DAHIL sa naging pag-uusap namin ni Mayor, mas naging malinaw sa akin ang lahat. Si Donna Del Valle nga ang gustong mawala ang mama ko dahil lang sa inggit niya. How petty. Wala na ang mga taong muntikan nang patayin ang mama ko because their heads had been chopped off by Tito Hati. Nang malaman daw kasi nina Papa ang nangyari kay Mama, hindi sila nagdalawang isip na pumunta rito sa Claveria. Mayor Karlos was the only person who was pardoned by my mother. Takot na baka pugutan ko rin siya ng ulo, pumayag siyang makipagtulungan sa lahat ng imbestigasyong gagawin ko. Mas lalong nagtatagal ang pagsasama namin ni Serena, mas lalo ko lang din nakikita ang aking sarili na ginugusto siya. The more we spend time together, the more I am draw towards her. Hindi ko ito napansin noong una ko siyan

