EIGHT

469 Words
Sumilay ang pinakamatamis na ngiti,no,pinakanakakaakit na ngiti sa mga labi niya ng lingunin niya ang binata na alam niyang na kanina pa na nasa likuran niya. Kitang-kita niya ang pagkashock nito. Ahm,I think naaalala ka pa niya,anang ng inner wolf niya. Nakangiti na lumapit siya rito na may gulat pa rin sa gwapo nitong mukha. "Hi," Napakurap-kurap ito. "I-ikaw.." Nanatili ang ngiti sa mga labi niya. "Oh,remember me?" Muli ito napakurap. "Uh,Oo..ikaw yung sa Rose-taurant," anito. Tumango siya. "Nice to see you again," aniya. Napatitig ito sa kanya na tila bang tinitiyak nito na nandun nga siya. "Uh,yes..same here,ahm," tumikhim ito bago nagsalita muli at naaaliw siya sa nakikita niyang reaksyon nito. Mukhang madali niya makukuha ang loob nito lalo pa at nasasalamin niya sa mga mata nito atraksyon na meron din sa mga mata niya at ang marinig ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Gusto ka niya! "Sinundan kita dahil bigla ka humiwalay sa grupo na hindi nagsasasabi sa amin," patuloy nito. Nakagat niya ang pang-ibaba labi at napatingin ang mga mata nitong kulay brown roon. Aww,sa palagay ko matitikman muna ang first ko mo! "Uh,sorry..hindi na mauulit," aniya na pumukaw rito. Nakita niya na tila napahiya ito sa ginawa nitong pagtitig sa kanya. Tumikhim muli ito. "Ayos lang..ahm,pwede na tayo bumalik?" anito. Nakangiti na tumango siya rito. "I'm Amore ,anyway.."pakilala niya sa sarili at nilahad ang palad dito. Ikaw pa talaga naunang nagpakilala ha, Why not,my wolf..maraming babae ang gusto na makilala at makadaupan-palad siya..ako na mate niya ay may karapatan lang na gawin yun. Tsk,tsk,tsk..possessive ang peg? Napukaw siya ng maramdaman ang may katigasan nitong kamay. Magaspang at malaki. Lalakeng-lalake ang kamay nito. She love that! Ayoko mag-isip ng mahalay,stop it! Lihim siya tumawa sa inakto ng inner wolf niya. " Alvin,"usal nito sa sariling pangalan nito. Pumisil ito sa kamay niya at nagustuhan niya iyun. Magkatitig sila sa isa'-isa at alam nilang pareho nahinahangaan nila ang bawat isa. "Inaasahan ko na magkikita tayo muli,Amore.." usal nito habang matiim na nakatitig sa kanya. "Pareho tayo,Alvin.." aniya sabay kagat sa pang-ibaba labi niya. Ugh,stop biting your lip,kinikilabutan ako! "Let's go back there?" anito. Tumango siya. Marahan nitong binitawan ang palad niya na tila napipilitan lang ito bitawan siya. Magkaagapay na nilisan nila ang talon. "Hindi ko inasahan na isa ka sa mga mag-iescort sa amin," untag niya habang naglalakad sila. "Yeah,ako ang team leader nila.." anito. Nakangiti na sumulyap siya rito at nakatingin naman ito sa kanya. "Wow,pareho pala tayo leader ng mga grupo natin..tanong ko lang di ba sa maynila kayo nakabase?" aniya. Tumango ito. "Kumpare kasi ng chief commander namin si Mr.Crus..kaya kami ang pinadala at mainam na nangyari yun dahil nagkita tayo ulit" anito. "Small world,right?" "Yes," agad na tugon nito. Lihim siya nasisiyahan sa takbo ng pagkikita nila. Aww,naeexcite ako sa inyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD