Louise “Okay, miss Monique dela Cuesta. I want this conversation to be smooth pero mukha ngang busy kang tao kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” Mula sa pagkakakrus ng aking mga kamay sa tapat ng aking dibdib, tumingin ako sa aking tasa saka ito kinuha para ipunta sa aking labi para uminom. Nang matapos ay dagli ko rin iyong inilapag at tumingin nang diretso kay Monique na parang aburido na ang mukha. Mukhang nalipasan yata ng gutom ang babaeng ito, o kaya natatae kaya parang sinisilyaban na ng apoy ang kaniyang puwet sa kaniyang upuan. Nakataas ang kaniyang kilay na nakatingin sa akin habang magkakrus ang dalawang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib at nakaupo na parang prinsesa. Pumipitik-pitik pa ang kaniyang daliri kaya mahahalatang naiinip na siya. Totoo nga pala iyong sinas

