UMALINGAWNGAW at paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang sinabi ni Monique. Mabilis kong pinatay ang tawag at nanghihinang ibinaba sa ibabaw ng mesa ang aking cellphone. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng mga buto at biglang nanlupaypay ang aking buong katawan matapos kong marinig ang boses ni Monique. Ang kaninang hilo na aking nararamdaman na dulot ng aking pag-inom kagabi ay tila nawala dahil doon. Ano’ng ibig sabihin no’n? Naghintay ako ng halos buong araw na mag-text o kaya tumawag siya tapos iyon ang bubungad sa akin? Nilunok ko ang pride ko para lang tanungin siya kung kamusta siya roon tapos ito lang pala ang mapapala ko? Ang sakit lang, eh. Sobra. Gusto kong sumabog at sumigaw nang sumigaw para ilabas ang sakit na aking nararamdaman. Pero kapag ginawa ko iyon, para lang ginawa ko

