"Magandang umaga po, kuya Roel! masiglang bati ni Jennica sa Guard na kinagalak naman nito.
"Maganda kapa sa umaga, ma'am!"Ganting bati ni kuya Roel sa kanya, habang tinutulak pabukas ang glass door para makapasok siya.
"Nambola ka pa po, Salamat!"Nakangisi niyang sabi.
Calling patient Mrs.Delgado you may proceed to room 105.
Maririnig na nag i-echo sa paligid ang boses ng nag pipage ng pangalan sa tuwing may pinapapasok nang bagong pasyente for examination, consultation at kung ano pamang gusto nilang ipacheck. Nagmamadali nang pumunta sa Pediatric room si Jennica kung saan siya naka assign kasama ang Doctor s***h kaibigan niya mula pa noong College na si Gemma. Nasa 11 am pa darating ang Doctor kaya inasikaso na muna niya ang mga files ng mga batang nakaschedule ng araw na iyon. Tinawagan niya na rin ang mga nakaschedule to make sure na darating sila.
Esaktong alas onse ng umaga dumating si Doktora Gemma, may 2 ng pasyente na ang naghihintay. Hindi katulad sa mga Adult patient, nasa loob naghihintay ang mga bata kaya strictly for schedule talaga pwera nalang kung emergency.
"Good morning, Doc!"Maaliwalas ang mukhang bati ni Jennica, bumati din ang dalawang nanay na nasa loob at ang dalawang batang pasyente.
"Good morning din!" balik ng Doctora, "I will just check the chart and get back with you." magiliw na wika ng Doktora
Sumunod si Jennica sa Doktor kipkip ang chart kung saan nakalagay ang impormasyon tungkol sa mga bata. Malawak ang kanilang Pediatric Room,na napenturahan ng kulay pink at asul na. Meron siyang sariling table at upuan na malapit sa kanilang waiting area na pwedeng mag accomodate ng apat na pasyente.They also have books and magazine for children at mommies na pwedeng basahin ng mga naghihintay, maayos na nakasalansan sa loob aparador na nasa dingding.
Ang loob naman ng examination room ng Doktora ay mayroong space para sa kanyang table na nasa kanang bahagi habang sa kaliwa naman makikita ang isang kama at apararatus para kung kailanganing mang tignan pa ng maigi ang kundisyon ng bata.
Makikita sa dingding ng kwartong iyon ang iba't ibang animals at Disney princess characters na kinagigiliwan talaga ng mga bata mayroon ding mga laruan na pwedeng gamitin ng mga bata roon para hindi sila mabagot.
Pagka-upo ng Doktora ay binuksan muna nito ang computer at Pinasadahan ng tingin ang chart na inabot niya.
"Jennica,nabasa mo ba yung text ko sayo?"tanong ni Gemma sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil wala siyang nabasang message mula rito. "Ay, kakasend ko lang ata."nakatawang sabi nito.
"Anong meron Doktora?takang tanong niya,
"Alam mo, kakabalik mo lang kasi. Ewan ko ba kung saang lupalop ka napunta." nagpapalatak na sabi ng Doktor sa kanya "Birthday ni Clarisse, niyaya tayong pumunta mamayang gabi. Nabanggit ko kasing sakin ka nagtatrabaho." Pag-iexplina nito saknya. Nawala ang gitla sa noo ni Jennica at lumapad ang kanyang ngiti.
"Syempre naman, sama ako Doc ah!"masiglang sabi niya.
"O siya sige na, magsimula na tayong magtrabaho para makauwi agad." Sabi ni Gemma para tapusin na ang kanilang pagtsitsismisan. Pinatawag na nito sakanya ang unang pasyente.
"Ma'am Rodriguez mauna na po kayo."Paglabas ni Jennica sa kwarto ay tinawag na niya agad ang una sa listahan. Nagpasalamat ito sakanya at pumasok na ng examination room.
Habang tintimbang ni Jennica ang batang si Sophia ay bumukas ang pinto sa kwarto ni Doktora at dumungaw ang ulo nito para tanungin kung meron pabang darating para sa araw na iyon. Hindi na nito sinatinig ang gustong itanong dahil obvious naman na amy last patient pa.
"Okay, after that Jennica send her in."Sabi nito at iniwan ng nakabukas ang pinto.
"Yes, Doktora." sagot niya habang dyinajot down ang timbang ng bata.
Excited na ata, sa isip isip ni Jennica.
Eksaktong alas kwatro na ng hapon lumabas ang mag ina mula sa examination room. Binuksan niya ang pinto para sa mag ina at nagpalasamat para sa araw na iyon.
"Thank God! working hour is over." naibulalas ni Gemma habang sinusukbit ang bag nito sa balikat.
Usually ay nagpapahinga muna ito bago lumabas ng kwarto pero dahil may lakad sila ay on the dot ito. Nag liligpit pa siya ng mga gamit kaya naupo na muna ito.
"On nga eh, tapos weekend pa." masayang sabi ni Jennica habang nag iinat inat.
"Uuwi kapa ba?" tanong nito sa kanya.
"Hindi na, saan ba magkikita.?"balik tanong niya
"Umuwi ka muna, alangan namang nakaganyan ka e paparty tayo."pagpapaalala nito sakanya.
"Saan ba tayo paparty? hindi ba sa bahay lang nila?"takang tanong niya habang binabalik ang librong nagamit ng ilang batang pasyente maging ang ibang magazine na hindi naibalik ng maayos.
Naalala niya kasing galing sa mayamang Pamilya ang angkan nila Clarisse, may isang beses na nakapunta sila sa bahay nito sa may Tomas Morato ay namangha talaga silang magkakaibigan.Her college friend can definitely afford to have party any time they wanted to throw a party.The house spoke of richness, the house has its own big lawn where they can hold any occasion.May sarili pang guard. Grabe talaga. Hindi nga nila malaman kung bakit sa school nila nag aral si Clarisse noon.
"May ibang occasion na gaganapin doon." balewalang sagot ni Gemma. "Saka kahit saan naman okay na." dugtong pa nito.
"Well, I agree pero baka mag arkila naman ng buong bar yan." napangiwi si Jennica sa naisip.
"Actually, she did." nakangiting sabi ni Gemma "Kaya kailangan muna nating umuwi." kumikislap ang matang sabi ni Gemma at hinila na siya ng mapansing tapos na siya sa pagliligpit.
"Wait, yong bag ko!" natatawang awat ni Jennica. sabay kuha ng bag niya sa ibabaw ng table.
"Alas otso pa yung umpisa ng party sa Chili's Bar and Grill sa Tomas Morato,"pagpapaalala ni Gemma kay Jennica nang makarating sila sa apartment niya.
"Pwede bang itext mo na din sa akin yong address ng lugar?" pag-ungot pa ni Jennica sa kaibigan habang palabas ng sasakyan nito.
"Oo na." Gemma answered while rolling her eyes at her exagerrately. "See yah, make sure to be there or kakalampagin ko tong gate niyo." pananakot pa nito sa kanya.
"Doktora, eskandalosa ka pala!"pagbibiro niya pa dito.
" sige na sige na mag papaganda pa ako." pagtataboy nito sakanya .
Nag wave pa si Jennica kahit nakaalis na ang sasakyan ni Gemma, hinintay niya munang kumaliwa ang sasakyan nito bago siya tuluyang pumasok sa kanilang gate. Alas singko na ng makarating sila dahil medyo traffic ang araw ng biyernes.
May time pa akong umidlip naisip ni jennica habang ina-unlock ang kanyang pintuan.
Dumiretso na siya paakyat sa ikalawang palapag, pagod na pagod talaga siya sa trabaho. Naramdaman niya lang ang pagod nang nasa loob na siya ng apartment at hindi na kakwentuhan si Gemma.Naisip niya na dahil hindi naman siya nagcommute pauwi ay hindi naman na masama kung iidlip na siya bago magbihis, nakalimutan na niyang mag alarm dahil iginupo na siya ng antok.