Louise NASAPO ko ang aking sariling noo nang magising ako. s**t! Umiikot ang mundo ko. Literal! Alam mo iyong nilalaro ng mga bata na iikot nang ilang beses pagkatapos ay biglang hihinto? Gano’n ang nararamdaman ko ngayon na may kasama pang pananakìt ng ulo. Parang ilang beses na hinataw ng kung anong matigas na bagay ang ulo ko. Did I drink too much last night? Pero kahit gaano pa man kasakit ang ulo ko, kailangan ko pa ring bumangon. Wala na ako sa Baryo Isabel kung saan walang tatalak sa akin kapag naabutan akong natutulog pa. Pero pucha! Parang gusto ko yatang iumpog ang ulo ko sa pader dahil biglang hinalukay ang sikmura ko nang makabangon. Buntis na yata ako? Charot! Kahit gaano pa kasakit ang ulo ko ay mabilis kong tinungo ang banyo para mailabas ang lintik na gustong ilabas

