GUMAGALING na ang mga injuries ko. Wala pa rin kaming lead kung nasaan si Serena kahit ilang buwan na ang nakakalipas simula nang mawala siya. It’s frustrating pero malinis ang pagkakadakip sa kanya. Halatang pinagplanuhan nang matagal na panahon. “Ganyan talaga kapag galing ka sa military. Magaling bumuo ng strategies. ” Nagkibit-balikat sila. Tahimik lamang ako dahil gusto ko nang malaman kung nasaan si Serena. “Kumusta si Tita Adira, Yago?” tanong ni Zeke sa aming pinsan. Nag-angat ako ng tingin. Si Tita Adira ay nanay nina Yago at Azriel. “She’s stable,” sagot niya. Hindi ko alam kung anong nangyari. Wala akong masyadong alam sa mga kaganapan sa paligid ko dahil ang atensyon ko ay nasa paghahanap kay Serena. “Anong nangyari kay Tita?” tanong ko. “Tiningnan ako ni Azriel. “Nabaril.

