Jacob NAKAPIKIT ang aking mga mata habang sinasalubong ng aking mukha ang pagbagsak ng maligamgam na tubig mula sa ilalim ng dutsa. Naglalaro pa rin sa isip ko ang mukha ni Louise bago sila tuluyang umalis kahapon. Malamlam ang kinang ng kaniyang mga mata. Mababanaag mula roon ang kaguluhan ng kaniyang isip dahil sa aming sitwasiyon. Kahit hindi niya sabihin, masiyadong halata sa mga mata niya ang tunay niyang nararamdaman. Madali lang siyang basahin dahil napaka-transparent niyang tao. At isa iyon sa katangiang minahal ko sa kaniya. Madalas man siyang toyoin at topakin, hindi iyon naging kabawasan sa pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya. Habang dumadaan ang mga araw, mas lalo ko pa nga siyang minamahal. Kasama na roon ang mga flaws and imperfections niya. I just love everything abou

