Chapter 4

1662 Words
Jennica Anne, Anne... "Uhm... uhm... ano iyon?"nakaungol na tanong ni Jennica ng marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Napamulagat at napabalikwas ng bangon sa higaan ang dalaga nang maalalang may lakad nga pala siya ng gabing iyon, dali dali niyang binuksan ang kanyang cellphone para tignan ang oras. "dalawang oras din pala ako nakatulog," sabi niya ng makitang alas siyete na ng gabi, May oras pa akong maligo at mag ayos. Pagkatapos maligo ng dalaga ay nagblower muna siya ng buhok, habang nakatapis lang ng tuwalya sa loob ng CR. Napili niyang suotin ang kanyang itim na high neck sleeveless bodycon dress na lagpas sa kanyang tuhod, it really emphasize her big cup and curvy hips. She's about 5'3 in height. Minsan lang naman siyang umalis dahil mostly nasa trabaho at bahay lang siya.pinares niya din ang kanyang nag iisang itim na high heel shoe to complete her look for that event. Satisfied with what she's wearing, she also applied a darker shade of pink lipstick on her not so pinkish lips and applied some on her cheek. Pilipinang pilipina ang kutis ni Jennica na dating hindi niya tanggap. Naalala niya pa kung paano siya alitin at tawaging baluga ng mga kaklse noong nasa elemetarya palang siya doon sa probinsiya nila,mapait na napangiti si Jennica sa sarili. kinakagalitan niya pa ang kanyang mama kung bakit ba maitim siya ganoong hindi naman niya kasing kulay ang mama at papa niya.napangiwi siya ng maalala ang nangyari. "Mama ampon ata talaga ako eh!" may isang araw na tanong ng batang si Jennica habang palahaw na umiiyak. Nagulantang ang kanyang ina sa kanyang bungad dito nang pagbuksan siya ng pinto. "Anak, ba't mo naman nasabi yan?"Alalang tanong ng mama niya habang nagpupunas ng tuyong bimpo sa kamay. "Mama o ang itim itim ko!baluga daw ako at hindi talaga siguro ninyo anak."humihikbing pagsusumbong pa niya. "Hindi yan totoo anak, bukas na bukas makikita ng mga kaklase mo." sabi ng mama niya habang akap akap siya. "Pero anak, hindi ba't mahilig kang maglaro ng ten twenty diyan sa labas kasama sila Poleng?minsan nakikita pa kitang nagjujolens kasama sila Mark." mahinanong paalala ng mama nya. "E ano pong koneksyon nun sa pagiging maitim ko?" inosenteng tanong ni Jennica. "Mainit kasi anak.Kapag nasa arawan ka, nakaaitim yun. Kita mo ako hindi naman laging nalabas."pag papaintindi ng mama niya sakanya. Naintindihan niya naman yun, kaya minsan nalamang siyang makipaglaro sa mga kaibigan niya. at nang mag highschool siya ay kinulit niya talaga ang kanyang mama na bilhan siya ng kung ano anong pampaputi na hindi naman tumalab sa kanya dahil lakwatsera pa din naman siya. Nasa college na siya ng matutunan niyang tanggapin ang kanyang magandang kulay, at dahil na rin sa Maynila na siya nag aaral noon at marami ding hindi kaputian tulad niya. She belonged at last! Napatulala sa harap ng salamin si Jennica ng parang may mukhang gustong sumingit sa kanyang balintataw. ipinilig ng dalaga ang kanyang ulo at kinalimutan ang naisip. tinignan niya ulit ang cellphone para icheck ang oras at mayroon pasiyang twenty minutes to get to her friend's birthday at kung hindi'y baka tutuhanin ni Gemma ang bantang pambubulahaw sakanila. Saktong alas otso ng gabi ay sa tapat na ng Chili's Bar and Grill si Jennica, tinawagan niya si Gemma para sunduin siya sa labas pero hindi ito sumasagot.Nang akmang tatawag siya ulit ay napansin niyang kakaparada lang ng puting kotse ni Gemma sa kalsada. Kumaway siya dito nang umibis ito sa sasakyan kasama ang matangkad na babaeng na mukhaan niyang si Janine. Mukhang expensive ang kanyang mga kaibigan dahil sa mga mala porcelanang mga kutis nito kumpara sa kanya pero hindi naman siya pahuhuli kung sa pagandahan ang pagbabasehan.Si Gemma ay nakasuot ng emerald sleeveless peplum dress na pinaresan nito ng open toe high heel pump.Kaya mukha pa rin itong kagalang galang. Habang si Janine naman ay nakasuot ng gold v neck glittered sleeveless at flare leg pants,napansin niyang naka black boots ito. Sadyang kaagaw agaw ng pansin dating ang matangkad nilang kaibigan. Nang makalapit ang dalawa sakanya ay siya namang pagbungad ng birthday girl sa entrada ng Bar, na nakilala niya agad. "Kayong tatlo, laging late!" nakapameywang na bungad ni Clarisse sa kanila. "HAPPY BIRTHDAY!"Masayang bati nilang sabay sabay pagkakita sa birthday celebrant na kinagalak naman nito.Isa isa silang bumeso sa kaibigan at pumasok na sa loob. Clarisse was elegantly beautiful,Spanish ang tatay nito habang ang nanay ay Pilipina.Hindi man ito kasing puti nila Gemma at Janine pero there was something about her na mapapatitig kanalang sa sobrang ganda nito.She was wearing a red satin lace up backless with high slit dress that really show off her curves at pinarisan niya ito ng pamatay na slingback stiletto sandal. Napakaingay sa may rooftop ng bar kaninang naghihintay siya.Turns out hindi naman pala inarkila ni Clarisse ng buo ang bar kung saan nila sincelebrate ang kaarawan nito. Ang nasa unang palapag lang naman, iilang kakilala lang ang inimbeta nito pero kahit na sinabi nitong iilan lang ay marami pa ring naroon. Sa may unahan ay may stage para sa banda at dj for that event at nasa magkabilang side naman ang naglalakihang sound system, na pumupuno sa loob ng bar.Nasa gitna ang mga bisitang nag uumpisa ng umindak sa dance mix songs.At sa kaliwang bahagi ng dance floor makikita ang ibat'ibang alak na pwede mong pagpilian habang nasa kanan naman ang buffet ng pagkaen.May mga table and chain din sa paligid kaya kumportableng nakakaen at nakakainom ang bisita. "Grabe ka talaga pag nagpaparty Clarisse, walang kupas!"Malakas na sabi ni Jennica habang sumisipsip ng margarita. Since kasama nila si Clarisse ay nasa pinakamagandang parte sila ng bar kung saan they can sit back and relax habang nag kukwentuhan at isiniserve nalang ang alak at pagkaen sakanila. "Of course!matagal ko din kayong hindi nakasama."natutuwang sabi ni Clarisse. "Ito nga kasing si Jennica nawala diba?" pagpapaalala ni Gemma. "Oo nga halos dalawang taon ka atang wala, kita mo nakapagdoktor na si Gemma tapos ikaw nawalang parang bula." nagtatakang tanong ni Janine. Hindi sila magkakaparehas ng kurso, si Janine ay nakapagtapos ng turism. Isa na itong ganap na flight stewardess sa isang sikat na international airlines, si Clarisse naman na party girl ay isang teacher sa kolehiyo. Siya at si Gemma ang parehas na nursing ang kinuha pero dahil masyadong matalino si Gemma at masipag mag aral pinagpatuloy nito ang pagdudoktor. "Hindi ko rin talaga matandaan kung bakit ako nawala, si mama hindi rin nababanggit sa akin."Sagot niya habang nagkikibit balikat. "Baka nagka amnesia ka gurl!"panghuhula ni Janine, "Hinde, imposibleng nagkaganyan nga pero hanggang ngayon wala pa din akong maalala."malungkot na sabi niya pero pasigaw pa rin dahil maingay nga sa bar kung saan sila pumaparty. Napahinto ang mga ito sa pagkaen at pag inom, and they all give her a sad look, " Ano ba yan! birthday mo Clarisse." natatawang pag iiba niya sa usapan. She doesn't have any recollection on what happened to her kaya hindi na niya iniisip pa. Her mom took it seriously noong mga panahong sinusubukan niyang balikan ang kanyang mga alaala, kaya nga ayaw na talaga sana ng mama niyang lumuwas pa siya ulit sa Maynila mapilit lang talaga siya. They party all night, uminom ng marami at nagkalat sa dance floor. Pagkatapos ng gabi ay pinasalamatan lahat ni Clarisse ang mga taong dumating kahit na susuray suray na itong umakyat sa entablado. Alas dos na ng madaling araw ng mag kayayaan silang umuwi, "wag-hek-niyo na ak-hek..ong tatagow an."utal utal na sabi ni Clarisse "Syem-hek na-men." sagot nilang tatlo na napabunghalit bigla ng tawa. Bigla namang napahinto ng tawa si Janine at dali daling tumakbo sa may poste ng kuryente at dumuwal.Nilapitan nila itong tatlo at napalayo rin bigla dahil napaduwal ulit ito at nagtalsikan ang iniluwa ng bibig nito. "Ka-di-riiii."napatiling sabi ni Gemma. Siya namang pagdating ng boyfriend ni Janine para sunduin ito, umibis ito agad sa sasakyan ang hinawakan ang buong buhok nito para makasuka ng maayos.Wasted na wasted si Janine dahil sa ibat'ibang alak na nainom, pero matiyaga itong inalalayan ng kasintahan nito.Habang pinasaham naman ni Clarisse sa driver nito si Gemma para maiuwi na din ang sasakyan nito. Si Clarisse naman ay malapit lang ang bahay doon kaya idinaan na ito ng kasintahan ni Janine, inaya din siya nito pero tumanggi siya kahit antok na din siya sa kalasingan. After saying their goodbyes to each other ay narinig niya pang nanunumpa si Janine na hindi na iinom ulit sa boyfriend nito, natawa nalang siya sa narinig. Sa kanilang apat ay siya ang mataas ang alcohol tolerance kaya nakapagpasya siyang magtaxi nalang. Pero antok na antok na talaga siya, bago naman siya nakasakay na taxi ay hinintay muna nilang makasakay siya. Pagkasakay palang niya ay binigay niya na ang kanyang address,at nagpaalam na gisingin nalang siya pagdating nila sa kanyang apartment.Mukha namang mapagkakatiwalaan ang matandang driver kaya palagay ang kanyang loob dito.She tried her best to keep her eyes open pero antok na talga siya. "Andito na tayo miss."tawag ng driver sa kanyang atensiyon. Madali naman siyang nakagising, pagkatapos magbayad ay nagpasalamat siya sa driver. Pagbaba niya ng taxi ay napayakap siya sa bisig dahil sa biglang pag iba ng ihip ng hangin. Nagmamadali na siyang pumasok sa hindi nakalock na gate,nahirapan lang siyang isuksok sa susian ang kanyang susi sa sobrang kalasingan.May ilang beses itong dumulas sa kanyang kamay, kaya pinasingkit niya ang kanyang mata para makapag concenrate sa pagpasok ng susi sa keyhole. Halos mapahiyaw siya sa tuwa ng bigla nalang naishoot niya ng tama ang susi. Binuksan niya agad ang ilaw para lumiwanag ang paligid, pero bago iyon ay may nahagip ang mata niyang malaking bulto ng nakaputing lalaki. Pero biglang nawala pagkalat ng liwanag sa paligid, kinusot niya ang mata para makasigurado. Wala naman eh! buti hindi ako tumili. naisip ni Jennica. Naalala niyang nakaputi din ata na shirt ang boyfriend ni Janine or baka nung sa driver, puti uniform nun baka naiwan sa balintataw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD