“I . . . I don’t know. I really don’t know, Lolo. Hindi pa po ako ready na maitali sa isang kasal lalo na kung hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko sa taong pakakasalan ko.” Paulit-ulit at parang sirang plakang umaalingawngaw ang mga katagang iyon sa utak ko. Why? Iyon ang unang tanong na pumasok sa isip ko pagkatapos kong sabihin iyon kanina sa harapan nilang lahat. Sa dinami-rami ng maaari kong isagot, bakit iyon pa? Ang tanga ko! Ay mali. Hindi lang pala tanga kung ’di sobrang tanga! Kung may mas tanga pa siguro sa tanga, iyon na ako. “Kingina ka talaga, Louise! Napakagaling mo sa lahat ng tanga!” pabulong ngunit mariin kong wika habang paroo’t paritong naglalakad dito sa loob ng aking kuwarto. Kulang na lang ay pukpukin ko ng lamp shade ang ulo ko dahil katangahang gin

