Guni-guni ko lang iyon, sobrang lasing na talaga ako.
Pagkukumbinse niya sa sarili habang kinusukot kusot ang mata. Paakyat na siya ng hagdan nang may marinig siyang tinig na boses lalaki,
Uminom ka muna ng tubig. Halos pabulong lang sa hangin na sabi ng tinig.
Napatingin sa paligid si Jennica,wala namang tao. Napailing sa sarili si Jennica at tuluyang bumaba para dumaan sa kusina kung saan naroon ang refrigerator.
Hindi matatakuting-tao si Jennica, subalit mediyo may pag-kamagugulatin talaga siya inaamin niya. Dahil sa isa siyang nurse may mga bagay na di niya pinaniniwalaan lalo na mga sabi sabi ng mga matatanda. Para sa kanya ay may scientific explanation ang lahat ng bagay.
Kung ano ano nalang naririnig ko. Sabi niya sa loob loob habang umiinom ng malamig na tubig.
Baka may kapit-bahay pa akong gising.
Pagpanhik sa ikalawang palapag ay ibinaba niya lang ang kanyang bag sa kama at kumuha na ng bihisan ang dalaga para makapagpalit bago matulog sa higaan, kahit anong pagod niya pag alam niyang matutulog na siya ay sinisigurado niyang nakapagtooth brush at hilamos muna siya.
Pagkatapos niyang maglinis ng katawan at magtoothbrush ay nahimasmasan ng kaunti ang pakiramdam ng dalaga.
Mabuti nalang talaga at weekend wala silang duty kinabukasan.
Masayang naisaisip niya habang humihiga.
Mabilis na nakatulog si Jennica dahil sa lasing at pagod. Subalit makalipas palamang labing-limang minuto napagkakatulog ang dalaga ay narinig niyang nagri-ring ang telepono.
Inis na inis na tinakip ni Jennica ang unan sa kanyang magkabilaang tenga, pero hindi pa rin tumitigil ang kung sino mang caller ng gabing iyon.Napipilitang tinayo ng dalaga ang telepono at itinaas at ibinaba rin ito agad.Pero hindi pa siya nakakabalik sa kanyang higaan ay narinig niya na namang tumunog ito, dahil sa pag-aalalang makabulahaw ng ng kapitbahay ang ingay nang pag-riring ng telepono ay sinagot niya na ang tawag.
Sino na naman kayang Poncio Pilato ang nangbubulahaw ngayong madaling araw.
Nagmamaktol na sabi niya sa sarili habang naglalakad pabalik sa lamesa kung saan naroon ang makalumang telepono.
“Hindi ba pwedeng matulog ang tao nang walang nang aabala?”mataray na tanong ni Jennica sa tao sa kabilang linya.
“Kung ayaw mong matulog, ako pwes gusto ko!”akmang ibaba na niya ang aparato ng marinig niya ang pamilyar na boses.
“Hey,relax!relax, it’s me Adrian,” bungad nito sakanya sa nababahalang tinig,nang hindi sumagot si Jennica ay dinugdungan nito ang sinabi.
“ako iyong kausap mo kahapon,”
“No way!” naibulalas na sabi ni Jennica,natuptop niya pa ang bibig.Namilog ang mata ng dalaga sa pagkamangha,
Papa-anong kusap niya ulit ang lalaki sa kanyang panaginip kagabi,Ibig bang sahinin nito ay nanaginip siya ulit?
Takang tanong niya sa sarili,Kinurot niya ang kanyang sarili sa braso.
“Aray!”naibulalas niya nang maramdaman ang hapdi ng pag diin ng kuko niya sa balat.
“Don’t hurt yourself,”nag-aalalang sabi ni Adrian sakanya.
“Nakikita mo ako?” manghang tanong ng dalaga.
“Er… no but I heard you say ARAY,”tanggi ng lalaki sa kabilang linya. “I’m real, last night you agree to receive a call from me remember?”pagpapalala nito sakanya.
“But that was just a dream,” pagpupumilit niya pa rin.
“Sana hindi kanalang pumayag kagabi kung magkukunwari kalang na nakalimutan mo ang napag usapan natin,”naghihinampong sabi ni Adrian sa kabilang linya.
Aba’t gini-guilty pa ata ako, naisip ni Jennica.
“Teka, bakit ba ka nang gi-guilt trip?mataray na tanong ni Jennica “Ni hindi naman talaga kita kilala at hindi tayo close,” dugtong niya pa.
Himawalang biglang nawala ang antok niya nang makausap ang lalaki,nakita niya nalang ang sariling umuupo ng maayos sa sahig habang nakasandal ang likod sa kanyang kabinet.
“E kasi…you promised me,”tugon nito
“It’s the dawn for Christ Sake,”sansala niya naman sa sinabi nito.
“I’m sorry, this is the only time I can connect with you,”makahulugang tugon ni Adrian.
“Pang gabi ba ang trabaho mo?” tanong niya, na medyo nahimasmasan na dahil mukha ngang hindi panaginip ang lahat ng pangyayari kagabi.
“Oo sabihin nalang natin,” pagsang-ayon nito sakanya.
“Alam mo ginu-good time mo ata ako eh, wala ako sa mood makipaglokohan sayo,”hindi pa rin naniniwalang sabi niya
“Pang gabi ang trabaho ko,nakabase sa ibang bansa ang amo ko…”pangungumbinsi nito sakanya.
“Napanaginipan kita kagabi…”napabuntong-hiningang sabi ni Jennica at nahihiyang binanggit dito ang panaginip niya.
“Talaga ba? Nagwapuhan kaba sakin?”interesadong tanong nito sakanya,nanahihimigan niyang inaalaska siya nito na di na pinansin ng dalaga.
“Parang totoong nandito ka kagabi, ang corny mo panga,” natatawang pagkukwento niya pa,mas naging palagay na ang loob niya sa pakikipag-usap sa lalaki.
“Ay panaginip nga lang yon, dahil hindi ako corny.”may kumpiyansa sa sariling saad ni Adrian.
“Alam mo gusto rin kitang makakwentuhan pero hindi sana sa ganitong oras…”
“Again, kung hindi mo narinig yung sinabi ko sayo kanina.Ganitong oras lang ako pupwedeng makatawag sayo,” pag-uulit nito.
“Edi wag kanalang sakin nga makipag-usap, hindi ako pwede ng ganitong oras…may pasok ako ng maaga,”pagpapaliwanag niya sa mahinahong tinig.
“Ikaw ang gusto kong makausap Anne,”Malungkot na sabi nito. Nahabag naman si Jennica ng marinig sa himig nito ang pagsusumamo.
“Sige na nga, pero wag palagi ah…”napipilitang sabi niya.
“Ano bang gusto mong pag usapan?”
“Tungkol sa ‘yo , syempre…”masiglang sabi ni Adrian.
“Aba,ano to interview?”natatawang tanong ni Jennica pero nag-umpisa na siyang magkwento sa kanyang sarili.
Binanggit niya na dalawangpu’t apat na taong gulang na siya, na nagtatabaho siya bilang nurse at kung saang probinsiya siya lumaki.
Dahil sa nakita na siya nito ay hindi na niya binanggit kung saan siya kasalukuyang nakatira,
“Hindi kaya puntahan mo ako dito sa bahay niyan, sinasabi ko sayo yung lock ng pinto ko ay hindi matitibag ng kung ano man at wala kang mapapala sakin,isa akong kapus-palad…”
Dahil hindi pa uso ang smartphone ng panahon na iyon ay hindi pa nag-aalala ang mga tao sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sarili.
“Hindi ko gagawin yan,”natatawang sabi ni Adrian.
“Ako naman si Adrian, dalawangput’anim na taong gulang,maputi, matangkad at higit sa lahat gwapo…”umpisang pagpapakilala nito sa sarili.
“Talaga lang ah?”hindi naniniwalang sabi ni Jennica, na tumikwas pa ang kilay.
“Taga saan kanaman? Hindi mo binaggit eh,”
“Diyan lang din sa Quezon city,”sagot nito.
“Ang laki laki ng Quezon city,saan?”pangungulit niya pa.
“Actually, diyan din ako dati kay Auntie pero nasa probinsiya ako now,” sagot nito.
“Alam mo, ayaw mo namang mag-open up tungkol sayo hindi ako natutuwa sa usapang ito,” naiinis na sabi niya.
“Teka teka, ito naman sabi ko kasi gusto kong malaman ang tungkol sayo…hindi ko naman alam na interesado ka ring malaman ang tungkol sakin,”sansala nito.
May punto naman siya. Naisip ni Jennica pero hindi niya pinahalatang napahiya siya.
Para iligpas ang kanyang sarili sa kahihiyan ay naghikab na siya.
“Ay inaantok na ako,” sabi niya habang naghihikab.Narinig niyang napatawa sa kabilang linya si Adrian.
“Talaga ba?”sa nang-aasar na tonong tanong ng binata sakanya.
“Teka, wala bang magagalit na nakikipag-usap ka sakin?”tanong ni Jennica, para maiba ang usapan
“Baka mamaya may bigla nalang humila ng buhok ko habang nasa labas…”
Mahirap na.
“I’m single,”mabilis na tugon ni Adrian.
“Promise walang manghihila nang buhok mo sa kung saan man,”
Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan na bumuntong hininga si Jennica.
“ikaw ba?”maya-maya ay balik tanong ni Adrian.
“Ako din, single pa…”sagot niya
“Ah mabuti kung ganoon…”
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa,naririnig lang nila ang bawat paghinga ng bawat isa.Hindi nakapagpigil si Jennica at siya naman ang nagtanong sa lalaki,
“Bakit ako-”si Jennica
“Huwag mo-”si Adrian
Natawa silang parehas dahil nagkasabay pa silang magsalita,
“Ladies, first…”pagpapaubaya ng binata
“Iyon na nga,bakit ako ang gusto mong makausap?Panigurado ako marami diyan sa inyo ang gugustuhin makausap ka, sabi mo panga o gwapo ka…”tanong ng dalaga
“Una palang kasi kitang nakita noong nakaraang buwan, nabighani na ako sayo…”tugon ni Adrian
“Hindi ako naniniwala, anong kabigha-bighani sa taong naglilipat ng gamit?”
“Dahil sa ginawa mo ito nang mag-isa,”
“Naroon ka pala bakit hindi mo ako tinulungan?”pananalakay ni Jennica, hindi nakasagot si Adrian agad.
“Paalis na kasi ako noon,” pagdidepensa nito sa sarili.
“Hmmm…okay, sabi mo e,”hindi naniniwalang tugon ni Jennica.
“So ikaw ano nga I’yong itatanong mo dapat sa akin?”
“Huwag mo sana masamain ang pakay ko sayo,mula nang una kitang makita ay hindi kana naalis sa isipan ko…”madamdaming saad ni Adrian.
Napangiwi si Jennica sa narinig, napakacorny talaga ng lalaki naisip niya.
“Alam mo Mr. Adrian, antok kana ata ano?Ilang oras kapa bang kailangang magtrabaho?”
“Maniwala ka sana sa akin, pero malapit ng matapos ang aking pagkakataong makausap ka ngayon,”
“Ah,mabuti naman inaantok na din ako eh...”sagot niya na nag-umpisa nang humikab.
“Wag kanang mag-inom ng ganoon karami, lalo na sa gabi,”nag-aalalang sabi ni Adrian.
“Oo hindi na, sige na matutulog na ako. Ikaw din,”pagpapaalam ni Jennica
“Goodnight,”
“Goodnight.”nagkasabay pa ulit sila pero naibaba na ata ni Adrian ang telepono dahil nawala na ito sa linya.
Napailing si Jennica habang binababa ang telepono,
Ang weird talaga ng lalaking i’yon,gusto akong makausap tapos binabaan din ako agad ng telepono…
“So ibig sabihin gusto mo din talga siyang makausap?”usig ng konsensiya niya na di na niya pinansin.
Nang makahiga na ay tinignan muna ni Jennica ang kanyang phone para macheck ang oras,
alas kuwatro dos sa madaling araw, basa niya sa oras.
Nakakatitig lang sa kisame si Jennica,may pilit na umiikilkil sa isipan niya.Aha!
Naalala niyang naghabilin ni Adrian sa kanya,
Huwag na daw siyang iinom ng marami.
Hindi niya maalalang binanggit niya dito na nag-inom siya ng gabing i’yon, pero bakit alam nito?