ng bilis ang puso niya. Hindi niya alam pero pamilyar iyun sa kanya.
Sobrang pamilyar talaga sa kanya.
Tumayo ang babae. Agad na napuna niya na maganda ang hubog ng katawan nito na humahakab sa suot nitong asul na pantalon.
Shit! Ano na naman ba itong naglalaro sa isip niya?! Nagiging mahalay na naman siya at alam niyang sa isang babae lang siya ganun!
Lumingon ito at nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig niya ng masilayan ang mukha ng may-ari ng magandang katawan na iyun.
Amore.