Tuliro at walang pakiramdam,iyun ang nararamdaman niya habang nililinis ng isang magandang doktora ang kanyang mga sugat at galos sa mukha. Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari basta ang huling natatandaan niya ay ang makitang halos wala ng buhay na si Amore sa lupa at duguan. Sana..siya ang nasa ganun eksena,ang nakalupasay sa lupa at duguan. Hindi si Amore. Hindi ang babaeng pinakamamahal niya. Unti-unti nilukob siya ng takot para sa dalaga. Ayaw niyang mawala sa kanya si Amore. Kahit..kahit isa pa itong ibang tao. Isang malaking hayop. "He's crying..." Naulinigan niyang saad ng malambing na boses iyun at natanto niya na may mga luha na tumutulo sa mga mata niya. "Alvin.." saad ng boses ng lalaki. Nag-angat siya ng mukha. Si Gian. Ang asawa ng kababata niyang si Nhovie A

