Amore.." puno ng pagsusumamo usal ni Alvin sa kanya. "Pakiusap,gumising ka..h-huwag mo akong iiwan..mahal na mahal kita!" lumuluha ng turan ng binata. Wala siyang magawa kundi ang tumitig sa luhaan mukha nito. "Pakiusap,ayokong mawala ka sakin,huwag mo akong iiwan.." "Amore,baby..mahal na mahal kita,"usal nito. "Gumising ka na..huwag mo akong iwan,Amore,baby.." Napasinghap si Amore at habol ang kanyang hininga. Awtomatiko na nasapo niya ang dibdib kung saan may kunting kirot siya naramdaman. "Amore!" Napatingin siya sa tumawag sa kanya. Si Amelia kasunod nito si Sana'a na parehas na may suot na white scrub. "Huwag ka muna magkikilos,mabagal ang paghilom ng sugat mo," si Amelia. Napatango siya. Kahinaan nila ang matamaan ng bala mula sa baril kaya mabagal ang paghilom sa kanila

