NAGTALO kaming dalawa ni Serena kanina. May hindi pagkakaintindihan dahil pinagseselosan niya ang mga babaeng nakikita niya sa opisina. Wala namang dapat ikaselos. Everything was purely business. Anong assurance pa ba ang gusto ni Serena na ibigay ko sa kanya? Lumabas ako ng silid. Sa sala siya natulog dahil ayaw niya raw akong makasama. I squatted in front of her. She’s already asleep and here I am, can’t even close my eyes knowing she wasn’t beside me. I caressed her hair, gently. Nag-iingat ako na huwag siyang magising. “I’m sorry,” bulong ko habang pinagmamasdan ang natutulog niyang mukha. She looks peaceful. Naiinis ako sa sarili ko na ako ang nagiging sanhi ng stress na nararamdaman niya. Bawal pa naman sa buntis iyon at baka makasama sa kanilang dalawa ng anak namin. Bumuntong-h

