Agad na hinanap niya ang lalaking nagbabanta sa buhay niya. Malaki ang tulong na binigay sa kanila ng Siegfred Security Agency tungkol sa inpormasyon kung saan matatagpuan ang subject nila. Nakatanggap sya ng tawag mula kay Dwayne Siegfred. Kinagulat niya na alam nito ang kaso na inaasikaso niya. Wala siyang idea kung bakit nito iyun alam. Gayunpaman,hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na kumilos agad siya kasama niya ang mga kabaro niya para dakpin ang leader ng sindikato na nakatakas. Ngayon sila magtutuos dalawa. Hindi naman siya nahirapan na makita ito agad. "Saan ka pupunta?!"agad na pagtutok niya rito ng baril sa papatakas na lalaki. Natigilan ito at humarap sa kanya. "Oh? Nice to see you again,Vecerel,"nakangisi nitong turan. Nanatili nakatutok rito ang baril niya. " Bakit

